Chapter One
Another Summer"And so with the sunshine and the great bursts of leaves growing on the trees, just as things grow in fast movies, I had that familiar conviction that life was beginning over again with the summer."
- F. Scott Fitzgerald (The Great Gatsby)
🔸🔸🔸
"Gabby!!! Gabby!!"
Humahangos na tawag mula sa likuran ko. I looked over and saw Claire running towards me. Kumakaway ito habang tumatakbo.
I raised my hand and placed it above my eyes to shield them from direct sunlight. Nakaupo ako sa pampang ng dagat na isa sa mga paborito kong spot lalo na tuwing pagkatapos kong tumakbo tuwing umaga. There's just so much peace in the serenity of the sound of the water crashing the seaside.
"Bakit? Sa'n ka ba galing at tumatakbo ka pa?" tanong ko dito ng maupo ito katabi ko sa buhanginan.
Claire was my childhood friend. Puberty friend. Adolescence friend. Adulthood friend. Since, God-knows-when we've been friends.
Summer is a special season for us. Tuwing summer na lang kasi kami nagkikita, at nagkakasama. Dito sa Los Balcones, where we spent most of our childhood days and summers, together.
Solo akong anak ng mga magulang ko, kaya nga ng makilala ko si Claire pati na rin ang ilang kababata namin sa Los Balcones, naranasan ko ang pakiramdam na magkaroon ng kapatid.
May bahay kami dito at sa lugar ding ito ako ipinanganak. Pero ng makatapos kami ng elementarya, napag desisyunan ng mga magulang ko na lumipat ng tirahan - sa Maynila. Nabili na rin namin ang bahay naming dito, kaya kahit sa Maynila na kami nakatira tuwing bakasyon ay dito kami naglalagi. Marami na rin kasi kaming kakilala dito na naituring na rin namin na malapit na mga kaibigan.
Naalala ko pa noong araw na umalis kami, nag iyakan kami ng sobra ni Claire. We promised not to forget each other. I promised to visit every summer, and I never failed to do so. Every summer, nandito ako. May bahay pa naman kami dito. Nakiusap kasi ako kila Papa na huwag ibenta ang bahay namin so I can visit regularly every summer.
"Kanina pa kita hinahanap eh. Sabi ko na nandito ka na naman." humihingal na sabi ni Claire.
Claire, on the other hand entered college at Los Banos, Laguna. Akala ko nga magkakasama kami sa Maynila pag college na kami. Kaso nakapasa siya sa isang sikat na University na may branch sa Laguna. Pangarap niya ang mag-aral dito, but unfortunately hindi sa Manila, sa Laguna siya nakapasa. Magandang oppurtunity iyon para sa kanya, kaya hindi na niya ito pinakawalan. Masaya naman ako para sa kanya. Kung pwede nga lang, doon na rin ako papasok. Kaso hindi ako kasing talino ni Claire, academically. Kaya hindi rin talaga kami naging magkasama. But the friendship remained despite the distance.
Hindi nga lang basta magkaibigan ang turingan namin sa isa't isa. Dahil na rin ilang araw lang ang agwat ng edad namin, parang kapatid na ang turing namin sa isa't isa.
Claire is the sister I never had. I remembered how excited I was tuwing makikita ko ang sulat nito sa mailbox namin. Nagsusulatan kasi kami ng lumipat kami sa Maynila. Kahit malayo kami sa isa't isa at hindi na madalas magkita gaya ng dati, hindi pa rin kami nawawalan ng communication sa isa't isa. We still share everything to each other, kahit iyong mga bagay na kami lang ang nakakaalam sa isa't isa.
Thank God, there's always summer. Kahit walang winter, fall, at spring sa Pilipinas I always thank God for bringing summer. In my life. In our lives.
Ngumiti ito at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Guess what?!"
Halata sa mukha nito ang pagka-excite. Alam na alam na naming dalawa ang halos lahat tungkol sa isa't isa. Alam na alam namin kung anong nararamdaman ng bawat isa.
Tumingin lang ako sa kanya at hinintay na sabihin nito ang tila kanina niya pa gustong sabihin.
"Jake." She said.
"Jake's here."
"Jake. Jake is here!"
Claire's voice echoed in my head.
Hinihintay koi tong tumawa o sabihin nitong nagbibiro siya pero halatang seryoso ito. Did I heard her right? Nandito si Jake?
"Hoy Gabrielle! Ayos ka lang?" Claire snapped.
"T-Talaga? Nandito si Jake?" Nilibot ko ang tingin ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging self-conscious ng marinig ko uli ang pangalan nito. Iniisip ko na nakatayo siya sa hindi kalayuan at kanina pa kami pinapanuod ni Claire.
Tumango ito. Halatang masayang masaya sa balita niya. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako patayo.
"Kararating lang niya." Claire said.
"Nagkausap na kayo?" Tanong ko. Pinampag ko ang binti ko na nakapitan ng buhangin mula sa dalampasigan.
Umiling si Claire. "Hindi pa. Si Mama lang ang nagsabi sa'kin kanina." sumingkit ang mata nito gawa ng papaitaas na sikat ng araw. "Nung malaman ko na nadito siya, hinanap na talaga kita agad."
Tumango ako.
"Tara na?" hinila ako nito papaalis mula sa pampang. Ngumiti ako at nangakong susunod sa kanya. Kinuha ko ang tsinelas ko at binitbit nalang ito.
Jake.
Pinanuod ko habang nagpatiunang maglakad si Claire sa akin. It's been years the last time I saw him. Sa ilang taon na 'yon, maraming nangyari. Maraming nagbago. Maraming pwedeng nagbago. But some things never change. Some feelings never change.
Jake.
Another summer, same boy - somehow estranged.
Bumuntong hininga ako bago nagawang sundan si Claire.
BINABASA MO ANG
We'll Always Have Summer (WAHS #1)
RandomThree Old Friends. Secrets. Revelations. Forgiveness. One Summer. [Cover design by @Risingflare]