Chapter 2

4.6K 113 2
                                    



Sa mundong ito, bawat isa ay ipinanganak na may marka sa kanilang mga mata, isang palatandaan ng kanilang kapangyarihan at kakayahan. Ngunit ako, ako ay naiiba. Wala akong marka sa aking mga mata, isang pagkakaiba na naging dahilan upang ako ay pahirapan at laitin ng aking sariling mga kababayan.

"Laging siya ang naiiba," bulong ng mga tao kapag ako'y dumadaan sa kalye. "Wala siyang kapangyarihan. Walang silbi." Ang mga salita nila ay parang mga kutsilyong tumatagos sa aking puso, bawat isa ay masakit at nakakabawas ng aking kumpiyansa. "Ano kaya ang pakiramdam ng maging isang wala?" sabi ng isang bata habang nagtatawanan ang kanyang mga kaibigan.

Sa eskwelahan, palagi akong nasa isang sulok, sinusubukang magtago mula sa mapanirang mga tingin at mga biro. "Hestia, bakit ka pa nandito? Wala kang marka, hindi ka tunay na bahagi ng Aquamarine Clan," sabi ng isa sa mga kaklase ko, isang batang lalaki na ang mga mata ay nagniningning sa asul liwanag ng kanyang kapangyarihan.

"Ang hirap ng buhay na walang kakayahan. Mas mabuti pang umalis ka na lang," dagdag ng isa pa.

Umuwi akong umiiyak, pilit na pinapakalma ang sarili sa tahimik na sulok ng aming tahanan. "Bakit ako naiiba? Bakit ako ang walang kapangyarihan?" tanong ko sa aking ina, habang hawak-hawak ang kanyang kamay. "Anak, hindi nasusukat ng marka sa mga mata ang iyong halaga. Ang tunay na kapangyarihan ay nasa puso mo," sagot niya habang tinatanggal ang aking mga luha.

Ngunit kahit ang mga salita ng aking ina ay hindi sapat upang mapawi ang sakit ng pagiging naiiba. Sa bawat araw na lumilipas, tila mas lalong lumalalim ang agwat sa pagitan ko at ng aking mga kababayan.

"Hestia, nandiyan ka na naman," bati ng isang grupo ng mga batang babae habang pinipilit akong itulak palayo. "Alam mo bang ikaw lang ang nagpapababa sa reputasyon ng ating clan?"

Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit ako ipinanganak na ganito. Sa isang mundo kung saan ang kapangyarihan ay lahat, ako ay walang-wala. "Isang araw, makakahanap ka rin ng iyong lugar," sabi ng aking ina. Pero kailan kaya darating ang araw na iyon? Kailan kaya titigil ang pangungutya at pang-aapi?

"Pupunta ako sa templo ngayon. Naisin komang isama ka, ngunit hindi ka pwedeng pumasok sa templo anak. Alam mo na kung bakit hindi ba?"

Dahil na naman sa wala akong kapangyarihan.

"Oo ina. Alam ko, mag ingat po kayo."

Ang alam ko lang ay hindi ako pwedeng pumasok doon dahil baka mahigop ko raw ang kapangyarihan ng gemstone. Ngunit paano ko magagawa iyon kung wala akong abilidad na gawin iyon? Ano ang iniisip nila.

Sa aming kultura, ang mga may marka sa mata ay tinitingala, sapagkat sila ang may kakayahang kontrolin ang tubig at magpagaling. Ngunit ako, wala akong marka, at dahil dito, ako'y itinuturing na kakaiba at walang halaga.

Pumpunta ang mga immortal sa luob ng templo. Upang magdasal sa isang estatwa. Hindi ko alam kung bakit nila ito pinag dadasalan.

Isang gabi, habang nakaupo ako sa gilid ng ilog, narinig ko ang mga bulong ng hangin at agos ng tubig. Pinag-uusapan nila ang Templo ng Aming mga Ninuno, isang sagradong lugar na bukas lamang sa mga may kapangyarihan.

"Hestia, hindi ka pwedeng pumasok doon," paulit-ulit na sinasabi sa akin ng aking mga kababayan. "L

"Wala kang marka, wala kang kapangyarihan."

Ngunit ang aking kuryosidad ay masyadong malakas upang mapigilan. Ano kaya ang nasa loob ng templong iyon? Ano kaya ang nararamdaman ng mga may kapangyarihan kapag pumapasok sila roon? Hindi ko maiwasang isipin ito gabi-gabi.

Isang gabing maliwanag ang buwan, nagpasya akong sundin ang aking kuryosidad. Tahimik akong lumabas ng aming bahay, naglakad ng dahan-dahan papunta sa templo. Walang tao sa paligid, lahat ay natutulog. Tahimik na naglalakbay ang aking mga paa sa daan, habang ang aking puso ay mabilis ang kabog.

Pagdating ko sa templo, nakita ko ang malalaking pintuan nito, na puno ng ukit at simbolo ng aming mga ninuno. "Hindi ako dapat nandito," bulong ko sa sarili, ngunit ang aking kuryosidad ay hindi mapipigilan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, pumasok sa loob at naramdaman ang malamig na hangin na bumalot sa akin.

Sa loob, naglalakihan ang mga estatwa ng aming mga ninuno, bawat isa ay naglalaman ng kwento ng kanilang kapangyarihan at kasaysayan. Ang mga dingding ay puno ng mga ukit at simbolo ng tubig, ang aming lifeblood. Ngunit ang pinaka-agaw-pansin sa lahat ay ang malaking estatwa sa gitna ng templo, ang pinuno ng aming mga ninuno, na may asul na gemstone sa kanyang puso.

Lumapit ako, namangha sa kinang ng gemstone. "Ito ang simbolo ng kapangyarihan ng aming angkan," bulong ko, habang tinititigan ko ang bato. Ang asul nitong liwanag ay tila sumisipsip sa akin, nagbibigay ng pakiramdam ng kapayapaan at kalakasan.

"Bakit hindi ako kabilang dito?" tanong ko sa sarili, habang ang aking mga mata ay nagbabadyang maluha.

Habang nakatitig ako sa gemstone, naramdaman ko ang isang kakaibang init sa aking puso. Parang may koneksyon ako sa batong iyon, kahit na wala akong marka sa aking mga mata. "Bakit ganito?" bulong ko, habang ang liwanag ng gemstone ay sumasalamin sa aking mga mata.

Biglang narinig ko ang mga yabag sa labas ng templo. Agad akong nagtago sa likod ng isang estatwa, takot na mahuli. "Hestia, ano ang ginagawa mo dito?" sigaw ng isang bantay, na tila nag-aalangan ngunit handa akong pagalitan. Tumayo ako, humarap sa kanya ng may takot ngunit may bagong tapang sa aking puso.

"Ako si Hestia, at kahit wala akong marka sa mata, nararamdaman ko ang koneksyon ko sa templong ito," sabi ko, habang ang mga mata ko ay punong-puno ng determinasyon.

"Nais kong malaman ang aking halaga, kahit na wala akong kapangyarihan na tulad ninyo."

Tumingin sa akin ang bantay, tila nag-iisip. "Hestia, ang tunay na kapangyarihan ay hindi laging nakikita," sabi niya, habang dahan-dahang lumalapit.

"Minsan, nasa puso ito." Tumango siya at hinayaang ako'y manatili ng ilang sandali pa, bago niya ako pinalabas ng templo.

Habang naglalakad ako pauwi, naramdaman ko ang kakaibang kalakasan sa aking loob. Alam kong hindi ko pa lubusang naiintindihan ang lahat, pero alam ko na may halaga ako, kahit na wala akong marka sa aking mga mata.

Tears of midnight Crystal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon