Kayla Pov:
Naalimpungatan ako dahil sa may kung anong pumapatak sa mukha ko. Hinawakan ko ang pisnge ko ng maramdaman akong tumutulo.
'bakit parang basa' isip ko
Dinilat ko ang mata ko at naupo sa kama. Umulan pala kagabi, tuluyan na ngang nabutas ang bubong namin kaya kailangan nang palitan pati unan ko basa na. Huminga ako ng malalim. Hayy nako kung may trabaho lang sana ako ngayon, nakatulong nako kila mama at papa. Tumayo ako at ginisig ang kapatid ko.
"Myre gising na mababasa ka diyan"Sabi ko sabay tapik sa kanya. Pero ayaw magising "hoyy gising na!!"sigaw ko,napabalikwas naman ito't napatayo. Ngumuso siya habang inaantok parin.
"Tupiin mo nayan diyan tapos sumunod ka sakin kasi mag sasaing muna ako" sabi ko sa kanya tumango naman siya habang humihikab. Pumunta akong kusina para magsaing
napailing iling ako dahil malapit na maubos bigas namin. Wala pa namang trabaho si papa ngayon. Na tanggal siya sa pagawaan ng sapatos. Dahil nalulugi nadaw yung pagawaan nayun.Habang maaga pa ay naglinis nako, dahil yun lang naman ang maaambag ko ngayon dahil wala pakong trabaho.
'Tokk Tu Gaokkk!!' Tilaok ng manok alas 6 na ng umaga tapos nako magsaing at magluto ng daing at talong. Masarap to isawsaw sa toyo isip ko at napangiti.
Asan naba si myre hindi man lang sumunod sakin dito ngayon kolang napansin yun ahh. Bumalik ako sa kwarto para hanapin ang kapatid ko. Ayun nakahilata tulog na tulog padin. Shutaa kang bata ka kanina pako nag aasikaso don huhuhu grabihh. Walang patawad oyy..
Bumalik ako sa kusina, nakita ko si papa na nagtitimpla ng kape. Lumapit ako dito at sinabihang kumain na siya bawal kasi sa kanya magpagutom. Malapit nadin pala maubos yung maintenance niya. Hay... may sakit kasi si papa sa puso tapos na umatake pa ito nung nalaman niyang wala na siyang trabaho.
Pumunta ako sa isa pang kwarto dalawa kasi kwarto dito yung samin ni myre at kila mama. Pagpasok ko ginising ko si mama para sumabay sa pagkain.
7:11 am na pero tulog parin kapatid ko..bahala siya pagod nakong gisingin siya.
Tok! Tok! Tok!..
Napalingon ako ng may kumatok kaya binuksan ko ito.Pinaningkitan ko ito ng mata medyo pamilyar siya sakin. Nakita ko nato dati wait..isip isip
"Kayla?!" Sabi niya
"Po?!" Pasigaw ko ding tanong. Kilala niya ko? Wait are you my real mother? Char heheh. Sa tindig nito parang galing sa abroad madaming pasalubong.
"Ang laki mona ahh..dalaga kana ahh asana mo?" Napangiti ako na peke at tinuro ko ang kusinsa kung saan andon si papa kasi nahiya ako bigla, teka sino ba yun?
"Michelle!!"sabi ni mama at patakbong yumakap dito,hala si ninang Michelle best friend ni mama bat diko nakilala? "kumusta kana ngayon kalang ba nakabalik?" Sabi ni mama
"Okay naman hahah..ngayon lang talaga ako nakabalik ikaw agad pinuntahan ko may pasalibong ako sainyo" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya kaya dali dali akong lumapit dito.
"Sa akin po ba meron?"sabi ko ng nakangiti napatingin naman siya sakin. Nang may pag aalinlangan. Ayy alam ko nato.
"Nakoo!!sorry wala akong pasalubong sayo nalimutan ko" sabi niya kaya napatango ako at tumalikod
"Hoyyy kayla!!joke lang yun halika dito di kita malimutan dahil ito ang sayo ohh"sabi niya sabay abot ng paper bag bumalik ako ng nakangiti
"Salamat po"magiliw kong saad at binuksan ito, napangiti ako sa nakita isang purple casual ang bigay niya sakin ang ganda naman nito.
"Ohh bakit kaba nandito? Ano kailangan mo?" Napalingon ako sa sinabi ni mama
![](https://img.wattpad.com/cover/340107012-288-k635094.jpg)
YOU ARE READING
Hating You Is A Crime
Teen FictionThis story is about a girl who have a simple dream in life. This girl wants to finish her school and then get a job, so that she can support her family. Unluckily her family don't have enough money to pay her tuition for college. What happened to h...