Chapter 3: Mystery Clock Part 2_ Mystery Painting

16 1 0
                                    

Niko's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ni Zhia iyakin."Hah(yawn), Good Morning manang, mang Ricky." bati niya habang paunat unat na lumabas ng kwarto.

Nakapikit pa siya nun, ni di nga niya alam kung nandyan sila aling Pepa eh. Ang di niya alam wala sila at ako lang ang nandito. Nakapikit pa'rin siya hanggang sa kusina. Haha ang ganda naman niya kahit bagong gising, tss teka nga...hindi ang pangit pala niya. Mayamaya ay lumabas na siya at pumunta sa sala.

Nakita ko ang dahan dahan na pagbilog ng mga mata ni Zhia dahil sa biglaang pagkikita namin. "A-aahhhh!" isang sigaw ang kumawala sa bibig nito bago kumaripas ng takbo papunta sa kwarto. Naalala ko pa ang mga nangyari kanina.

"Kuya, yayain mo naman si Zhia. Kilala mo nanaman siya di'ba?" sabi ng nakababata kong kapatid na si Rica. Gusto raw niyang gumala sa mall yayain ko raw yung friend niyang iyakin. Tss... ito yung mahirap kapag kuya ka eh. Hay, bahala na nga. "Please kuya please..." tuloy tuloy na pangungulit niya."Sige, sige." tanging nasagot ko sa pangungulit nito. "Yiee thanks kuya! " sabi niya sabay yakap sa'kin.

Pagkarating ko sa bahay ni Zhia ay sinalubong agad ako ni aling...Pepa, raw ang pangalan. Pinapasok niya naman ako't pinaupo tapos siya naman pumasok sa kwarto ni Zhia.

Ilang minuto ang nakaraan at lumabas na si manang.
"Iho, tulog pa si Zhia eh, ayaw magpagising. Puntahan mo nalang sa kwarto niya kung gusto mo." mahinhing sabi ni manang sa'kin. Kaya pumasok na ko sa kwarto ni Zhiang iyakin Haha.

Dahan dahan ko namang pinihit ang door knob at tumambad sa'kin ang natutulog na si Zhia. Si Sleeping Beauty ba to?  Haha more like Sleeping Iyakin. Haha joke lang.
"Hoy! gising!" sigaw ko sakanya .Tss... walang epekto. Grabe anong oras ba to natulog ?! wala na kong ibang maisip na paraan niyugyog ko nalang, syempre malakas na yugyog para matauhan. "Manong, inaantok pa po ako eh.Matutulog pa po ako." sabi niya sabay tulakbong ng kumot. Grabe kang babae ka! mukha na ba kong manong?! parang manong na ba boses ko?! Tss... ayaw mong magising ah. Bahagya ko siyang tinulak sa kama niya upang tabihan sana. Oh! baka kung ano ano na yang tumatakbo sa isip niyo ah. Tatabihan ko lang. Take note LANG. Ngunit sa di inaasahan, "A-aray!" daing niya.Nahulog kasi siya. Magalaw kasi...wala na kong nagawa. Di ko naman sinasadyang mahulog yan eh, at di parin naman siya naggising pagkatapos mahulog. Manhid ba to?! Marahan ko nalang siyang inakyat sa higaan niya't umalis. Bumalik nalang ako sa sala. Si manang nalang ulit yung tumawag sakanya.

Pagkatapos ng matagal na paghihintay. Lumabas na'rin si Ms. iyakin. Dumaan pa siya sa harap ko at umupo sa katapat kong upuan."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot noong tanong niya sa'kin."Ah...yayain daw kitang magmall sabi ni Rica. Gagala raw tayong tatlo." pagpapaliwanag ko naman sakanya. Lalo namang kumunot ang noo niya. "Ah close pala kayo ni Rica?" nagtatakang tanong niya. "Ah oo, bakit?" tugon ko sakanya."Ah wala lang." sagot naman niya habang patayo na ng upuan. "Oh? saan ka nanaman pupunta?" sabi ko habang nakakunot ang noo. "Di'ba sabi mo magm-mall tayo? edi magbibihis ako." sarcastic niyang sabi. Ibang klase talaga tong babaeng to."Ah? okay! punta ka'na doon." sabi ko sabay tulak sakanya.

Ilang minuto rin akong naghintay, hanggang sa nakalabas na siya. She was wearing a simple baby pink casual dress tapos nakadoll shoes na pink din. "Ehem!". Di ko namalayang natulala na pala ako. "Tara na?" pagpapatuloy niya. Tumango lang ako saka tumayo na at mayamaya nakita na namin si Rica. Bigla naman niyang hinila si Zhia kaya naiwan akong mag isa sa likuran nila. "Hoy! bilisan mo." napalingon ako sa nagsabi, si Ms. Iyakin. Tumango lang ako at binilisan ang paglalakad.

Di nagtagal, nakasakay na kami ng jeep. "Wuy, ba't ang tahimik mo jan?" sabi ni Zhia sabay kalabit niya sa'kin. I just shook my head as an answer, parang wala talaga akong gana magsalita ngayon."Wuy! wuy!" pangungulit niya ulit sa'kin. Ang kulit niya talaga, di ko alam na makulit pala to. "Psst uy." napalingon ako sa katabi ko, "Wag mong sasabihing magkapatid tayo ah?" ani ni Rica sabay taas baba ng kilay niya. May gagawin nanaman tong kalokohan sigurado ako. "Ge." walang gana kong sagot.

Lumipas ang labinlimang minuto at nandito na kami sa mall. Pagkapasok na pagkapasok namin ay naglibot libot sila sa isang shop na may mga paintings. Mahilig kasi si Rica sa mga ganoon kaya dun niya hinila si Zhia, ako naman naiwang nakaupo sa labas.

Sa tuwing nagpupunta ako dito di ko maiwasang maalala ulit siya...

Flashback 5 years ago.

Nandito ako sa isang shop na maraming nakadisplay na paintings. Seryoso akong nakatuon sa painting ng isang orasan na hawak hawak ng isang lalaking may suot na sombrero nang biglang...*click* nakarinig ako ng isang flash ng camera. Napalingon ako sa likuran ko. "Niko, smile..." sabi ni Yhuna habang nakangiti at pinopokus sa'kin ang camera. Ngumiti naman ako sakanya tapos nagpeace sign. Saka niya ulit finlash ang camera.

Mayamaya lumapit na siya sa'kin at napansin ang painting na tinitingnan ko kani kanina lang. "Uy Niko, ang ganda ng painting no?" ani niya saka ako tinignan at ngumiti ng makahulugan. "Ano nanamang kailangan mo ha?" sabi ko. Sa mga ngiti niya kasi parang nagpapahiwatig na may kailangan siya. "Hmm...bilhin natin yung painting, please..." sabi niya saka nagpuppy eyes. Wala akong naggawa, di ko matiis ang cute niyang itsura, at gusto ko siyang mapasaya bago pa siya kunin ng langit sa'kin. "Sige." tugon ko, saka kami nagtungo sa may counter. "Miss, bibilhin po namin yung painting na may orasan." sabi ko. Napakunot ang noo ng babae pero nawala rin ito agad. Binayaran na namin ang painting at lumabas ng shop.

"Wuy!" narinig kong sigaw ni Zhia sa tenga ko. Kanina pa kaya ito rito? "Ba't di ka pumasok?" tanong niya. Nagkibit balikat lang ako. "Nandoon pa si Rica. Tara pasok tayo!" sabi niya saka ako hinila papasok.

Nakapasok na kami, patuloy pa'rin ang paghila niya sa kamay ko, papunta na kami sa kinaroroonan ni Rica.

"Oh, nandito ka na pala! tingnan mo to Niko oh!" sabi ni Rica sabay turo sa'kin ng painting na kanina pa niya tinitignan. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko. Parang ito yung painting na nakita ko sa...nilibot ko ng tingin ang buong paligid at naalala ko ulit yung shop kung saan namin nabili yung painting.

Papalabas na kami  ni Yhuna ng shop, pinag uusapan na namin kung saan kami susunod na pupunta. "Niko, pagkatapos natin pumunta sa resto, punta ulit tayo sa antique shop ha?" Tumango tango lang ako. Mahilig kasi ito sa mga antiques katulad ng pagkahilig niya sa paintings.

Habang pinagmamasdan ko siyang masayang nakatitig sa larawang binili namin ay nasasakop naman ng kaligayahan ang puso ko. Ang saya ko, kasi kahit sa ganitong paraan lang napapasaya ko siya, na kahit sa konting panahon na natitira sa buhay niya, may  madadala siyang masasayang alaala sa kabilang buhay. Naputol ang malalim kong pag iisip dahil sa bigla niyang paghinto sa paglalakad. "May problema ba Yhuna?" nilingon ko siya sa tabi ko.
"Niko, Jikan ryokô Paintings pala yung binilhan natin oh." sabi niya sabay turo dun sa pangalan ng shop. Napatingala naman ako at sinundan kung saan siya tumuturo. "Jikan ryokô Paintings" muling sambit ko.

Nagbalik lang ako sa realidad nang marinig ko ang pagtawag ng dalawa. "Niko!" sabay nilang sabi. Napalingon naman ako sa kanila. Nakatingin sila sa'kin ng masama. Nasa harap ko si Rica, "Kanina ka pa namin tinatawag, hinila ka na nga namin sa labas di ka pa'rin natatauhan. Ano bang nangyayari sayo?" sabi niya habang nakatingin ng may pag aalala sa'kin. Nasa tabi ko naman si Zhia may pag aalala rin sa kanyang mga mata. Napatingin ako sa paligid nasa labas na nga kami. Tumingala ako at nakita ko ulit ang pangalan ng shop. "Jikan ryokô Paintings" bulong ko sa kawalan.

When Midnight ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon