Zhia's POV
Pagkatapos ko siyang tawagin ay unti unti nang naglakad palayo ang lalaking may ari ng panyo.
"Di ba Niko ang pangalan niya?"sambit ko. Di kasi siya lumingon noong tinawag ko kanina. Ang misteryoso naman ng lalaking yun. Saan kaya siya nakatira? Sure ako malapit lang yun dito kasi maliit na village lang naman to eh. Sana makita ko ulit siya.
"Uy... may crush na siya." bigla kong narinig. Lumingon naman ako para tingnan kung sino yun at di nga ako nagkamali. "Rica! nandito ka pala." sabi ko sabay ngiti, umpisa kasi nung nakausap ko siya naging close na'rin kami kahit konti. Mabilis ba? Haha siya kasi ang ang daldal kaya madali lang siyang pakisamahan. "Uy! nakangiti ka ulit mag isa dyan." sabi niya sabay tawa pero mahina lang. "A-ah? hehe ikaw kasi eh." sabi ko sabay duyan nanaman sa sarili ko."Anong ako? wag mong sabihin na ako ang crush mo?" biro niya sabay upo sa damuhan na sa tapat ko. Itatanong ko sana kung kilala niya yung Niko kaso, baka sabihin niyang yun ang crush ko nahihiya ako, baka mapagkamalan pa ko no. Ayoko nga. "Oh? anong iniisip mo? yung crush mo nanaman?" banat uli niya sabay tawa. Kahit kailan talaga tong babaeng to ang daldal, kakakilala palang namin di na matigil yung bunganga niya. "Hindi no, naisip ko lang kasi...gabi na bakit nandito ka pa?" sabi ko ng seryosong seryoso. "At... sino ba yang sa tabi mo? kapatid mo ba yan?" pananakot ko sabay turo dun sa tabi niya. "U-uy a-ano ka ba, uu-uwi na nga lang a-ako. B-babay!" nanginginig na sabi niya sabay takbo. Haha nakakatawa talaga tong babaeng to! akalain mo yun!? takot pala?! Haha, Ok! papasok na ko, gabi na eh 6:49 na.
"Manang? Mang Ricky! saan po kayo?!" sabi ko habang lumilingon lingon sa malawak na sala . Saan na kaya sila? Hm...siguro naman nasa kusina na si manang nagluluto. Kaya't dali dali na kong pumunta dun, at tama nga yung hinala ko nandoon si manang. Ha! kasama rin pala niya si mang Ricky. "Mang Ricky, marunong rin po kayong magluto?" sabi ko ng makaupo na ko sa upuan dun sa kusina. Nakita ko kasi si manong na may hawak na sandok at parang may niluluto. "O! Zhia nandyan ka na pala, ah oo natutunan ko to sa asawa ko noon bago siya kunin ni Lord sa'kin." pagpapahayag naman ni manong sa'kin na may ngiti sa labi. Di ko masabi kung anong klaseng ngiti ba yun kasi nakatalikod siya sa'kin. Bigla naman akong nalungkot dun, naisip ko. Wala na pala silang pamilya, katulad ni aling Pepa na nasa abroad na lahat ng apo. Iniwan siya ng mga ito dahil pabigat lang daw siya sa pamilya. "Zhia, iha mukhang malalim ata ang iniisip mo ah?" bigla ko namang narinig ang tinig ni manang na kakatapos lang maghugas ng mga pinggan. Ngayon ko lang narealize, ni isa pala wala akong naitulong dito. Hay! ang tamad ko naman. "Ah, wala. Wala po ito manang." tugon ko sakanya na nakaupo na pala sa tabi ko.
Pagkaraan ng mga ilang minuto ay natapos na'rin ang niluluto ni mang Ricky. "Wow! adobong manok! paborito ko to!" sabi ko ng makita ko ang luto ni manong. Hm... amoy na amoy ko ang adobong niluto niya, nakakagutom tuloy. "Gutom kana ba iha?" sabi naman ni manang habang may dala dalang pinggang may lamang kanin. Tumango lang ako sakanya, saka na'rin siya naupo sa tabi ko. Nagsimula na kaming magdasal at inumpisahan naman naming atakihin ang niluto ni mang Ricky.
"Hay, busog na busog na ko!" sabi ko sakanila. Sila naman tumawa lang ng tumawa. Ang sarap sa pakiramdam na kahit wala na ang pamilya mo ay mayroon namang handang maging karamay mo sa lahat ng bagay at sina aling Pepa at mang Ricky iyon.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin para naman may silbi rin ako no. Kanina pa pala ako walang naitutulong. Sina manang at mang Ricky naman as usual nanood nanaman ng TV. Inienjoy na ata nila yung panonood ng TV hehe.
"Manang, mang Ricky, mauna na po akong matulog ah. Good night po." paalam ko sa kanila. Matapos kong maghugas, pumunta na ko sa kwarto ko. Bago ako pumasok nakita ko nanaman yung misteryosong orasan. Ewan ko ba, mukhang kakaiba talaga tong orasan na to eh! "Makatulog na nga lang. " sambit ko habang binubuksan na ang pinto ng kwarto. Pagkabukas na pagkabukas ko ay nahiga na agad ako. Di nagtagal ay nakatulog na'rin.
Mga bandang 11:55 ay nagising ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Kaya lumabas na ko ng kwarto para uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay nadako ang tingin ko sa wall clock na nasa kusina 12:00 na pala. Nang pabalik na ko ng kwarto nakita kong umilaw yung orasan na nakasabit sa pader malapit sa kwarto ko. Nilapitan ko ito, nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko. Sa orasan may nakita akong babae na may suot suot na clock pendant. May kausap siyang isang binata. Ilang segundo ang nakalipas ay nawala na ang liwanag kasabay ng pagkawala ng dalawang nag uusap. Sa sobrang pagkabigla ay dali dali akong bumalik sa kwarto, pagkatapos nun ay hindi na ko nakatulog.
"Hah(yawn)...3:50 na di pa'rin ako makatulog." sambit ko sa sarili sabay tulakbong ng kumot. Kanina pa ko palipat lipat ng posisyon ko kasi kanina pa ko di makatulog dahil sa nakita ko. Napabuntong hininga nalang ako pipilitin ko na nga lang na matulog. Di nagtagal nakatulog na'rin ako kahit papaano.
Dahil sa umaga na akong nakatulog, 8:49 na ko nagising dahil sa pagtawag sa'kin ni manang. Kung di pa niya ko tinawag, siguro hanggang ngayon tulog pa ko. Inaantok pa nga ako eh. Teka... ba't ang sakit ng balakang ko?! "Hah(yawn), Good Morning manang, mang Ricky." bati ko sa kanila nang paunat unat na palabas ng kwarto. Nakapikit pa ko nun, di ko nga alam kung nandyan sila eh. Binati ko lang. Nakapikit pa'rin ako hanggang sa nakarating na ko sa kusina at dun na napamulat. Galing ko no? Haha wala lang saulado ko na kasi agad tong bahay na to, katamtaman lang naman kasi ang laki at malapit lang kasi yung kusina sa kwarto ko pero kailangan ko pang dumaan sa sala. Inaantok pa talaga ako eh kaya yun nga nakapikit akong naglalakad.
Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush ay dumiretso na ko ng sala. Namilog naman ang mga mata ko dahil sa nakita ko dun. "A-aahhhh!" napasigaw nalang ako habang mabilis na bumalik ng kwarto. Hingal na hingal ako pagkarating ko dun. Di ko alam kung dahil sa pagod o dahil sa kahihiyan. Aahh! nakakahiya! huhu kanina pa kaya siya dun? grabe talaga! ba't di man lang ako sinabihan ni manang!? teka nga...
"Zhia...uy iha." nakarinig ako ng tinig pero di ko maintindihan. Mayamaya nakaramdaman ako ng mga kamay na yumuyugyog sa'kin. Dahil antok pa ko umungol nalang ako, sign na ayaw ko pang bumangon. Pero di nagpapigil yung nagyuyugyog sa'kin. "Iha, sige na bumangon ka na jan." marahan na sabi ng babae. Teka...boses ni manang to ah?! marahan kong minulat ang aking mabibigat at antok na antok na mga mata hanggang sa nakakita ako ng isang imahe. Yap! si manang nga to. "Inaantok pa ko manang, please patulugin niyo pa ko." sagot ko naman sakanya habang pinipikit ulit ang mga mabibigat na mata. "Pero iha...may bisita ka sa baba. Si ---- ---" sabi naman nito, na di ko na naintindihan yung last sentence na sinabi niya kasi, unti unti na kong nakatulog ulit. Ilang minuto na ang nakalipas at... "Hoy! gising!" nakarinig ako ng boses...lalaki? Si manong siguro, Huminto saglit si manong tapos nakaramdam ako ng malakas na pagyugyog. Gosh! grabe na ba yumuyugyog ngayon ang mga matatanda?! Tss... "Manong, inaantok pa po ako eh.Matutulog pa po ako." sabi ko sabay tulakbong ng kumot. Tumigil na yung pagyugyog pero,
"A-aray!" napasigaw ako nang maramdaman kong nahulog pala ako sa higaan ko. Di ko na pinansin yung sakit at nakatulog ulit ako. Grabe talaga ang magagawa ng antok no!? Hay! After a second choz! para sa'kin segundo lang yung minuto eh! antok pa kaya ako! "Iha, bangon ka na." Napabangon naman ako bigla at napasandal sa headboard ng kama. Hay, ang sakit ng ulo ko. Wait nga... ba't nasa lapag yung kumot saka unan ko?! nahulog? pero? bahala na nga, tss...
At yun nga ang nangyari, ang di ko lang maexplain ay kung paano ako nakabalik sa kama ko dahil, hello!? nahulog nga ko diba?! bigla ko namang naalala yung taong nasa sala. Huhu nakakahiya naman ako kanina. May tuyong laway pa sa gilid ng labi ko, may muta sa mga mata ko tapos parang sinabugan pa ng atomic bomb yung buhok ko nang lumabas ako ng kwarto. Wah! nakita niya kaya yun!? Ay naks! syempre naman no!? yan kasi eh! lecheng orasan kasi yan oh! di ako pinatulog! Huhu nakakahiya talaga! parang ayoko ng lumabas. Lupa kainin mo na ko! di ka pa nagbebreakfast diba? sige na kunin mo na ko! Huhu. I look like a complete mess!
"Zhia! ?" tawag sa'kin ni manang habang sunod sunod ang pagkatok niya sa pinto. Naku! ayan nanaman po! Huhu wag niyo po ulit akong ipahiya manang.
"Ah po?" tugon ko habang nakasandal sa pinto at di maipaliwanag ang ekspresyon sa aking mukha . "Lumabas ka na dito, kanina pa naghihintay ang bisita mo." sabi naman ni manang. Napabuntong hininga nalang ako. Bahala na nga si Batman! Batman kaw ng bahala sa'kin ah? bantayan mo ko! Choz ! si Lord na nga lang! Lord, don't let me ano, sige tagalog na nga lang. Wag niyo po akong pabayaan. "Ah opo, teka lang." tugon ko nalang kay manang at saka nagbihis na.
BINABASA MO ANG
When Midnight Comes
Fantasy... Masasabi kong kontento na ko sa buhay ko. Nakakakain kami 5 beses isang araw, isama mo na ang mga snacks kaya lima. Nagkakaroon ako ng mga gamit na gusto ko, kahit di naman mahalaga. Pero di naman yun ang point ko eh. My point is... kontento na...
