Tres

14 2 2
                                    

Tres

Alas sais na ko nagising ngayong sabado dahil wala naman kaming pasok. Yes, I know. I told myself to wake up early today pero isa rin akong tao, nasasarapan rin ako sa pagtulog.

Hindi rin naman masyado maaga ang picnic namin. Mamaya pang tanghali kung kelan katirikan ng araw. Ewan ko ba sa mga kaibigan ko, yun ang napag-usapang time, akala mo naman immune sa uv rays.

As usual, gumawa muna ako ng mga gawaing bahay. Aalis man ako, it is not an exception para makaiwas sa mga trabaho ko. Lalo na kung ang kasama mo rito sa bahay ay isang lalaki na kakagising lang matutulog ulit.

Umakyat ako at sinipa ang pintuan ng kwarto ni kuya.

"Kuya! Pinapabili ka diba ng baboy sa palengke. Bat tumutulo pa rin ang laway mo riyan?" Sigaw ko kay kuya na agad na tinakpan ng unan ang kanyang tenga.

"Papunta na..." He murmured.

"Saan, sa panaginip mo?" Tanong ko kay kuya na natulog na naman.

Grabe pa kung paano idukdukan ang mukha niya sa unan. Kung di ko lang siya kapatid, matagal ko na idiin ang ulo niya sa unan.

Bumaba nalang ako at hinayaan siya. Nag ayos na ko ng bag ko na may lamang chips na binili ko lang rin kahapon sa tindahan malapit samin.

Maliligo na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang caller id at si Cally to. Kanina pa yan tumatawag sakin ngunit di ko sinasagot, because first, it is from Cally, second, ayoko lang talaga sumagot ng tawag. I just find it uncomfy. So instead of answering it, I cut it off and messaged him.

Polaris Valencia:

What?


cALLYSTOpagmaygwapo:

Bat di mo sinasagot ang call ko?

Polaris Valencia:

Eh ano ba kasi yun?

cALLYSTOpagmaygwapo:

Sasama ka ha?

Polaris Valencia:

Oo nga, maliligo na nga ako eh.

cALLYSTOpagmaygwapo:

Siguraduhin mo lang ha. Ikaw pa naman ang may pinakawalang kwentang ambag na pagkain. Mamaya ighost mo kami.

Polaris Valencia:

FUCK. YOU.

Nakakairita talaga itong bading na to. Kagabi niya pa ako chinachat nang chinachat kung sasama ba raw ako. Ako na nga ang nag-ayos ng lahat tapos ako pa itong pinagbintangan niya na mang-go-ghost. Mas lalo pa kong naiirita pag nakikita ang nickname niya sa conversation namin. Lagi kong binabago kaso lagi niya ring binabago. In the end, ako ang napagod.

8 am palang naman pero maliligo na rin ako. Para na rin makapag-ayos ako. Wala mang gwapo dun sa pupuntahan namin atleast dapat may maganda doon. Duh.

Nang matapos na ko maligo ay sa cr na rin ako nagbihis. Paglabas ko sa cr ay ang saktong pagpasok ni tita sa bahay.

"Oh, nasan na ang kuya mo?" Tanong sa akin ni tita.

"Tulog pa." Sagot ko habang nagpapatuyo ng buhok.

"Ganun ba? Ako na lang ang bibili sa may bayan at may gagawin rin naman ako dun." Sabi ni tita.

Napairap nalang ako. Lagi niya na lang tinotolerate si kuya kaya kahit 3rd year college na siya, di pa rin siya marunong gumising mag-isa.

Panaromic Series: Capturing the FieldWhere stories live. Discover now