Chapter 6

34 0 0
                                    

Nagising si Patrick na wala ang asawa sa tabi kinabukasan.  Masakit ang ulo niya sa dami ng nainom kagabi.  Pero hindi niya malilimutan ang masarap na honeymoon nila ng asawa na itutuloy naman nila sa Palawan mamaya.  Nakangiti siyang bumangon at nagtungo sa banyo.  Nakita niyang naroon ang mga pinaghubaran ni Jane kasama ang wedding gown nito.

Hindi ba't may strap ang bra nito kagabi?  Ang nasa banyo ay strapless at wala doong pantyhose.  Baka itinapon na ng asawa niya sa basurahan dahil halos mapunit niya iyon sa pagmamadali na angkinin ito.

Nang maalala ang nangyari sa kanila sa nagdaang gabi ay nag-init kaagad ang pakiramdam niya.  Kung puwede lang ay hindi muna sila bumangon ngayon kung hindi lang wala na si Jane paggising niya.  Gusto pa sana niyang kayakap ito dahil hindi pa naman siya nagugutom.

Pagbaba niya ay wala ang mga biyenan niya doon.  Wala rin si Jane.  Tinanong niya sa katulong ang asawa at ang sabi ay maaga itong umalis.  Saan naman ito nagpunta?

Papasok na siya ulit sa bahay nang makitang palabas naman ang kakambal ng asawa niya na si Janine.  May dala itong maleta na nagpakunot ng noo niya.  Wala siyang ideya na paalis ito.

Kumpara kay Jane, si Janine ay mas simple at tahimik.  Ni hindi nga sila nagkakausap madalas.  Sa halip na magkalapit sila dahil isa na rin silang buong pamilya, mas lalo yata nitong inilalayo ang sarili sa kanya at wala siyang ideya kung bakit.  

Umatras siya nang makitang may kasama itong lalaki palabas ng bahay.  Nag-uusap kasi ang dalawa at bigla na lang ay narinig niya ng pangalan niya.  Nagkubli siya sa halamanan.  

"Sus, 'yang kapatid mo hindi naman seryoso sa pag-aasawa.  Dapat kasi ikaw na lang ang ipinilit na ipakasal eh."

"Hindi nga ako ang gusto. Bakit ba ang kulit mo?"

"Ano ba ang pagkakaiba niyo ni Jane?  Ay oo nga pala, mas malambing ka at mas mabait.  Mas tahimik rin at hindi maluho katulad ng kapatid mo. Hindi ka rin mahilig sa party at hindi ka bumabarkada kung kani-kaninong lalaki.  Hindi ba dapat mas kaibig-ibig naman 'yun?"

"Kaibig-ibig nga, kung wala talagang gusto sa 'kin, ano naman ang magagawa natin?  Hindi natuturuan ang puso."

"Hmmm... Kaya ba hindi mo rin mapilit na kalimutan siya kasi hindi natuturuan ang puso?"

"Ano ka ba!  Marinig ka ng mga katulong!" 

"Ay sorry naman!  Pero siguro naman malilimutan mo rin 'yang Patrick na 'yan pagdating mo sa Canada.  Aba'y maraming gwapong Papa doon no!  Mas gwapo, mas maputi, mas matangkad... At yung hindi baliw na baliw sa kapatid mo."

"Tara na nga, kung ano anong pinagsasabi mo.  Ilagay mo na sa compartment 'yang maleta nang makalayas na 'ko dito."

Sumakay na sa kotse ni Janine ang dalawa habang siya ay naestatwa na lang sa kinatatayuan.  Hindi siya makapaniwala sa narinig na may gusto rin ang kakambal ng asawa niya sa kanya.  Kailan pa?

Iyon ba ang dahilan kung bakit palagi niya itong nahuhuling nakatingin pala sa kanya?  Nasaktan ba ito nang ikasal sila ni Jane kaya't palagi itong umiiwas sa kanya?

Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan ni Janine ay lumabas na siya sa pinagkukublihan.  Napailing na lang siya sa mga narinig.  Mabuti pala na paalis na ito papuntang ibang bansa dahil tiyak na maiilang siya kapag nagkaharap sila.  Kay Jane siya may gusto at mahal na mahal niya ang asawa.  Tama lang na umalis si Janine nang makalimutan nito ang damdamin para sa kanya.

Nang makabalik siya sa silid ay tinawagan niya si Jane.  Pabalik na daw ito galing sa isang breakfast meeting.

"Breakfast meeting?  We just got married, babe, bakit tumanggap ka pa ng appointment nang ganitong petsa?"

SINNER OR SAINTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon