"Even when I detach, I care. You can be separate from a thing and still care about it. If I wanted to detach completely, I would move my body away. I would stop the conversation midsentence. I would leave the bed. Instead, I hover over it for a second. I glance off in another direction. But I always glance back at you.
- David Levithan (The Lover's Dictionary)
🔸🔸🔸
"Ate Gabs, okay ka lang?" Napadako ang tingin ko kay Camille, Claire's younger sister. Tinutulungan niya kasi akong gumawa ng mga decorations, iyong mga pumpon ng mga bulaklak para sa aisle.
"Ha? Oo naman. Pagod lang siguro." Ngumiti ako kay Camille. Camille's already in college, graduating na ito mula sa kurso niyang Veterinary Medicine.
Mula sa sulok ng mata ko, naaninag ko pa din itong pinagmamasdan ako sa 'di kalayuan. Kaya siguro napapansin ni Camille na parang hindi ako mapakali.
Jake.
He stood under the big tree, kausap niya si Marc. I just hope that Marc won't notice, tuwing mapapadako kasi ang mata ko sa direksyon nila, mahuhuli ako ng mga mata ni Jake. He's staring at me as if commiting my whole being into his memory. It's been five years, at hindi ko maitatangging iba pa din ang epekto ni Jake sa sistema ko. He's deep eyes makes my whole body tense, and shiver na para bang ayaw niya akong pakawalan sa mga titig niya.
I tried to focus on what Camille and I doing. Umusog ako ng kaunti para hindi ko tuluyan siyang makita. Kaninang umaga, 'pag gising ko kasama na siya nila sa Claire at nang buong pamilya sa mesa na nag-aagahan. Claire said he arrived three in the morning. Mabuti na nga lang at gising pa si Marc at nasundo nila si Jake sa bayan nang ganoong oras.
Of course, I expect him to be here. Bukas na ang kasal. Ang buong akala ko, mag iiba ang lahat. That we'd outgrew the feelings we had before.
Akala ko hindi na awkward kung sakaling magkita muli kami. I mean, it's five years. Pero mali ako. When he laid his eyes on me, I felt the same rush of emotions I had years back. The kind of feeling that he alone can give me.
"Sige ate, ako na lang dito. Mag-lunch ka na muna."
Ikinumpas ko naman ang kamay ko sa harapan ko. "Naku hindi. Okay lang ako."
"Sure ka? Para kasing namumutla ka."
Napahawak ako sa pisngi ko. I used to be really pale. Pero ganun nalang ba talaga ang kaba na nararamdaman ko sa mga tingin ni Jake? Napabuntong hininga ako.
Nag-angat uli ako ng tingin. And as expected nagtagpo muli ang mga mata namin ni Jake. Marc is busy chatting with him, laking Amerika din kasi itong si Marc kaya sa tingin ko nagkakasundo sila. Panaka naka ay tumitingin siya kay Marc pretending he's attentive to what he's saying.
He's wearing a plain white shirt match with khaki shorts. Nakapamulsa ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay may hawak na bote na kagaya di ng hawak ni Marc. Something for refreshment, I think. His hair was the same, may kaunting gulo ito, at haba na halos umaabot na sa mga mata niya. Jake became bigger. His shoulders are broader, his body is toned and lean. Very masculine pero hindi naman 'yung tipong katawan na nagwo-work out. It just became more manly. It's like reading Nicholas Sparks' novel, the way how you imagine the male lead character.
"Kuya Lance!" Camille's voice brought me back to my senses. Napalingon ako sa kinauupuan namin and I saw Lance walking towards our place, nakangiti ito. I smiled back.
Ipinatong ni Lance ang kamay sa ulo ni Camille saka ginulo ang buhok niya, bago ito umupo sa pagitan namin.
"Hey."
BINABASA MO ANG
We'll Always Have Summer (WAHS #1)
RandomThree Old Friends. Secrets. Revelations. Forgiveness. One Summer. [Cover design by @Risingflare]