Chapter Two

169 124 53
                                    

                               
                                         ******

Madilim at makulimlim ang kalangitan nang mapatingala ako sa langit. Wala rin akong  nakikitang bituin. Mukhang uulan pa yata, wala pa naman ako dalang payong kung sakali. Tsk. 'Di bale bibilisan ko na lang. Malapit na rin naman ako do'n sa drug store kung saan ako bibili ng gamot ni lola. Hindi pa naman yata ako aabutan ng malakas na ulan. Saka malapit na rin naman yung bahay namin mula doon sa drug store na tinutukoy ko.

Mas lalo kong binilisan ang pagpidal ko sa bisekleta hanggang sa makarating ako sa drug store. Agad kong itinabi ang bisekleta ko at mabilis na bumaba. Patakbo pa akong pumasok sa loob dahil ramdam kong umaambon na. Ngunit sa sobrang pagmamadali ay bigla akong natapilok at muntikan pang matumba. Napatingin tuloy ako sa paligid. Buti na lang at walang ibang nakakita sa katangahan ko.

𝘓𝘪𝘯𝘵𝘦𝘬 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘪𝘵𝘰!

Medyo natagalan ako sa counter dahil ang raming nakapila.

"𝗘𝘅𝗰𝘂𝘀𝗲 𝗺𝗲." anang isang tinig mula sa likuran ko. Lilingon pa nga lang sana ako dito nang may isang matangkad na lalaking nakasuot ng sumbrero ang biglang sumingit sa pila.

𝘈𝘺 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨! 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘬𝘦𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘬𝘢 𝘯𝘢, 𝘴𝘢𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘭𝘢𝘴𝘦𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘵𝘪𝘯𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘨𝘰𝘰𝘥 𝘮𝘢𝘯𝘯𝘦𝘳𝘴 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨.

Hindi ko makita ang kabuuan ng lalaki dahil  nakatalikod ito sa akin at balot na balot din ito ng suot niyang parang coat. Bukod do'n ay  nakasuot din ito ng sumbrero at mask. Mukha naman siyang expensive tingnan kaya anong ginagawa niya dito? Naku! Kung hindi lang talaga ako tinuruan ni lola na 'wag na wag raw mag-iisip ng masama sa kapwa, baka kanina ko pa inisip na spy ito rito sa drug store o di kaya'y kidnapper? Oo tama mukha siyang leader ng sindikato.

"𝗣𝘀𝘁 𝗸𝘂𝘆𝗮!" kinalabit ko yung lalaki, shutek ang tangkad. "𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗯𝗮 𝗻𝗮-𝗶𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝗹 𝘀𝘂𝗺𝗶𝗻𝗴𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗶𝗹𝗮?" malumanay ang pagkakasabi ko dito. Syempre kailangan kong habaan ang pasensya ko dahil kung hindi baka lumipad siya palabas nitong drug store.

"𝗣𝘀𝘁 𝗸𝘂𝘆𝗮!" aba! Dedma lang ako. Ugali talaga nito.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili. Hinayaan ko na lang din siya, diyan siya masaya eh edi go bwisit! Pero deep inside gustong-gusto ko na talaga siyang sipain palabas.

Ilang saglit lang ay umusad na din ang pila. Buti naman tapos ng bumili na yung wirdong lalaki.

"𝗞𝗲𝗲𝗽 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗵𝗮𝗻𝗴𝗲" rinig kong sabi ng lalaki bago tuluyang umalis.

𝘞𝘰𝘸 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘭𝘭 𝘬𝘦𝘦𝘱 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘩𝘢𝘯𝘨𝘦. Hindi naman siya wirdo sa lagay na yun 'no?

Nang matapos magbayad ay nagpasalamat muna ako sa kahera bago ko kunin ang sukli at naglakad na palabas. Buong akala ko ay hindi ako aabutan ng ulan pero heto nga't bumungad sa akin ang malakas na ulan pagkalabas ko. Umaapyas na din ang tubig mula sa harap kaya agad akong humilera sa mga taong nakikisilong para hindi ako mabasa.

SKY CASTLE (Ongoing) Where stories live. Discover now