"Honey? M-Marc?"
Kinapa ko ang braso ni Marc sa tabi ko. It's still dark outside at sobrang bigat pa ng mata ko kaya hindi na ako nag-abalang magmulat. Marahan kong niyugyog ang braso niya.
"Hmm?" Umungot ang asawa ko. Pumagilid ako ng kaunti.
"Umuulan ba?" I whispered. Nakakaramdam kasi ako ng basa sa bandang hita ko. Parang may tumulo.
"What?" He grunted.
"Parang butas 'yung kisame natin."
Hindi ito sumagot. Nakaramdam ako ng kirot sa bandang puson ko. Hinawakan ko ang tiyan ko. Naghihintay na lang talaga akong manganak.
My eyes are still closed. Pinakiramdaman ko ang labas. Parang hindi naman umuulan.
Nakaihi kaya ako? Niyugyog ko uli ang braso ni Marc.
"It's not raining, okay? Go back to sleep," Marc moved closer. Inilapit niya ang ulo ko sa dibdib niya bago siya bumuntong hininga.
Another contraction. Parang pulikat na masakit. Pero hindi naman sobra. Nu'ng isang araw ganito din pero false alarm lang pala.
"Honey? Claire?" He whispered this time.
"Hmm?"
"Bakit basa 'yung kumot?" Bulong nito na parang nagtataka.
"I told you, may tulo yata sa kisame."
"It's not raining."
"Baka kanina," I winced. "Aw."
"What?"
"Wala," bulong ko. Hindi pa naman siguro ito 'yun. Ganitong ganito kasi nung false alarm.
"Basa talaga 'yung kumot."
Marc reached for the lamp and turned it on. He sat on the bed. Hinayaan ko lang siya. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya gumagalaw.
"Hon?"
Sinubukan kong umupo pero lalong sumakit ang tiyan ko. Basang basa na talaga ang bandang hita ko. Napangiwi ako sa sakit.
"C-Claire?"
Tumingila ako. Wala namang butas sa kisame.
"Honey, I think your.."
"What?" Sinundan ko ang tingin niya. Basang basa nga ang hita ko, 'yung bedsheet at kumot.
Nanlaki ang mata ko, "Oh my god!"
Nagkatinginan kami ni Marc. Ang putla na ng asawa ko. Agad siyang napatayo.
"Honey your water just.. broke!"
And that's it. As if on cue, bigla na lang sumakit uli ang tiyan ko. I wailed in pain. Hindi naman alam ni Marc kung anong uunahin niya.
"Oh no. Claire, relax. Relax okay? I'll get your... things.."
"What? Ikaw kaya ang mag relax! Marc, ang sakit! Bilisan mo! Ahhh! Manganganak na 'ko!"
Mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ni Marc ang mga gamit. Mabuti na lang at naihanda na namin iyon last week pa, just in case.
Nang madala na niya ang lahat sa sasakyan. Ako naman ang binuhat niya. I buried my face on his neck. Ang sakit. Sobrang sakit.
Mabilis naming narating ang ospital. Dinala kami sa waiting room, bago dalhin sa delivery room.
Marc was holding my hand.
"Grabe ang sakit! Dapat share tayo dito eh. Unfair!" Bulahaw ko kay Marc.
Marc kissed my forehead, "If only I can.. I will."
BINABASA MO ANG
We'll Always Have Summer (WAHS #1)
De TodoThree Old Friends. Secrets. Revelations. Forgiveness. One Summer. [Cover design by @Risingflare]