Lei's POV.
Few weeks past ng maganap ang revenge ko kay Ivy at Timothy. Ngayon ay okay naman na ako. Hindi ko na rin sila gaanong iniisip dahil stress lang din ang aabutin ko sa kanila.
Tungkol naman sa pagcomfort sa akin ni Kian. Pagkatapos noon ay hindi ko na ulit siya nakita. Hindi ko na rin siya minsan makita sa school ang sabi ng mga kakilala niya busy daw sa training nila ng soccer.
Pauwi na ako ngayon galing simbahan. Dumaan lang ako dito para pagnilayan yung mga nagawa ko at nangyari sa akin. Sanay pa naman akong magsisi sa mga kasalanan na ginawa ko.
Malapit na sana ako sa kotse ko ng may biglang humarang na lalaki.
"Hey, nice meeting you again Amazona." sabi ni Kurt. Problema nito? Pormang-porma siya ngayon. Akala mong kung saan pupunta.
Inirapan ko siya at deretso na naglakad para hanapin yung kotse ko. Pero hinaharangan niya yung dadaanan ko.
"Nagsisimba ka pala? Buti 'di ka nalulusaw." sabi niya pa. Kahit anong pagtitimpi ang gawin ko may demonyo talagang lalapit.
"Tumahimik ka dyan bago ikaw ang lusawin ko." sagot ko sa kanya.
"Nalulusaw na nga ako sa titig mo 'e." sabi niya naman at kinindatan pa ako. Kadiri!
Bwisit naman bakit ba kasi sa lahat ng makakasalubong ito pang bwisit na to ang nakasalubong ko. Pasalamat talaga siya at kakasimba ko lang kung hindi baka inilibing ko na siya ng buhay.
"Aalis ka ba dyan o itutulak kita paalis?" tanong ko naman sa kanya. Sawa na akong makipagtalo gusto ko muna ng peace of mind kahit ngayong araw lang.
"Kalma, ang aga-aga high blood ka. Let's have some coffee, tara!" pang-aaya niya.
"Ayoko, ikaw na lang."
"Choosy ka pa? Gwapo na ang kasama mo." saad niya. Yabang talaga.
"Gwapo? Nasaan?" tanong ko naman at kunwaring naghahanap.
"Kahit saan ka maghanap hindi mo makikita dahil 'eto lang naman ako sa harap mo. Tsk." sagot niya naman.
"Saan ka ba pinaglihi ni Tita Liezel at ganyan ka-taas ang confidence mo?" tanong ko naman.
Ayan na nagsisimula ng madagdagan ulit ang mga kasalanan ko. Itong lalaki naman kase na'to ngayon pa nagpakita kung kailan kakasimba ko lang.
"Anong tita? Mom-my. Mommy na itatawag mo kay Mommy." sabi niya pa.
"At bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi naman tayo mag-asawa."
"Ang sabi ko lang naman Mommy itatawag mo, hindi ko naman sinabing mag-asawa na tayo. Napaghahalataan ka." sagot niya naman. Bakit ko ba kasi nasabi yon, may point naman sya.
"Ano na? Sasama ka ba o hindi?" tanong niya naman.
Hinawi ko siya at pumunta na sa kotse ko. Ayoko na siyang sagutin baka mamaya kung ano pa ang masabi ko mas lalo lang madagdagan ang mga kasalanan ko. Umalis na ako at iniwan na siya. Gusto kong magshopping ngayon.
- MALL -
Nandito na ako ngayon sa mall at kasalukuyang nag-iintay na makarating sa 3rd Floor itong elevator. Maya-maya pa ay biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito para basahin kung sino man ang nag-message.
Sunod-sunod na nagdatingan ang message ni Chloe sa akin. Kanina pa pala nila ako hinahanap. Saka ko lang naalala na kailangan pala naming mag-ayos ngayon sa stage. Nag-organize kasi ang organization namin ng mini-concert bukas. It's our way para magkaroon naman ng academic break ang mga students sa school.
Imbis na makapunta ako ng 3rd floor. Bumalik na ako sa first floor upang makapunta na ng school.
Dumiretso na ako ng parking lot. Upang kunin ang kotse ko. Kasalanan to ng lalaking yon, kung hindi kasi siya nagpakita kanina hindi ko sana nakalimutan na may kailangan kaming gawin ngayon.
- SCHOOL -
Nakarating na ako sa school at naabutan ko na busy sila sa pagdedesign ng stage at mukhang matatapos na nila. Kinawayan ko agad si Chloe to give sign na ready na ako tumulong.
"Mabuti naman at dumating ka. Akala namin nakalimutan mo na yung gagawin natin ngayon." bungad sa akin ni Chloe.
"Kaya niyo naman pala tapusin inabala mo pa ako sa pagsoshopping ko." sagot ko naman.
"So utang na loob ko pa pala ngayon. Sorry girl."
"Whatever, ano na ba ang gagawin ko?" tanong ko naman. Kasi lahat sila ay busy, hindi naman pwede na tumayo lang ako at panuorin sila.
"Just check the program, ikaw kasi ang magaling dyan. Check mo kung may need ba baguhin o palitan. Paki-double check na rin lahat ng mga guest performer natin." utos naman niya.
Naupo na ako at binuksan ang ipad ko. Sinimulan ko na rin basahin yung pagkakasunod-sunod ng program para tingnan kung may need pa ba ayusin.
"Do you need help?" tanong ng lalaking umupo sa tabi ko
"Kian?"
"Kamusta ka na? Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Buhay ka pa pala. Yes, okay naman na ako. Ikaw ang kamusta ang tagal mong di nagpakita." tanong ko sa kanya.
"Sorry naging busy lang sa training saka nagrerehearse kasi kami for our production number tomorrow." sagot niya naman.
"Good luck. Hindi ko alam na sanay ka pala kumanta." sabi ko pa. Napakamot naman siya sa ulo niya na parang nahihiya.
I don't know pero siya lang yung hindi ko matarayan ngayon. Para kasing may aura siya na nakakahawa yung kabaitan.
"Can I talk to you? I just want to tell you something."
"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya.
"K-kase a-ano.." nauutal niyang sagot.
"Ano nga?"
"Hmm. I-i just want to say na ang ganda mo ngayon." sagot niya naman.
"Alam mo, do not state the obvious." pabiro ko namang sagot.
Time passes so quickly, inabot din kami ng 5pm sa pag-aayos ng buong stage. Umuwi na ako at hindi na sumama kila Chloe, nag-aayaan kasi sila mag-coffee. Sa bahay ko na lang gagawin yon, gusto ko muna mag-relax sa garden.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin si Kian. Feeling ko kase kilala ko talaga siya bago pa man siya mag-transfer sa school namin. Saka iniisip ko kung sino ba ang kamukha niya. Siguro si Kurt kase mag-pinsan nga pala sila. Pwede rin na baka iisa lang sila?
*****

BINABASA MO ANG
Casanova In Disguise
Storie breviHighest Rank No.1 in #bes Paano mo iimaginin ang buhay na masaya kung araw-araw badtrip ka? Kakayanin mo ba mahalin ang isang tao na kinamumuhian mo? Paano kung hindi mo na siya kilala?