(Elleina Copley po yung nasa picture, credit sa owner ng picture. I get it on google lang)
Lei's POV.
Hanggang ngayon ay nangungulit yung dalawa. Kanina pa sila nagtatanong about sa nangyare sakin kahapon. Matapos kase no'n ay nauna na akong umuwi sa kanila. Hindi ko na rin nai-kwento dahil pagod ako.
"Ano kase yung nangyare sa'yo kahapon?" tanong ni Chloe.
"Ang kulit niyo rin dalawa no? May nakabungguan nga akong hambog na lalaki." medyo iritado kong sagot.
"Sino naman yung lalaking nakabungguan mo? Is he gwapo?" tanong ng conyo na si Faith.
"Girl, pwede ba yung detalyado naman? Huwag mo na kaming bitinin." singit naman ni Chloe.
"Hindi ko alam yung name niya at wala akong balak alamin. Isa pa, huwag ko lang siya makikita ulit dahil baka mapatay ko na siya." sagot ko.
"Kalma pwede? Ikaw naman kase madalas ka mag-phone habang naglalakad." pangongonsensya ni Chloe. Sa aming tatlo siya ang medyo mabait. Advice dito, advice doon. Advice na hindi niya rin naman ma-apply sa sarili niya.
"So what happen nga?" tanong ni Faith.
Hindi ko mapipigil ang dalawa na 'to sa kakatanong kaya naman ikukuwento ko na.
"So ganito kase ang nangyare."
Flashback:
Bago pa man ako makarating sa pupuntahan ay may isang gulo akong nadaanan. Syempre as always kapag may mga estudyanyteng nagkukumpulan may eksena. Malayo pa lang ay kita ko na ang nangyayaring eksena pero bago pa man ako makalapit ay bigla akong natumba dahilan ng pagkakahulog ng bag ko at pagkalat ng mga gamit ko sa sahig.
"F*ck! Are you blind?" inis na sabi nitong lalaki na nakabunggo sa'kin. Siya pa itong galit, siya na nga itong nakabunggo.
"Matanong ko lang kung sino ba ang bumunggo? Di'ba ikaw? Nakakahiya naman sayo mister." inis kong sagot habang pinupulot ang mga gamit ko sa lapag.
"Hindi ka kase nakatingin sa dinadaanan mo!" inis niyang sabi at inayos ang jacket nya. Siraulo pala yung mamang to 'e.
"Hindi sa hindi ako nakatingin. Sadyang tanga ka lang dahil hindi mo nakita na nakatayo ako dito!" inis kong sagot.
"Tsk.. Whatever miss! It's still your fault." sabi niya habang nakatingin sa akin.
"HOY! Baka naman nakakahiya sayo at ako pa ngayon ang may kasalanan. Hindi mo na nga ako tinulungan kumuha ng mga gamit ko mas matalak ka pa kesa sa akin. Bakla na 'to!" sigaw ko sa kanya dahil kanina pa ako naiinis.
Tinaasan niya ako ng kilay at niya bigla akong hinawakan sa magkabilang braso ko. Tinitigan niya ako at inilapit ang mukha niya sa akin. Na-offend ko yata siya, ano naman ngayon kasalanan niya naman talaga.
"Ang tapang mo naman--" sabay tingin sa ID ko.
"Ang tapang mo naman Elena." sabi niya. Sino si Elena?
"Elleina not Elena." sagot ko sa kanya at umirap pa.
"Hindi mo ba ako kilala ha?" tanong niya naman.
"Hindi. Wala rin akong balak na kilalanin ka kaya bitawan mo ko!" sagot ko at pumiglas para makawala sa pagkakahawak niya.
"Chill..Wala naman akong gagawin sayo."
"Sa oras na maka-alis ako dito, irereklamo kita ng physical abuse!"
Ngumisi siya at tinitigan ulit ako. "Physical abuse? Paano kung gawin ko to?"
BINABASA MO ANG
Casanova In Disguise
Short StoryHighest Rank No.1 in #bes Paano mo iimaginin ang buhay na masaya kung araw-araw badtrip ka? Kakayanin mo ba mahalin ang isang tao na kinamumuhian mo? Paano kung hindi mo na siya kilala?