Pag-Hilom

35 17 0
                                    

Tila namamaga na,
Ang 'yong magaganda mong
mga mata

at tila nakalimutan na,
ng malambot mong labi
ang ngumiti

Sakin ay sabihin,
lahat ng gustong sabihin

Sakin ay ibulong,
Lahat ng gustong ibulong

Upang mabawasan 'yang kalungkutang
iyong naipon

Pagmasdan iyong sarili sa salamin
Ikaw ay naiiba, sa kanila

Punasan ang mga luhang
tumutulo sayong magandang
Mukha

Sa sarili ay sasabihin
lahat ng gusto kong sabihin

Sa sarili ay ibubulong
lahat ng gusto kong ibulong

Ilalabas ko na ang lungkot
at galit ng kahapon

Upang mabawas-bawasan
ang lahat ng aking
itinikom.

Pag - HilomWhere stories live. Discover now