*****
ANONG klaseng lugar ito? Dinaig pa SONA ng presidente sa dami ng tao. Dumagdag pa ang nakakabinging hiyawan at ingay ng mga tao maging ang pagtambol ng drums. 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘧𝘪𝘦𝘴𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯?
Nakapasok na kami sa entrance ni Mr. pogi—este ni Sky. Buti na lang pinapasok ako nung lalaking nakasuot ng black suit, dalawa silang nagbabantay roon. Mukha silang high class na security guard dahil sa pustura nila. Mga nakakatakot din tingnan dahil bukod sa malalaki ang katawan ay may mga sukbit pang baril sa tagiliran. Buti na lang talaga sinabi ni Sky na kasama niya ako. 𝘚𝘤𝘢𝘳𝘺!
"𝗔𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗶𝘁𝗼? 𝗧𝘀𝗮𝗸𝗮 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻 𝗱𝗶𝘁𝗼?" curious kong tanong kay Sky na nasa tabi ko lang. Medyo malakas ang boses ko dahil baka hindi niya ako marinig. Ang ingay pa naman ng mga tao sarap busalan ang mga bunganga ng bato para hindi na makapag-ingay. Pero syempre bad yun!
Abala din ako sa pagtingin sa paligid, trying to find my lakwatserang ate. Hindi ko nga alam kung saan nagsususuot yun. Mukhang malabo ko siyang makita dito sa dami ng tao. Sabi ni Sky kanina tawagan ko daw si ate para siya ang magsundo sakin do'n sa entrance. Kaso nga lang nung tinawagan ko out of coverage naman. Naka-5 missed calls pa nga ako pero hindi talaga sinasagot. Napilitan na lang tuloy si Sky isama ako dito sa loob.
"𝗥𝗮𝗰𝗲," tipid niyang sagot.
Napalabi na lang ako dahil ang boring pala niyang kasama. Ang tahimik, halos mapanis na nga ang laway ko kasi hindi ko man lang siya makausap. 𝘗𝘰𝘨𝘪 𝘴𝘢𝘯𝘢!
Sumunod ako sa kanya sa pag-akyat sa pinakamataas na bahagi ng arena. Ayokong humiwalay sa kanya dahil hindi ko kabisado ang lugar na ito baka mawala pa ako tsaka baka makita pa ako nung dalawang guard do'n kanina na humarang sakin sa gate. Paniguradong lagot ako!
"𝗪𝗵𝗲𝗿𝗲 𝗮𝗿𝗲 𝘆𝗼𝘂? 𝗜'𝗺 𝗵𝗲𝗿𝗲...." napalingon ako kay Sky. Nakita kong nakahawak siya sa earpod sa tenga niya halatang may kausap siya roon.
Pagkuwa'y lumingon siya sa kanang bahagi at iginala ang paningin roon. Hindi ko alam kung sino ang tinitingnan niya do'n pero may nakita akong lalaking nakasuot ng kulay itim na leather jacket, itim na sumbrero at shades, may kalayuan ito mula sa pwesto namin tila may kausap sa telepono. Nung una ay hindi ko siya namukhaan, pero nung humarap siya sa gawi namin ay do'n ko lang siya nakilala. Kahit nakasuot siya ng shades at sumbrero ay kilalang-kilala ko siya.
Nanlaki ang mata ko at tinuro ko pa yung lalaki gamit ang kanan kong kamay habang ang isa naman ay nakatakip sa aking bibig. Huy! Wala akong bad breathe ah, ganito lang talaga ako magulat.
"𝗛𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗶 𝗮𝗻𝗼—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang ipaikot ni Sky ang isa niyang kamay sa ulo ko at tinakpan ang bibig ko. Pagkatapos ay pinaharap niya ako sa unahan ngunit dahil likas na makulit ako ay pilit kong nililingon ulit yung lalaki. I saw him smirked while watching us. Ngunit bigla na lang hinawakan ni Sky ang magkabilaan kong temple at pinaharap ulit sa unahan.
"𝗪𝗶𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝘀𝗵𝘂𝘁 𝘂𝗽!" his tone sounds frustrated. Nainis ko yata siya.
"𝗦𝗶 𝗮𝗻𝗼 𝘆𝘂𝗻 𝗱𝗶𝗯𝗮? 𝗬𝘂𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝘀𝗶—"
Pinutol na naman niya ang sasabihin ko, "𝗗𝗮𝗿𝗸."
"𝗛𝘂𝗵?" naguguluhan kong tanong.
"𝗛𝗲'𝘀 𝗗𝗮𝗿𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝘀𝘁𝗼𝗽 𝗮𝘀𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗮 𝗹𝗼𝘁 𝗼𝗳 𝗾𝘂𝗲𝘀𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀." malamig niyang sabi. 𝘖𝘬𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘴𝘩𝘶𝘵 𝘶𝘱 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰. 𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘱𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘦𝘩. 𝘏𝘮𝘮!
YOU ARE READING
SKY CASTLE (Ongoing)
RomanceIn a humble province, a young girl named Scarlet, lives a simple life with her loving grandmother and her youngest brother. She bears a great responsibility in their family because she was the only one left for her sick grandmother that could rely o...