CHAPTER 2: MEETING HIM

2.2K 38 0
                                    

Lei's POV.

Naglalakad ako ngayon sa hallway dahil kagagaling ko lang ng rest room. Nag-retouch lang ako kaunti dahil pakiramdam ko ay hulas na ako.  Kahit naman naka-aircon ang lahat ng classroom dito sa school at maraming nakatanim na puno ay mainit pa rin.

Lahat ng mga mata ng mga dadaanan kong estudyante ay sa akin naka-baling. Nasanay na ako sa ganiya'ng mga tingin. Tingin na nakakapagpababa ng kumpiyansa ko noon Mga tingin na humuhusga sa pagkatao ko. Wala naman akong magagawa kun'di hayaan na lang.

Hindi ko nalamayan na papalapit na pala ang kapatid ni Lucifer. May kasama na siya ngayon na dalawang babae, mga payat at makakapal ang make-up. Alam niyo ba yung mag eksena sa movie kapag dumadating ang mga mean girls sa school ganoon ang peg nila ngayon. Pero hindi naman bagay dahil magaganda ang mga mean girls sa movie.

"Hindi pwedeng hindi ako makaganti sayo." sabi nya at bigla na lamang akong sinampal.

Narinig ko ang pagka-gulat ng mga nakakita sa ginawa niya habang ako ay mataray na nakatingin sa kanya at sinusubukang maging kalmado. Hindi naman mawawala ang pagbubulungan ng mga estudyanteng naririto sa kinaroroonan namin at nakasaksi sa ginawa niya.

"Manhid ka rin pala." sabi niya pa habang nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin.

Naglakad ako at lumapit ng konti sa kanya. "Are you done? If yes, pwede ako naman?"

Hinawakan ko ang pisngi ko na sinampal niya at umarte na kunwaring inaalisan ito ng dumi. "Ang masasabi ko lang makati siya. Akala mo ba masasaktan ako?"

"Wag kang mag-alala sa susunod hindi na kamay ang ipang-sasampal ko sayo. Hindi rin porket napahiya mo ako kahapon ay titigilan na kita." sabi niya pa.

"Blah blah blah, napakarami mo namang sinasabi. Iyan na ba yung pinaka-mataray na-attitude mo?" sabi ko. Hindi ko siya gagantihan ng sampal dahil luma na ang teknik na 'yan.

"Sa susunod na guluhin mo pa kami ni Timothy, hindi lang sampal ang gagawin ko sayo. You're a pathetic nobody girl kaya huwag mong iisipin na kaya mo akong lamangan." pagbabanta niya naman.

"Go ahead, do what you want. Hindi kita pipigilan. Dahil alam naman nating dalawa kung sino ang desperate pathetic snake girl, na nagmamaka-awa para lang maagaw niya ang taong gusto niya." sagot ko naman

  Pag-katapos kong ipamukha sa kanya ang kagagahan niya ay naglakad na ako papalayo sa kanila. I'm not the kind of woman who retaliates just to get attention. Hindi ko ugali yon.

  Bago pa man ako makarating sa pupuntahan ay may isang gulo akong nadaanan. Syempre as always kapag may mga estudyanyteng nagkukumpulan may eksena. Malayo pa lang ay kita ko na ang nangyayaring eksena pero bago pa man ako makalapit ay bigla akong natumba dahilan ng pagkakahulog ng bag ko at pagkalat ng mga gamit ko sa sahig.

"F*ck! Are you blind?" inis na sabi nitong lalaki na naka-bunggo sa'kin. Siya pa itong galit, siya na nga itong nakabunggo.

"Wait, hindi ba't ikaw ang bumunggo sa akin? Ang kapal naman ng mukha mo, baka ikaw ang bulag." inis kong sagot habang pinupulot ang mga gamit ko sa lapag.

"Hindi ka kase nakatingin sa dinadaanan mo!" inis niyang sabi at inayos ang  jacket nya. Siraulo pala yung lalaking to 'e.

"So are you saying na kasalanan ko? Ikaw nga itong hindi nakatingin sa dinadaanan mo!" inis kong sagot.

"Tsk.. Whatever miss! It's still your fault." sabi niya habang nakatingin sa akin.

"HOY! Baka naman nakakahiya sayo at ako pa ngayon ang may kasalanan. Hindi mo na nga ako tinulungan kumuha ng mga gamit ko mas matalak ka pa kesa sa akin." sigaw ko sa kanya dahil kanina pa ako naiinis.

  Tinaasan niya ako ng kilay at niya bigla akong hinawakan sa magkabilang braso ko. Tinitigan niya ako at inilapit ang mukha niya sa akin. Na-offend ko yata siya, ano naman ngayon kasalanan niya naman talaga.

"Ang tapang mo naman--" sabay tingin sa ID ko.

"Elena."

The fuck, who's Elena?

"Elleina not Elena." sagot ko sa kanya at umirap pa.

"Hindi mo ba ako kilala ha?" tanong niya naman.

"Hindi. Wala rin akong balak na kilalanin ka kaya bitawan mo ko!" sagot ko at pumiglas para makawala sa pagkakahawak niya.

"Chill..Wala naman akong gagawin sayo." 

"Sa oras na maka-alis ako dito, irereklamo kita ng physical abuse!"

Ngumisi siya at tinitigan ulit ako. "Physical abuse? Paano kung gawin ko to?"

   Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong hinalikan. Mga ilang segundo rin nagdikit ang mga labi naman. Nang maka-usad siya palayo ay kaagad ko naman siyang sinampal at naglakad na ng mabilis papalayo


*CAFETERIA*

"Anong problema nito? Ang tahimik niya naman yata?" tanong ni Faith kay Chloe.

"Hindi ko alam d'yan. Pagkadating niya dito ganyan na agad 'yan." sagot naman ni Chloe.

"Nakakita yata ng multo. Hey, what's wrong?" tanong niya sa akin at ipinitik pa ang dalawang daliri niya.

Rinig na rinig ko ang usapan ng dalawang 'to. Hindi ko nga ba alam kung bakit ako biglang natahimik. Nasa isip ko pa rin yung nangyari kanina at dahil doon mukha akong tanga ngayon na hindi man lang makakibo.

"Lei, okay ka lang? tanong ni Chloe sa akin. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Para ka kaseng nakakita ng multo." dagdag niya pa.

"Oo nga. May nangyare ba sayo?" tanong naman ni Faith.

"W-wala, o-okay lang ako."

"Sure ka?" tanong ni Chloe. Nginitian ko lang siya.

  Wala pa ako sa mood magkwento sa dalawang ito. Hanggang ngayon ay pinoproses pa ng isip ko yung mga nangyari kanina. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Huwag lang ulit magku-krus ang landas namin ng lalaking bastos na yon dahil lintik lang ang walang ganti.

~~~~~

-say

Casanova In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon