Nasunod ng ang gusto ni Jane na sa bahay nila ganapin ang engagement na dinaluhan lang ng malalapit na kaibigan ng pamilya nila. Alas otso na nagsimula ang dinner pagkatapos ay nasundan ng inuman ng Papa ni Patrick at Uncle nila at iba pang kalalakihang naroon. Napakagaling namang magpanggap ni Jane na sweet na sweet kay Patrick na sinusubuan pa ang binata. Si Patrick naman ay hindi maalis ang kamay sa baywang ng kapatid niya.
Siya rin naman ay magaling magpanggap dahil nagagawa niyang ngumiti kahit nasasaktan. Isang buwan mula ngayon, magiging ganap na bayaw niya na si Patrick. Kailangan niya nang mag-entertain ng ibang lalaki para mawala na ang binata sa puso niya.
Alas onse ng gabi nang umakyat siya sa silid. Naka-lock 'yun na hindi niya alam kung bakit. Pababa na siya para kuhanin ang duplicate key sa silid ng Mama niya nang hilahin siya ni Jane patungo sa silid nito.
"Bakit ba?" inis niyang wika. "Inaantok na 'ko, Jane, ikaw na ang bahalang mag-istima ng mga bisita mo."
"Pauwi na mga 'yan, pero di ba may pupuntahan pa nga ako?"
"Alin? Sa bar para puntahan si Eli? Hay naku, Jane, ikakasal ka na."
"Last na 'to, sige na. Dito ka muna matulog sa kwarto ko. Magtakip ka ng kumot para alam nila na tulog na rin ako."
"Ano?! At kapag ako ang hinanap ni Mama?"
"Nasa kwarto na rin si Mama. Si Uncle na lang ang naiwan sa ibaba at ang Papa at kapatid ni Patrick. And of course, si Patrick. Pero lasing na mga 'yun."
"Kinakabahan ako sa gagawin mo, Jane. Isa pa, lasing ka na rin. Paano kung madisgrasya ka sa daan?"
"Kasama ko si Eli, huwag kang mag-alala. Nasa labas na siya naghihintay kaya huwag ka nang madaming sinasabi baka lalo pa tayong mahuli."
"Jane..."
"Last na 'to, promise." Humalik na naman ang kakambal sa kanya na wala siyang nagawa kung hindi ang humiga sa kama nito.
"Patayin mo lahat ng ilaw baka alisin pa ni Mama ang talukbong ko mabubuking tayo. Pabuksan mo rin pala kay Manang 'yung kwarto ko bakit naka-lock 'yun? Maaga akong aalis bukas eh."
"O sige, dadaanan ko si Manang sa kusina." Pati lampshade ay pinatay nito dahil nasa ulunan niya. Ang sinindihan nito ay ang ilaw sa banyo bago isinara nang kaunti para hindi tuluyang lamunin ng dilim ang kwarto. Alam ni Jane na takot siya sa dilim.
Inaantok na siyang talaga at gusto nang pumikit ng mata niya. Dinamihan talaga niya ang ininom para mapawi man lang ang pagseselos niya sa kapatid. Siguradong bukas ay may hang-over siya.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakakaidlip nang maramdaman niyang lumundo ang kama. Kung agad pa rin siyang nagising sa kilos na 'yun ng kung sinuman sa silid ni Jane, ibig sabihin ay hindi pa siya talaga nakakatulog. Hindi siya kumilos at nagkunwaring mahimbing na ang tulog niya.
"Babe..."
Si Patrick? Oh, God! Paano siya magtutulog-tulugan nito?
Humaplos ang kamay ni Patrick sa puwetan niya at tila nanggigil. Mabuti na lang dahil nakatalikod siyang nakatalukbong pa rin ang unan sa ulo niya. Naglakbay ang kamay ni Patrick sa dibdib niya at pumisil doon habang umaakyat naman ang halik nito sa tagiliran niya paakyat sa leeg.
Hindi siya halos huminga nang alisin nito ang unan sa ulo niya at itinuloy ang paghalik sa batok niya. Kung kanina ay hinayaan niya lang ang binata na lapirutin ang dibdib niya dahil baka magpapaalam lang naman ito kay Jane, ngayon ay napagtano niyang wala itong balak umalis kaagad. Gayunman, tumututol ang puso niya na patigilin ito sa ginagawa. Gusto niyang namamin ang presensya nito sa huling pagkakataon.
BINABASA MO ANG
SINNER OR SAINT
RomanceJanine was in love with Patrick. However, Patrick was very much in love with her twin sister, Jane. When the two got married, Janine's world fell apart. She left the country to mend her broken heart. Three years later, Jane begged her to replaced...