Kayla Pov:'Castro De Mansion'
Basa ko sa malaking karatulang nakalagay sa itaas.Nandito ako ngayon sa harap ng malaking bahay 'ay hindi' isip ko at umiling. Nandito ako sa isang mansion na aking papasukan bilang tagalinis. Dala ko ang aking maleta ay pumunta ako sa guardhouse para tanongin ang guard.
"Hi po manong!.." napatalon sa gulat ang nagbabantay at napatingin sakin na nanlalaki ang mga mata habang nakahawak sa dibdib niya..hala nasobraan ata yung pagkagulat ko kay manong.
"Ano ba!!" Ayy nako patay ako nito. Nako naman heheh. Ngumiti ako ng pilit sa kanya
"P-pasensiya napo manong ha...na carried away lang" sabi ko sabay nag peace sign. Huminga naman siya ng malalim at tumango
"Ohh siya..ano bang kailangan mo para gulatin moko ng ganun?"
"Ahh ako po si Kayla ako po yung nag apply na maging katulong" tiningnan niya ako nang mabuti. Nanlaki naman ang kanyang mata at tumango tango.
"Ah ikaw ba yun?"turo niya sakin "halika at kanina kapa iniintay..bakit ba kasi late kana dumating?" Sabi nito at nakakunot pa ang noo nito. Patay ano sasabihin ko? Nalate ako dahil sa kaharutan ko? O nalate ako dahil sa lalaking masungit.
"Kasi po n-naligaw po ako ehh" pagsisinungaling ko sabay kamot hindi kona sinabi kung bakit mas lalo akong nalate ...umiling iling naman ito at lumakad papunta sa gate. May pinindut siya kung ano don kaya nagbukas yung gate
Pagkabukas ng malaking gate,
bumungad sakin ang malawak na hardin, iba't ibang kulay ng halaman ang aking nakikita may fountain din sa gitna. At sobrang linis ng paligid'siguro ang daming nagtutulong tulong linisin to' sabi ko sa sarili
Nilibot ko ang aking tingin habang naglalakad nakakamangha naman ang ganda dito.. ang yaman siguro ng may ari nito. Napahinto ako nang huminto si manong guard napa tingala ako sa malaking pinto sa harapan.Bumukas ito at naunang pumasok si manong.
May lumapit na maid kay manong nasa edad 50's na yung maid ganon din si manong guard.
"Nasan si ma'am?" Sabi ni manong. Sinuri ako ng tingin nung maid bago bumaling kay manong at sumagot." Nasa kwarto"
"Tawagin mo bilis..andito na ang bagong katulong"sabi niya at tiningnan ako ngumiti naman ako.
Ang daming katulong dito ahh sigurado ba silang kailangan nila ng isa pang katulong."Manong sigurado ba silang kailangan pa ng katulong dito ehh ang rami nila ohh"pabulong kong sabi kay manong.
"Bakit hindi mo ba alam ang papasukan mo"takang tanong ni manong
"Kasambahay po, you know tagalinis ng bahay hehhe" sabi ko sabay wasiwas ng kamay ko na naglilinis.
"Nako kang bata ka!!..di mo alam pinasok mo" umiling iling pa ito na kinagulat ko. Bakit ba? Kasambahay naman talaga sabi ni ninang.
"Goodluck..tandaan mo andoon lang ako sa guardhouse"dagdag niya na ikinataka ko at tuwawa nalang nang pilit tinatakot ata ako ah. Adik ba yun? Nasubrahan ata si manong ahh haha.
"Manong Ben where is she??"napalingon ako sa babaeng nagsalita nasa 40's na ata pero ang ganda parin halatang merong pinag aralan. Mahinhin itong nagsalita habang naglalakad pababa. Siguro siya yung amo ko. Patay nako nito late pa naman ako.
"G-good afternoon po ma'am ako po si Kayla yung na apply bilang kasambahay dito...p-pasensiya napo na late ako naligaw po kasi ako ehh" diretso at nauutal kong sabi sa kanya

YOU ARE READING
Hating You Is A Crime
Fiksi RemajaThis story is about a girl who have a simple dream in life. This girl wants to finish her school and then get a job, so that she can support her family. Simple. Unluckily her family don't have enough money to pay her tuition for college. What happe...