Chapter 3

3 2 0
                                    

Kayla POV:

Nakarating kami sa bahay ng walang gasgas. Kaso nga lang nangangatog ang tuhod ko. Nauna na siyang bumaba ng sasakyan habang ako naman tulala parin. Nang mahimasmasan ay dali dali akong bumaba at kinuha lahat ng pinamili namin ang bibigat naman nito. Ang dami niyang pinamili. Nahirapan akong i akyat ito kaya nagpatulong ako kay manong Ben.

"Dito ba iha?" Sabi niya at tinuro ang space sa gilid tumango naman ako bilang sagot.

"Grabi ano batong binili niyo eh ang bigat bigat"

"Ewan ko po don kay sir" hindi ko naman kasi tiningnan iyon.

"Kumain naba kayo? Mag aalas dose na ah" nakalimutan kong kumain. Akala ko kakain sila sa labas kanina. Alas dose na pala hindi ko namalayan yung oras ah. Tiningnan ko ang relo ko anong silbi nito kung hindi ko tinitingnan hahah.

"Hindi papo" sabi ko dito at umiling

"Nako kumain na kayo..masama magpalipas ng gutom Kayla. Nakakamatay yun" ayy grabi sya oh.

"Grabi naman sa nakakamatay manong Ben hahaha" tatawa tawang
sabi ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya nag peace sign ako. Si manong talaga di mabiro.

Bumaba na kami dahil magluluto ako nang kakainin namin. Nakiusap kasi si manang Gina na ako muna ang magluto dahil masakit ang ulo niya. Tutal masarap naman ito heheh, kaya naman ay pumayag ako. Hobby ko na talaga magluto ehh.

"Yann!! Tapos napo manang kain napo tayo" sabi ko dito ng nakangiti.
Nakahanda na ito sa lamesa. Bicol express, minudo at hindi mawawala ang specialty kong adobong manok. Uupo na sana ako ng

"Sandali tawagin mo muna si Jayjay don sa itaas" sabi ni manang. Nakalimutan ko palang may aso akong inaalagaan kaya pinuntahan ko sa taas.

Kumatok ako ng malakas dahil hindi ito sumasagot. Pagkabukas ay bumungad sakin ang amoy niyang bagong ligo lang. Shutaa nakaka inlove ka sir. Sungit ka ngalang

"What"

"Kakain napo sir, baka nagugutom na kayo" sabi ko dito. Teka ang hinhin ko naman ata magsalita shutaa bago yun ah. Tumango lang ito. Bumaba nako dahil gutom talaga ako eh.

"Pagkaupo ko ay umupo na din siya, magkasunod lang pala kami. Diko namalayan yun ahh dahil siguro sa gutom.

"Manang. Who cook all of this?" Sabi niya dali dali ko namang tinuro si manang sinamaan niya ako ng tingin.

"I'm not asking you...stupid" binaba ko ang kamay ko dahil nahiya ako bigla. Di naman ako tinanong bat ako ang sumagot..tanga mo talaga aishh.

"A-ako iho bakit?" Sabi ni manang. Nakahinga naman ako nang malalim dahil sa sagot ni manang. Napangiti ako habang ang amo ko naman ang sama ng tingin sakin.

Kumain na kami. Kumuha ako ng kanin at adobo paborito ko kasi to. At nagsimula ng kumain. Dali dali akong kilumain kasi naiilang ako kay sir ang sama kasi makatingin. Habang sumusubo ay nabilaukan ako. Hindi ako makahinga shitt..napahawak ako sa lalamunan ko at ubo ng ubo.

Gulat ako ng tumayo si sir Jaydon at kumuha ng tubig kinuha ko naman ang tubig at ininom. Iwan ko kita ko ang pag aalala niya sakin or guni guni ko lang yun.

"Next time eat slowly your not that hungry are you?!! Parang hindi pinapakain sa kanila" Sigaw nito sakin kaya binabawi kona ang sinabi kong nag aalala ito sakin. Nasaktan ako sa sinabi niya parang may kirot sa puso ko. Huminga ako ng malalim at

"S-sorry" sabi ko dito. Diko napigilan ang mga luhang tumulo sa mata ko. Kita ko ang pagkunot ng noo nito.

"Fuck!! Paawa kapa diyan...nakaka walang gana kumain" sabi niya sabay tayo at umakyat na. Don nako bumagsak at umiyak. Grabi naman siya magsalita nasobrahan naman ata siya. Kung hindi lang naman sa masamang titig niya di naman ako mabibilaukan ah. Napasinghot ako habang umiiyak. Ano ba ginawa kong masama? Nagtatrabaho lang naman ako dito ng maayos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hating You Is A CrimeWhere stories live. Discover now