Dos

15 3 1
                                    

Dos

Pagdating sa school ay kating kati na akong sabihin sa mga kaibigan ko yung nangyari kanina. Ngunit naisip ko na sarilihin na lang dahil mamaya ay maging curious sila at pumunta bigla sa bahay namin.

Nakaupo na ko sa aking upuan, maingay na dahil halos lahat ng kaklase ko ay nasa classroom na. Ngunit wala na akong pake sa lahat ng iyon dahil hindi ko pa rin mapakalma ang nagwawala kong puso.

I hold my both cheeks as if it can lessen the redness of my cheeks. Kanina ko pa yun ginagawa kaya hindi maiwasan makuryoso ni Aithne na katabi ko lamang.

"What's wrong with you?" Aithne asked with furrowed eyebrows.

"Huh?" Biglaang sabi ko sa biglaan niyang tanong.

Hinawakan niya ang akin noo na para tinatantya ang aking temparatura.

"Are you sick? Namumula ka eh." May pag aalala niyang tanong.

"Ah, hindi ah, mainit lang siguro." Palusot ko. Mas lalo pang nanliit ang mata ng kaibigan ko dahil sa alibi ko.

"Baka inlove yan." Sabi ni Cally na dumaan sa gilid ni Aithne para magtapon ng kung ano. Pag ka balik niya ay hindi na siya dumiretso sa upuan niya at naupo na lang sa table namin para maki chismis.

Inirapan ko na lang siya at di na umimik.

"Oh see, traydor. Hindi nag deny." May bahid ng inggit na sabi ni Cally habang tinuturo pa ko.

"Anong inlove ka jan? Sapukin kita eh." Singhal ko sa kanya.

"Sinong inlove?" Iba talaga ang tenga ni Kiana pag chismis ang pinag uusapan. Talagang malakas pa ang pagkakatanong niya at nakuha ang atensyon ng iba namin mga kaklase.

Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko.

"Sino raw ang inlove?"

"Sino? Sino?"

"Si Polaris raw." Hindi ko alam kung sinong nagsabi nun, pero dahil don ay may iba akong mga kaklase na lumapit sa amin para tanungin ako.

"Oh, may boyfriend ka na? Sino? Gwapo ba?" Tanong ng isa kong kaklaseng babae.

Grabe naman, ang sinabi lang kanina, inlove ako, hindi may boyfriend. Though hindi naman totoo na inlove ako. Basta! Walang totoo sa mga sinasabi nila.

Bwisit rin kasi tong baklang to eh. Konting konti nalang papakainin ko na to ng lupa eh.

"Hindi noh!" Tanggi ko at bumaling kay Cally. "Tignan mo tuloy yung ginawa mo. Lagyan ko ng duck tape yan ngalangala mo eh!"

At ang bakla, nag peace sign lang.

Buti nalang at tumigil narin ang mga kaklase ko kakausisa. Pero dahil sa komosyon ay nasa table na din namin sina Kiana at Elv.

"So ano? Inlove ka nga? Kanino?" Pangungulit parin ni Kiana.

Inirapan ko lang siya. Walang imik sa tabi ko si Aithne pero alam kong nakikinig din siya. Ganun rin sa Elv. Si Cally at Kiana lang naman ang certified chismosa saming lima.

"Wala nga diba." Hindi ko alam kung pang ilan ko na itong sagot sa walang katapusan niyang pangungulit.

"Di nga? Kahit dito sa school?" Sabi naman ni Cally.

I just raised my middle finger to him and he just rolled his eyes.

"Ano ba kayo? We are talking to Polaris Sienne Valencia. We, of all people know how high her standards are. Kung may magugustuhan yan, for sure isa na namang anime character yan o di kaya ay character sa isang yaoi na nabasa niya." Pagpapaliwanag ni Elv na kahit gusto ng chismis ay mas piniling maging neutral.

Panaromic Series: Capturing the FieldWhere stories live. Discover now