Chapter 2

8 2 2
                                        

Kayla Pov:

Minsan talaga ang mga bagay na hindi natin inaasahan ang siyang mga bagay na dumadating sa atin.
Bakit sa dinami dami pa na maging amo ko siya pa nakakahiya. Katulad nalang ngayon.

Andito ako ngayon sa kusina tinutulungan si manang Gina magluto. Nung una ayaw niya pa kasi hindi ko daw gawain yun kaso nagpumilit ako miss kona kasing magluto. Di niyo lang alam ang sarap ko kayang magluto.

"Manang ok napo tong kare kare luto napo" sabi ko dito kaya pumunta siya sa akin at tinikman ito. Napatingin ito sa akin

"Ang sarap mo pala magluto iha" sabi niya na ikinangiti ko. Heheh ako pa.

"Malamang manang sa amin nga ehh ako yung pinapaluto nila kasi masarap daw hahahah" pagmamayabang ko dito. Habang nagbabalat ng bawang. Magluluto pa kasi ako ng adobo specialty ko yun ehh hahah.

"Ay sir kain napo kayo" dinig kong sabi ni manang sa hapag kainan. Kinabahan ako ng nagtanong ito kung ano ang ulam. Sabi naman ni manang ay karekare niluluto pa kasi tong adobo kaya binilisan ko.

Nang matapos ay pinuntahan ko si manang at binulong na tapos na akong magluto. Tumango naman ito at pumunta sa kusina. Napatingin ako sa lalaki hindi ko pa alam pangalan niya dahil nga hindi ko alam hahah. Nakatingin din pala ito sakin ng masama kaya napaiwas ako. Ano na naman ginawa ko.

"Tsh" galit pa siguro to. Pinuntahan ko siya

"A-ahm sir sorry po kagabi, h-hindi kopo talaga alam na kayo pala ang anak ni tita." Kumunot ang noo niya

"Tita?"

"A-ahh sabi kasi nang mommy niyo eh tita daw tawag ko sa kanya" ngiting sabi ko. Gulat ako ng bigla siyang tumayo at humakbang palapit sakin

"What do you want?" Ha? Sabi niya sabay hakbang

"H-ha?" Nauutal na sabi ko sabay atras. Ano batong lalaking to.

"Tsh..just say what you want...you gold digger" napatigil ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin. Gold digger agad ano ba ginawa ko wala naman diba. Huminga ako ng malalim kahit na gusto ko umiyak. Ngumiti ako sa kanya at sinabing

"Wala po kong balak na masama sir" sabi ko dito. Putik ang sakit magsalita ahh. Nakakaiyak pero pinigilan ko lang. Sino ba naman ako? Isang hamak na katulong.

"Tsh" sabi niya tapos bumalik sa upuan at kumain. Habang ako ay tulala naka tingin dito. Makakaya ko bang maging alalay niya?..ehh parang ngayon suko nako.

"Iha halika sabayan mo si Jay kumain...dali hmm ang sarap mo nga talagang magluto" sabi ni manang at inamoy pa ang adobong niluto ko kanina. Napalingon ako ng umubo si sir. Dali dali naman akong kumuha ng tubig para sa kanya at ininom niya naman ito.

"The fuck!!. Who cook this? " Turo niya sa karekareng kinakain niya

"Siya iho" turo ni manang sakin ng nakangiti "masarap ba" napatingin ako sa reaksyon ni sir

"Hindi masarap its disgusting... Manang throw this i don't want it" sabi niya grabi naman siya kanina nga eh sarap na sarap siya ngayon I don't want it na daw. Sarap batokan dilang kita amo ehh. Sarap kaya nang karekare

"Ha? Sayang naman iho" sabi ni manang at kinuha ito

"Ito nalang iho masarap po yan" sabi ni manang at nilagyan niya ito ng adobo

"Who cook this?" Sabi na naman niya. Bingi ba siya sinabi na nga ni manang na ako tss. Nang hindi pa nagsasalita si manang ay inunahan kona siya.

Hating You Is A CrimeWhere stories live. Discover now