"Bakit hindi mo na naman kasama ang asawa mo?" tanong ng Papa ni Patrick nang dumating siya sa bahay ng mga magulang. As usual, marami na namang dahilan si Jane para hindi sumama sa mga lakad niya. Kanina ay birthday party ng anak ng isa nilang tauhan pero wala ito. Noong nakaraang linggo ay may business conference siya sa Cebu at gusto niya sana itong kasama pero tumanggi ito dahil palagi daw masama ang pakiramdam.
"Nahihilo daw ho. Nagkikita-kita naman daw ho tayo sa opisina."
"But this is a family dinner, not a conference meeting. Ano naman kung nagkikita tayo sa opisina?" katwiran naman ni Dianne na kapatid niya. Sa lahat ng miyembro ng pamilya niya, ito lang ang hindi pabor sa pagpapakasal niya sa kasintahan. Hindi daw kasi nito nakikita na totoong mahal siya ni Jane. At syempre, mahilig kasi si Jane sa night life na labis naman nitong ikinaaayaw. Mabuti pa daw ang kakambal ni Jane na si Janine dahil mas mabait kausap at mas desenteng tingnan.
But he loves Jane despite her shortcomings and imperfections. Tulad ngayon, naiintindihan niya kung bakit ayaw nitong sumama sa dinner niya sa pamilya dahil nagkikita naman daw sila sa opisina.
"Patrick, darling, nariyan ka na pala," bati sa kanya ng Mama niya. "Sumalo ka na agad sa amin nang makasabay ka sa kwentuhan. Ipinagluto kita ng paborito mong paella."
"Wow! Thank you so much, Ma. Na-miss ko talaga 'tong luto niyo kaya kapag nag-invite kayo ng dinner hindi talaga ako tumatanggi."
"Hmp... Hindi ka ba nilulutuan ng asawa mo? Hindi ba dapat pinag-aralan niya na ang pagluluto niyan?" Hindi pa rin siya tinitigilan ng kapatid sa pang-iinis.
"Jane is a career woman. Hindi siya taong bahay katulad ni Mama na ang gusto lang pagsilbihan si Papa at tayong mga anak niya."
"Tama naman ang kuya mo, Dianne. Hindi lahat ng babae kayang i-giveup ang career para sa mga asawa nila. And besides, kaya sila naikasal sa lalong madaling panahon dahil nakatakda talaga si Jane na humawak ng mataas na posisyon sa kompanya."
"Oh, e di okay," sarkastiko pa ring sagot ng kapatid. "Siya na ang magaling at siya na ang perfect wife."
Napailing na lang siya sa palaging komento ng kapatid niya kay Jane. Sanay na siya noon na lagi itong may pintas sa kasintahan niya. Pero dapat na itong tumigil ngayon dahil mag-asawa na sila. Kailangan na nitong tanggapin na hindi si Janine at hindi rin kung sino-sinong kaibigan nito na inirereto sa kanya ang gusto niyang mapangasawa. Si Jane lang ang may hawak ng puso niya.
"Ano ba ang nangyari sa asawa mo at masama ang pakiramdam?" muling tanong ng Mama niya.
"Hindi ko rin ho alam. Madalas syang sinisikmura sa umaga. Magpapa-checkup nga daw ho sa doktor bukas baka active na naman ang hyperacidity niya."
"Hyperacidity? Inuman niya lang kamo ng gamot," suhestyon ng Mama niya.
"Nagsuka ho noong isang araw eh. Sabi niya kapag umulit siya ng pagsusuka magpapagamot na siyang talaga."
"Magpatingin siya sa OB-Gyne, baka buntis."
"Buntis?! Tatlong linggo pa lang nakakasal ang kuya mo at si Jane, ano ka ba," saway naman ng Mama niya sa kapatid niya. Tila nang-iinis pa ang mga ngiti ni Dianne na malapit niya nang ikainis.
Pero hindi naman siya nabahala kung sakali ngang buntis si Jane. Tatlong linggo pa lang mula nang ikasal sila pero may nangyari na sa kanila bago pa sila mag-isang dibdib.
"If she's pregnant, I'd be happy to welcome my child."
"Your child?" pag-uulit ng Papa niya.
"May nangyayari na sa 'min bago pa naman kami ikasal, Pa," paliwanag niya. "Kung magkakaapo na kayo, mabilis kong naibigay ang hiling niyo ni Mama, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
SINNER OR SAINT
RomantikJanine was in love with Patrick. However, Patrick was very much in love with her twin sister, Jane. When the two got married, Janine's world fell apart. She left the country to mend her broken heart. Three years later, Jane begged her to replaced...