"Yeeey! Nandito na si Ate Bliss!" Natutuwang lumapit ang mga bata sa babaeng may malamlam na ngiti sa kaniyang mukha. As usual, madami itong dalang damit, laruan, at pagkain para sa mga bata na nandito sa orphanage. Naka-ponytail ang makulay netong buhok, at nakasuot ito ng short stylish skirt na pinaresan niya ng stripe red polo. Napakaganda neto at napakakinis ng mukha.
"Blythe, nag-abala ka na naman." Ani ng matandang madre na nagbabantay sa mga bata, "Kayo naman po. Once a month na nga lang ako bumisita dito eh." Natatawang sagot ng babae. Bliss ang tawag sakaniya ng mga bata dahil para daw itong anghel na nagbibigay saya sa kanila.
"Ayos ka lang ba hija?"
"Ayos lang naman po. Malapit na pala ang anniversary ng orphanage na ito no?"
"Oo, at nagpapasalamat kami sa kabaitan mo at pinatayo mo ito."
Ilang oras pa doon si Blythe, nakipaglaro siya sa mga bata, tumulong sa mga madre na maglinis at nagluto na rin. It's been 2 years, ang tagal na rin pala. Nag-resign na rin siya sa kompanya na pinagtrabahoan niya noon at nagpatayo ng bakery, lumago ito at may iba't iba na siyang branch sa bansa. Dahil dito ay nakapagpatayo siya ng orphanage at ni-renovate ang bahay ng kaniyang lola pagkatapos ay ang ibang shops niya ay binigay niya sakaniyang pamilya.
"Blytheeee!!" Sigaw ni Guinevere ang yumanig sa pagmumuni ni Blythe sa hardin ng orphanage, "Blythe you won't believe it!" Hagikhik neto at tumabi sa kaniya.
"Bakit ka nandito?"
"Duh! Alam ko naman na kapag wala ka sa shop mo dito ka tumatambay! Anyways, may chika ako." Nagningning ang mga mata ne'to. "Nakilala ko na 'yung big boss!" Kinikilig na ani ni Guinevere na may kasama pang sabunot.
Big boss? Ang pinakamakapangyarihan sa loob ng business world? Matagal tagal na rin na wala siyang narinig dito. Walang nakakaalam sa pagmumukha ne'to sa hindi malamang dahilan, pero maraming nagsasabi na kapag nakita mo siya ay mapapaluhod ka sa sobrang gwapo at makapangyarehan neto. Kinatatakutan siya ng karamihan at maraming nagsasabi na siya ay single hanggang ngayon.
"Oh tapos?" Bored na sagot ni Blythe at ininom ang kaniyang juice na dala-dala. "Blythe! Siya pala 'yung boss ng Empyrian Company! 'Yung pinagtrabahoan natin noon? And here, look at it! Nagpakita na siya sa publiko." Binuklat ni Guinevere ang isang magazine at pinakita kay Blythe ang lalakeng pinagkakaguluhan ngayon ng buong mundo, "Shete! Napaka-gwapo!"
Naibuga ni Blythe ang kaniyang iniinom ng makita ang mukha na tinutukoy ni Guinevere.
"Hoy gaga okay ka lang!?" Alalang tanong ni Guinevere at hinagod ang likod ni Blythe. Ubo naman ng ubo si Blythe dahil sa sobrang gulat.
Paanon ito nangyare? Bakit kamukha ng lalakeng ito ang batang pasaway na inalagaan niya two years ago? Hindi pwedeng coincidence! Dahil talagang magkamukha sila!
--
BINABASA MO ANG
Saving You [COMPLETED]
FantasyWhat will you do when out of nowhere you become a guardian of a boy you picked up somewhere?