#
Chapter 2
"Haya, si Messara? Nasaan?"
Nagpalit ako ng P.E uniform tapos iyon ang bumungad sa akin pagdating sa gymnasium. Nakatalikod si Sandrei sa akin kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.
"Nagpapalit pa ata — ay ayan na!" Tinuro ako ni Haya. "Ang tagal mo beh nag-fingger ka pa ata."
I was dumbfounded by what Haya said.
Nilingon ako ni Sandrei. He took a step forward as he kneeled down. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
"B-Bakit. . . po?"
"Huy, Sandrei, dahan-dahan naman!" bulalas ni Haya. Napalingon tuloy ang iba naming kaklase sa pwesto namin.
Tumawa si Sandrei. Inayos niya ang tali ng sintas ko. Although I appreciate the gesture, it still made me uncomfortable. It made our classmates look at and tease us. My cheeks burned in nervousness. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko sa pagpilit kong ngumiti.
"Ayan, Sandrei, ha!" ani Vincy. "Dumada-moves!"
Tumawa lang si Sandrei. Tumayo siya at pinagpag ang tuhod. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kaya nang magpasalamat ako ay sa iba ako nakalingon.
"S-Salamat po . . ."
"Walang anuman . . . "
Pinaulanan ulit kami ng asaran. Kumamot si Sandrei sa batok niya habang umiiling. My burnt cheeks did not disappear. Kahit nang dumating ang instructor namin ay nagi-init pa rin ang pisngi ko. Pinaupo kami sa sahig. Pansin ko ang pagtabi sa akin ni Sandrei. While the instructions of our P.E was being discussed, I could feel our shoulders hitting each other. Umusog ako nang kaunti.
"Sorry," he whispered. He gave me an apologetic look.
Hilaw akong ngumiti. "O-Okay lang po."
"Bakit ka ba nagpo-po? Parehas lang naman tayo ng edad."
"S-Sorry."
Napansin kami ni Haya. "Uy, ano 'yan?" She gave him a hostile glare. "Hindi ka pa rin ba tapos, Sandrei?"
"Sinabi ko lang na hindi niya na kailangan mag-po."
"Pota ka hayaan mo siya!"
I bit my lower lip. I raised my hand so Haya would stop talking for a while because our instructor might notice us. Lalo na nang mapansin kong parang nainis si Sandrei dahil nagsalubong ang kilay nito. However, raising my hand was my mistake.
"Oh, we have a volunteer," our instructor announced. "Sino naman sa boys?"
"Ma'am, si Sandrei! Para match!" bulalas ni Novita. If I wasn't mistaken, that was her name.
"Uy! Uy!"
Nilingon ko si Haya, nagpapatulong. She shrugged her shoulders. "Ma'am, hindi po nag-volunteer si Messara."
"Okay na 'yon! Exercise lang naman!" ani Vincy.
"Tama."
I felt defeated. Especially when the instructor agreed. Kabisado ko naman ang routines ng exercise dahil nag-send ang instructor sa email namin ng video na dapat kabisaduhin. Kaya lang, nahihiya ako dahil sa mismong harapan ako puwe-puwesto.
Pero siguro ayos lang din na gawin ko iyon. It was a stepping stone to overcoming my fear. How would I overcome it if I wasn't making any steps?
Si Sandrei ang pinili mag-lead para sa mga lalaki. Pumwesto kami sa gilid ng gymnasium habang nakapila. Ako ang nasa harapan pero may kaunting layo sa linya at nakaharap sa buong klase. I could feel my knees shaking and Sandrei seemed to notice it.
BINABASA MO ANG
Loss of Tempo
RomanceInnocent Messara was eager to overcome her fear of socializing, however, she didn't expect to be eager as well to be seen by the outgoing, striking, captain of their campus men's volleyball team, Daikon del Prado.