Chapter 11

2.2K 59 1
                                    



Papalabas na kami ni Aryx mula sa gubat, patungo sa portal na magdadala sa akin pauwi. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang, hindi lang dahil sa pagod kundi dahil sa takot na baka mahuli ako ng mga magulang ko.

"Hestia, be careful," said Aryx, holding my hand. "You know it's dangerous for you to come back here."

"Alam ko, mag ingat ka pauwi," I replied, forcing a smile despite the anxiety in my chest. I gazed at him, still wondering how we met in this forbidden forest.

Pagkalabas ko ng portal, nakita ko agad ang aming bahay. Bukas pa ang mga ilaw, at naroon sina Mama at Papa, halatang balisa at nag-aalala.

"Hestia! Saan ka ba nanggaling?" bungad ni Ina, ang boses niya'y puno ng takot at galit. Si Ama naman ay tahimik lang, pero kita sa mga mata niya ang pag-aalala at pagod.

"Pasensya na po, Ina, Ama. Napasarap lang po ang kuwentuhan namin ng mga kaibigan ko," sabi ko, pilit na ngumingiti. "Hindi ko napansin ang oras."

"Kaibigan? Kailan kapa nagkaroon ng kaibigan, anak?" Pagtatakang tanong ni ina.

"Kahapon ko lang din sila nakilala Ina, hali na't pumasok na tayo.. doon naho tayo mag uusap."

"Hestia, kagabi pa kami naghahanap sa'yo! Halos malibot na namin ang buong clan para lang makita ka," sabi ni Papa, bakas ang hinanakit sa kanyang boses.

Naka upo sila ngayon sa upuang pan dalawa at ako naman ay nakatayo sa harap nila.

"Pasensya na po talaga," ulit ko, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi ko maaaring sabihin sa kanila ang totoo – na galing ako sa ipinagbabawal na gubat at may nakilala akong lalaki roon.

"Sigurado ka bang wala kang tinatago sa amin?" tanong ni Ina, halatang hindi kumbinsido sa aking sagot.

"Opo, Ina. Pasensya na po ulit. Hindi na po mauulit," tugon ko, umaasang maniniwala sila. Alam kong mahirap paniwalaan, pero wala akong ibang pagpipilian kundi magpalusot.

Nakita kong unti-unti nang nababawasan ang tensyon sa kanilang mga mukha, pero alam kong hindi pa rin sila lubusang kumbinsido. Pumasok na kami sa loob ng bahay, at tahimik akong sumunod. Habang naglalakad, iniisip ko kung paano ko mapapanatili ang sikreto ko.

Habang nakahiga na ako sa kama, nagbalik sa isip ko ang mga mata ni Aryx – ang misteryong bumabalot sa kanya at ang kakaibang damdaming naramdaman ko. Marami pa akong tanong, pero alam kong hindi ko pwedeng ipagsapalaran ang tiwala ng aking mga magulang. Sa kabila ng lahat, kailangan kong mag-ingat sa susunod. Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang lahat.

Nagising ako sa maagang oras dahil sa mga ingay na naririnig ko mula sa labas ng aming bahay. Kinabahan ako at mabilis na lumabas upang tingnan kung ano ang nangyayari.

Tumungo ako sa kwarto ng aking mga magulang, ngunit wala sila doon. Mas lalo akong kinabahan at dali-daling lumapit sa bintana upang sumilip sa labas. Nakita ko ang maraming tao na may dalang mga torch at sumisigaw.

"Parusahan si Hestia!" sigaw nila, ang mga mukha'y puno ng galit at poot.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Bakit nila gustong parusahan ako? Ano ang nagawa kong kasalanan?

Nakita ko ang aking mga magulang sa harap ng nagkakagulong tao. Nakita kong takot na takot si Mama habang hawak-hawak ni Papa ang kanyang kamay, pero halatang hindi rin nila alam ang gagawin.

"Ano ang ipinag sasabi ninyo sa aking anak?? Hindi magagawa ni Hestia iyon!" Sigaw ni Ina.

Lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Ano ang dahilan ng lahat ng ito?

Habang patuloy ang pagsigaw ng mga tao, isang babae ang lumapit sa harapan ng nagkakagulong tao. Siya ang asawa ni Lord Nalu. Si lady Elena, at ang kanyang mukha'y puno ng kaseryosohan.

"Hestia, lumabas ka!" sigaw ni Matandang Elena. "Kailangan mong harapin ang mga paratang laban sa'yo!"

Nanginginig akong lumapit sa pintuan. Nang makita ako ng mga tao, lalong lumakas ang kanilang mga sigaw. Halos hindi ko marinig ang sarili kong paghinga sa sobrang ingay at takot.

"Hestia, pinaghihinalaan ka naming nakikipagsabwatan sa mga nilalang sa labas ng ating clan!" sabi ni Lady Elena. "May mga saksi na nakakita sa'yo na pumasok at lumabas mula sa ipinagbabawal na lugar."

Ang buong akala ko'y walang nakakita.

"Ngunit hindi ko po alam ang sinasabi ninyo!" sagot ko, halos umiiyak na. "Wala akong
Alam!" Palusot ko. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol doon. At baka madamay pa ang aking magulang.

"Kung totoo ang sinasabi mo, kailangan mong patunayan ito. Kailangan mong ipaliwanag ang iyong sarili."

Tumingin ako sa aking mga magulang, umaasa ng suporta. Ngunit kahit sila'y halatang naguguluhan at natatakot. Alam kong kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong harapin ang mga ito kahit na wala akong kasalanan.

Wala akong ibang magawa. Kundi sabihin ang totoo.

"Oo, totoo ang inyong mga paratang. Ngunit maniwala mn kayo oh hindi, ako ay naliliwaliw lamang sa gubat, at walang ibang kinikita o pinupuntahan."

Nagsimulang magbulungan ang mga tao, ang mga mukha'y puno ng pagdududa. Alam kong mahirap paniwalaan ang aking kwento, ngunit ito lamang ang katotohanan.

"Kung ganun, kailangan naming mag sampa ng parusa saiyo. Dahil saiyong walang ingat na pagkilos. Hinahatulan ka namin ng isang kaparusahan."

Wala akong ibang magagawa kundi ang sumang-ayon. Ngunit sa likod ng aking isip, alam kong hindi magiging madali ito. Kailangan kong magpakatatag at harapin ang lahat ng ito ng buong tapang.

Tears of midnight Crystal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon