Chapter 1: Niko

32 1 0
                                    

Zhia's POV

Zhia Shine Venez ang pangalan ko, 16 taong gulang, I'm a 4th year student. I'm an only child, I own a loving and a happy family. Kung di lang dahil sa isang aksidente. Hanggang ngayon sana masaya pa ako...kontento.

Ang sakit, ang sakit ng mga nangyari, di ko inaasahan na sa isang iglap. Wala na sila, ayaw magsink in sa utak ko. Di ko kayang tanggapin. Parang gusto ko munang lumayo, lumayo sa mga bagay na makakapag paalala sa'kin sa kanila. "Ma, Pa, miss na miss ko na po kayo." sambit ko habang patuloy nanaman sa pagtulo ang mga luha ko. Isang araw na ang nakakaraan simula ng magsimula akong mamuhay mag isa. Ang lungkot, palagi nalang akong umiiyak sa tuwing naaalala ko ang mga masasayang alaala naming mag anak.

Naudlot ang malalim kong pag iisip nang maramdaman kong huminto na ang sasakyan sa harap ng isang di pamilyar at mukhang antigong bahay sa isang maliit na village. Di na ko nag abala pang punasan ang mga luha na patuloy paring umaagos mula sa mga mata ko. "Ma'am nandito na tayo."

sabi sakin ni mang Ricky. Kaya't bumaba na ko.

Naisipan ko kasing lumipat ng tirahan, simula ng pagkawala ng mga magulang ko. Ayaw ko namang magmukmok nalang at pabayaan ang sarili ko, panigurado kapag kasama ko sina mama't papa at nakita nila akong ganoon, papagalitan nila ako.

"Ma'am Zhia, sigurado na po ba kayong dito na kayo titira? " narinig ko namang sabi ni mang Ricky. Tumango lang ako at nagpatuloy sa loob ng antigong bahay. Nakita ko namang papalapit sa akin ang matandang babae na sa tingin ko'y ang nagbebenta nito.

"Ah, iha? ikaw ba ang bibili ng bahay?" sabi niya habang inaakay ako papasok sa loob. "Ah, opo." tipid na sagot ko sa matanda, saka ko nilapag ang bayad ko sa mesang malapit sa uupuan namin. Tumango tango lang ang matanda at naupo narin kami, saka ulit siya nagsalita, "Hindi ka ba natatakot?" bigla naman akong kinilabutan sa tanong niya. "Ah, bakit po? may kailangan po ba akong ikatakot?" buong tapang na sagot ko. Ewan ko ba, pero parang kakaiba ang nararamdaman ko dito sa bahay na to. Ngumiti lang ang matanda sa'kin saka nagsalita ulit, "Di naman sa tinatakot kita iha, pero halos kasi lahat ng bumibili ng bahay na ito. Bigla bigla na lamang nawawala.", kinabahan nanaman ako sa sinabi niya. "Ibig sabihin? marami na pong nakabili nito pero bigla bigla nalang nawala?" curious kong tanong, pero nagnod lang siya sa'kin at umalis. Naiwan naman niya akong nakatulala at  nagtataka, pero bago siya tuluyang lumabas ng bahay ay sinabihan niya ako na mag ingat. Ano kaya ang gusto niyang ipahiwatig? naguguluhan tuloy ako.

Di ko nalang pinansin yung mga sinabi ng matanda, kasi ng ikwento ko iyon sa isang babaeng nakilala ko nang lumabas ako ng bahay para kunin ang mga gamit ko, na Rica raw ang pangalan, at apo raw siya ng matanda. Baka raw guni guni lang yun ng lola niya dahil tumatanda na. Kaya tinuon ko nalang ang pansin ko sa pag aayos ng mga gamit ko. Nilibot ko ang buong bahay at ngayon ko lang napansin na maganda ito, kanina kasi nakafocus lang talaga ang atensyon ko kay lola. Halos lahat sa loob ng bahay ay antigo. Ground floor lang siya walang second floor. Ang mga furnitures dito ay kahoy, antigong mga vases, may chandelier pa nga eh, may fridge din saka TV. Lahat nakalagay sa tamang posisyon. Pero may isang bagay ang nakaagaw ng atensyon ko. Yun yung antigong orasan na nakasabit sa wall na katabi ng isang kwarto. Kakaiba kasi ang disenyo nito, may maliit ito na orasan sa loob tapos may orasan ulit sa loob ng orasan, lahat ng orasan na yun iba iba ang ikot. Nakakapagtaka nga eh. Dahil umiikot ang mga ito counter clockwise tapos yung iba naman saktong clockwise na hindi naman nangyayari sa mga normal na orasan kahit nga sa relo (syempre orasan din yun). "Pang display lang siguro to."
sabi ko nalang tapos pumunta na sa labas para sabihan si mang Ricky na mag order ng pizza.

When Midnight ComesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon