CHAPTER 1: SHE'S BACK

3.8K 54 0
                                    

Lei's POV.

Isang magandang umaga ang bumungad sa akin kaninang paggising ko kaya naman good mood ako ngayon. Papunta na ako ng cafeteria upang bumili ng makakain, ngunit dalawang babae ang nakaharang sa daraanan ko.

"Oh my g! Elleina?" gulat na gulat na tanong nitong isa. Hindi ko siya kilala kaya naman tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Do I know you?" tanong ko naman.

"Anong nangyari sayo? You look different."

Sino ba ang babaeng 'to? Hindi ko naman siya kilala at hindi rin naman ako interesado na kilalanin siya.

"Kilala ba kita?" pagtatagalog ko sa tanong ko. Dahil mukha kaseng hindi niya naman ako naintindihan.

"Joanna Rex." pagpapakilala niya at ini-abot  ang kamay niya to sign shake hands.

Tiningnan ko lamang ang kamay niya atsaka ko ibinalik ang tingin sa mukha niya.

Dahil masyado ng nauubos ang oras ko sa pakikipag-titigan ay naglakad na ako papalayo at iniwan silang dalawa. Kanina pa rin kumikirot ang mga paa ko dahil sa paglalakad papuntang cafeteria.

Hindi pa man din ako nakakalayo ay nakasalubong ko na ang babaeng sisira sa magandang araw ko.

"Look who's here. Ibang-iba ka na. Hindi kita nakilala. Nagbago ka ba dahil umaasa ka na magkakabalikan kayo ni Tim?" bati nya sa'kin. Makapal rin naman ang mukha niya para magtanong kaya naman inirapan ko lang siya.

"Wala akong oras makipag-sagutan sayo ngayon pero pagbibigyan kita." sagot ko.

"Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para balikan ako ni Tim. Huwag kang kabahan dahil wala naman na akong paki sa inyong dalawa."

"Ang yabang mo naman. Bakit? Sa tingin mo ba babalikan ka pa niya? Nasa akin na siya ngayon." sabi nya habang masamang nakatingin saken.

"Sayong-sayo na yung walang kwentang lalaki na 'yon. Bagay naman kayo, ahas ka mukha naman siyang sanga. Perfect di'ba? " sabi ko at naglakad na. Sinagi ko pa ang braso niya para maramdaman niya na inis ako sa kanya.

"BUTI NGA AT NAG-BREAK KAYO NI TIMOTHY. MALANDI KA KASE!" inis n'yang sabi sa'kin.

Liningon ko naman sya at tinaasan ng kilay. "Binaba nya kase ang standards nya kaya ayan naging kayo. Saka correction, nag-break kami dahil inahas mo." sagot ko pa. Umakma na siya na sasampalin ako mabuti na lang at alerto ako kaya naman napigilan ko ang kamay niya at ako ang sumampal sa kanya.

"Ouch, ang kapal ha."  sagot ko at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

Napaka-aga niyang sinisira ang araw ko. Hindi pa ba siya kontento na nasa kanya na si Tim?

Anyway, hindi naman talaga ako ganito. Pero dahil sa kagagawan ng ex-boyfriend ko at ng ahas na babaeng kausap ko kanina. Napagdesisyonan ko na baguhin kung ano yung dating ako.

Yung kausap kong babae kanina? Siya si Ivy, bago daw pero mukhang lumang girlfriend ng ex-boyfriend ko. Hindi ko masasabing sikat pero kilala siya dito sa school dahil sila ang may-ari nito. Kaya naman lahat natatakot sa kanya, except sa akin. Dahil may shares din kami sa school na ito kaya naman may karapatan ako para pigilan ang pagrereyna-reynahan niya dahil hindi siya bagay maging reyna dahil mukha siyang katulong.

Sa ilang sandali lang ay nakarating ako ng cafeteria. Luminga-linga ako upang hanapin yung dalawa. May usapan kami na magkikita-kita dito dahil may pag-uusapan kami.

"BOOOO!!"

Dalawang babae ang nagmula sa likod ko. Sila ang mag-pinsan na Chloe at Faith. Sila din ang tumulong sa akin para mabago ko ang sarili ko.

"Happy?" mataray kong tanong.

"Easy lang girl. You're so high blood naman." pang-iinis nitong si Faith. Inirapan ko lang siya at naglakad na papalapit sa bakanteng table na nakita ko.

"Anyway, nakita mo na ba?" tanong ni Chloe. Kumunot ang noo ko.

"Ang alin?"

"You're not updated pala. You're ex-boyfie is here...in our campus. " sagot ni Faith

"Wait.. what? Ano naman ang ginagawa niya dito? " nagtatakang tanong ko.

Ano naman ang gagawin ni Timothy dito? Ayaw na ayaw nga niya pumupunta sa school na 'to dahil ayaw niyang makikita ang Daddy niya. President kase ng academy ang Daddy niya, dito rin siya nag-aaral dati. Pero dahil nga galit siya sa Daddy niya ay nagtransfer siya sa ibang school.

"Hindi rin namin alam. Basta nakita lang namin siya kanina na kausap ng ibang teachers at wine-welcome siya." sagot ni Chloe.

"Oh my, naiisip niyo ba yung naiisip ko? Baka kaya gusto niyang makipagbalikan kay Lei. Nakakakilig naman." sabi ni Faith.

"E' ano pa ang ginagawa natin dito? Sugurin mo na, balita ko magkasama sila ngayon ni Ivy. Ipakita mo sa kanila na hindi na ikaw yung Elleina na nakilala nila." sabi naman ni Chloe.

Tumayo na ako at nauna na maglakad sa kanila. Sila naman ay nakasunod lang. Tingnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya na ako.

Nakarating kami sa malawak na field nitong school. Tama nga ang sinasabi ng mga kaibigan ko. Nandito nga si Tim and he's with Ivy.

Naglakad ako papalapit sa pwesto nila. Nang malapit na ako ay hindi pa rin sila tumitigil sa ginagawa nila. Kaya naman nagsalita na ako para naman magisawan sila sa ginagawa nila.

"Hindi talaga kayo sanay mahiya. Sa mismong school niyo pa talaga ginagawa yan." pagpaparinig ko.

Nagulat silang dalawa at napahinto sa ginagawa nila. Inayos ni Ivy ang sarili niya at humarap sa akin. Nakatitig lang naman si Tim at halatang pinoproseso sa isip niya kung sino ba ang kaharap nila ngayon.

"E-elleina?" nagtatakang tanong ni Timothy. Mukha siyang tanga sa reaksyon niya.

"Hello my dear ex-boyfriend. Kamusta ka?" sagot ko sa kanya. Si Ivy naman ay nananatiling nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

Tumingin ako kay Ivy at pinagtaasan rin siya ng kilay. "Surprise? What if i-send ko sa Daddy mo ang video niyo na naghahalikan dito sa school?" tanong ko sa kanya.

"Elleina, please wag naman dito." pagpipigil sa akin ni Timothy. As if namang mapipigilan niya ako

"Why? Perfect nga dito, maraming estudyante. Maraming makakanood kung ipakalat ko. Hindi ba yun naman ang gusto niyo? Attention. " sagot ko.

"Let her, babe. Akala niya yata matatakot niya ako." nagmamatapang na sagot ni Ivy.

Sakto ang pagdating ng mga estudyante g babae na may dalang mga drinks nila. Kaya naman may naisip akong very very bright idea. Kinuha ko ang juice na hawak nitong isa at bumalik sa kinaroroonan nila Ivy.

Hindi na ako nagdalawang isip at ibinuhos na kay Ivy ang juice na dala ko and look, hindi maipaliwanag ang reaksyon niya.

"HOW DARE YOU!" galit niyang sabi habang nakatingin ng masama sa akin.

"Malamig ba? Akala ko kase mahilig ang mga ahas na kagaya mo sa malalamig." sabi ko habang ginagaya ang maarteng boses niya noong mga panahon na inaahas niya sa'kin si Tim.

Linapitan ko naman ang tahimik at gulat na si Timothy. Mukha siyang tanga sa reaksyon niya. Hindi niya siguro expected na magagawa ko yon sa oh so called girlfriend niya.

"Look what you've done to me. May mga nagagawa na ko ngayon na hindi ko kayang gawin noon. Thank you dahil ginawa niyo akong ganito. But be careful nag-uumpisa pa lang tayo."

~~~~~

-sywn

Casanova In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon