"In time, the hurt began to fade and it was easier to just let it go. At least I thought it was. But in every boy I met in the next few years, I found myself looking for you, and when the feelings got too strong, I'd write you another letter. But I never sent them for fear of what I might find. By then, you'd gone on with your life and I didn't want to think about you loving someone else. I wanted to remember us like we were that summer. I didn't ever want to lose that."
- Nicholas Sparks (The Notebook)
🔸🔸🔸
That was the summer I turned eighteen. The year, Claire and I turned eighteen dahil ilang araw lang ang pagitan ng birthday namin.
That summer was one of the most memorable ones. Umuwi si Jake para sa birthday party ni Claire. Hindi namin expected na makakapunta pa siya dahil busy rin ito sa pag-aaral niya sa Amerika. Hindi naman kasi pareho ang summer doon at dito sa Pilipinas. But since it was spring over the states, nakauwi ito dahil sa isang linggong break nito sa school. I know it was a big sacrifice for him. Nagta-trabaho rin kasi ito habang nag-aaral. Ang sabi niya, ganoon daw talaga sa Amerika. Halos lahat may trabaho kahit nag-aaral pa. Alam kong pinag-ipunan pa ni Jake ang ticket niya para makauwi. Kahit pa mabait ang stepfather nito, knowing Jake, he'd never ask for too much. Bata pa lang ito ay independent na ito. Maybe growing up and having raised by a single mom was one the reasons.
Mula sa bintana ng kwarto ko ay nakakita ako ng spot ng ilaw na mula sa baba. Para bang galing sa flashlight na sinasadyang ipatama sa bintana ng kwarto ko.
There I saw him.
Hindi naman ako nagkamali ng dumungaw ako sa bintana. Halos alas-onse na ng gabi at hindi ako makatulog. Katatapos lang kasi namin mamasyal kasama si Claire. Nilibre kami ni Jake ng ticket sa sine kaya nanuod kaming tatlo. Matapos noon ay naghapunan kami kasama ni mama at papa sa isang kainan sa bayan. Unlike Claire, I didn't asked for a birthday party. It's not because Claire already had one. Kahit dati pa naman hindi na iyon ang gusto kong pag celebrate ng birthday habang si Claire naman ay matagal na iyong pangarap. And she's beyond beautiful that night. Lahat masaya noong gabing iyon. I think that was one of the memorable parties I've ever been into.
I gave Claire a book. Wuthering Heights iyon ni Emily Brőnte na nakita ko sa isang bookstore sa Maynila. Claire and I are into books. Pero mas mahilig magbasa si Claire. Kahit anong genre yata ng novels ay hilig niyang basahin. And she can spend solid two hours, reading.
"Thank you, Gabby!" Agad niya akong niyakap ng makita niya ang regalo ko sa kanya. Nang iabot naman nito ang regalo niya sa akin, pareho kami ng naging reaksyon. Isang customized journal ang ibinigay niya sa akin. Sa aming dalawa naman, ako ang may pagka mahilig sa diary. Gustong-gusto ko kasing nare-record 'yung mga espesyal na araw o kahit 'yung mga simpleng araw lang. Kapag binabasa ko nga 'yung lumang mga journals and diaries ko, napapangiti ako. It's like talking to a much younger version of myself.
Maliban sa libreng ticket ni Jake sa movie house noong araw na iyon, wala na siyang ibang ibinigay sa akin. During Claire's party, binigyan niya ito ng charm bracelet. Tuwang tuwa si Claire at halos araw-araw niyang suot ang nasabing bracelet. Hindi na rin naman ako nag-expect na may ibibigay ito sa akin. Okay na sa'kin 'yung kasama ko ang pamilya ko, at silang dalawa ni Claire sa birthday ko. That's my ideal birthday celebration, at nangyari naman kaya masayang masaya ako.
Nang makita ko si Jake sa labas ng bahay namin ay agad akong bumaba mula sa kwarto at sinalubong ito sa labas. Mahimbing na rin ang tulog noon nila Mama at Papa at hindi na nila ako napansing lumabas pa ng bahay.
Neither of us spoke. Tumingin ako sa paligid, wondering if he's with Claire, pero wala ito. He went just himself.
I initiated a smile, and as far as I can remember nakita ko itong ngumiti pabalik sa'kin. Although tipid ito, napakalma nito ang anumang kaba sa dibdib ko ng gabing iyon. Simula kasi ng mag-dalaga kami ni Claire hindi ko alam kung bakit parang mas naging awkward ang pakiramdam ko tuwing malapit si Jake sa'kin.
BINABASA MO ANG
We'll Always Have Summer (WAHS #1)
AcakThree Old Friends. Secrets. Revelations. Forgiveness. One Summer. [Cover design by @Risingflare]