Chapter 4: Paintings

10 0 0
                                    

Zhia's POV

"Jikan ryokô Paintings" bulong ni Niko sa kawalan. Kanina pa ito tulala, nang yinuyugyog naman namin di pa'rin kumikibo. Buti nga nang hinila namin siya palabas ay nagsalita na siya. Jikan ryokô Paintings daw. Tumingala ako, ano ba yun sa kanya? isa lang namang hamak na pangalan yun ng shop ah. Di ko siya maintindihan. Ba't parang ang lalim ng iniisip niya? "Uy, ikaw naman natulala jan." tapik sa'kin ni Rica. Napabuntong hininga na lamang ako.

Tuluyan na kaming lumabas ng shop at umupo sa mga upuan sa labas nito. Halo halong antok at pagod naman ang nararamdaman ko.
Di ko alam pero, sa di malamang dahilan hinatak ko sila papunta sa isang antique shop.

"Rica, mahilig ka ba sa antiques?" tanong ko nang makapasok na kami sa loob. "Oo naman! I so love antiques, ikaw ba? mahilig ka rin no?" tugon nito sa akin. Tumango lang naman ako sa kanya bilang sagot at nagsimula na kaming maglibot libot sa shop. Sa paglilibot namin dito ay may napansin akong orasan, na nakasabit sa dingding. Nakahiwalay ito sa iba pang nakadisplay na orasan. Pamilyar ito sa akin kaya't nilapitan ko.

Nakalapit na ko nang husto at nakita ko kung paano kumislap ang mga numero na nakalagay dito, dahil sa ilaw na tumatama sa katawan nito. Kulay ginto ang ito may kakaibang disenyo at parang ang hiwaga tingnan. Unang tingin ko dito ay parang hinihigop na ako papalapit.
Sinubukan ko itong hawakan, sa dahan dahang paglapit ng kamay ko ay nanlaki ang mga mata ko. Nakapasok ang kalahati ng kamay ko sa loob ng orasan. Di ko pa natatanggal ang kamay ko sa loob ay may naramdaman naman akong mga kamay na humawak sa loob ng orasan. Nabigla ako kaya bigla ko nalang kinuha ang kamay ko at nasama dito ang kamay ng taong humawak sa'kin. Nahagip naman ng mga mata ko ang isang clock bracelet na suot nito sa kamay niya. Sa unti unting paglabas ng taong ito sa orasan ay...

"Zhia, gising na. Uy!" bigla akong nagising sa tawag ni Rica. "Hmm ha?" tugon ko habang kinukusot kusot ang mga mata ko. "Uwi na tayo." sabi niya habang inaalalayan na akong tumayo. "Hm okay si Niko ba?" tanong ko habang palinga lingang hinahanap si Niko. "Here!" sagot naman nito sa di kalayuan. May dala dala siyang mga pagkain. "Uwi na tayo?" sabi niya nang makalapit na sa amin, saka kami nagtungo sa labas ng mall. "Wait, balik muna tayo." bigla kaming hinilang dalawa ni Rica.
Natagpuan nalang namin ang mga sarili naming nasa antique shop na, ulit?. "Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko sa kanya. "Libot muna tayo? I so love antiques, ikaw ba? mahilig ka rin no? " masayang sabi niya. Kinilabutan naman ako sa naging tugon niya sa akin." Parang nangyari na to ah?" bulong ko sa sarili. Habang palakad lakad ako sa shop ay nakita ko nanaman ang isang pamilyar na bagay na siyang nakapagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. "Shit! yan nanaman!?" Dahil sa halo halong taranta, nerbyos at kabang nararamdaman ko, tinahak ko ang daan palabas ng shop ng hindi nagpapaalam kina Rica. "Zhia!" ayoko na sanang lingunin sila pero...parang kusang gumalaw ang ulo ko para tingnan sila. Dahan dahan namang nagtaasan nanaman ang mga balahibo ko, namilog ang mga mata ko't para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Nakita ko sina Rica. Hindi. Nakita ko ang lahat ng mga tao sa loob ng shop na ang nagsisilbing ulo nila ay ang orasan na nakita ko kanina. "Aaaahhhhh!" sigaw ko habang unti unting nawawalan ng malay.
   "Zhia! Zhia! gising!" nagbalik lang ako sa realidad ng gisingin ako ni Niko. Naiiyak akong napayakap sa kanya. "Anong nangyari Zhia?" bigla nanaman akong kinilabutan, dahan dahan akong napakalas sa pagkakayakap ko sa kanya. "Ano kasi..." nang iangat ko ang ulo ko para tingnan siya ay nakita ko nanaman ang orasan na nasa harap ko na. "Aahhh!"
      "Zhia! Gising!" nagising ako sa pagyugyog sa akin ni Rica. Huminto na ang jeep na sinasakyan namin. Habang naglalakad na kami papunta sa loob ng compound village na aming tinitirhan, ako nama'y nakabaon sa  malalim na pag iisip, dahil sa panaginip na iyon.
       "Bye Zhia." sabay nilang sabi, they both waved goodbye at pumasok na ako sa loob. Dumiretso ako ng kwarto nang nakayuko. Ayokong makita ang orasan na nakasabit sa dingding na katabi ng pintuan ng kwarto ko.
    Tagumpay naman akong nakarating sa kwarto nang nakatingin lamang sa daanan. Agad akong napasalampak sa kama dahil sa pagod at gulong gulo na nadarama ko, isama niyo pa ang kilabot na hindi pa rin mawala sa buong katawan ko. Bumalik nanaman sa isipan ko ang panaginip ko kanina. Sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na iyon ay bumabalik sa memorya ko ang aking yumaong mga magulang. Ewan ko ba, akala ko nakalimutan ko na. Pero sadyang isipan lang talaga ang nakakalimot ngunit ang puso'y hindi. Mayamaya'y nakatulog na ako sa kakaisip.
       Nagising nalang ako sa ingay ng mga chimes at sa lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko, dahilan ng bukas na bintana sa gilid ng higaan ko. Nagtaka ako't bumalik nanaman ang nakakapanindig balahibong nadarama ko. Sa kabila ng takot ay nagawa ko pang isarado ang bintana sa kwarto ko.Di pa'rin tumitigil ang mga chimes na naririnig ko. Dahil sa nawala na ang antok ko'y sinundan ko na lamang ang tunog kung saan nangagaling. Pagkalabas ko nang pinto nakita ko ang orasan na eksaktong nakaturo sa alas dose. Nawindang naman ako sa aking nakita, nang biglang lumabas ang isang ginintuang paruparo sa loob ng orasan. Napako ang tingin ko dito't nakita itong lumilipad lipad sa tapat ng pinto ng kwarto ko.
      Hanggang sa di ko na namalayang kinukuha ko na ang orasa't nilalagay sa tapat ng pinto kong may nakaukit na eksaktong eksaktong lalagyanan para sa isang orasan. Dito ko ito nilagay. Pagkatapos nun ay kusang sinundan ng mga paa ko ang paruparong pumasok na sa kwarto ko. Pumasok din ako sa loob at sa di inaasahan.
      Biglang umikot ang paningin ko, linamon ng isang nakakasilaw na liwanag ang buong kwarto at nagising ako sa di malamang lugar.
       Naglibot libot ako at nakita ko ang isang nakangiting bata kasama ang pamilya nito sa lilim ng puno. Mukhang pamilyar ang itsura ng mga taong ito sa'kin kung kaya't nilapitan ko sila.
Nagulat na lamang ako sa nadatnan ko pagkarating ko doon. "Ma? Pa?" bulalas ko nang makita ko sila.

To be continued...

When Midnight ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon