Chapter 09

7.8K 150 8
                                    

Chapter 09

Habang nag-sho-shower si Giyu ay nilagyan ko ng dalawang malaking gagamba ang closet niya. I'm still not over from him yet.

I know he's afraid of spiders.

So let's see.

Muli akong pumasok sa kwarto ko para maglagay ng make-up. Pakinig kong lumabas na si Giyu mula sa shower kaya pinabayaan ko lang siya.

Once I'm done doing my makeup, tinungo ko ang sala at doon naupo, hinihintay si Giyu na makatapos magbihis.

"Anong oras kita susunduin?" Napalingon ako sa likod ko nang may isang lalaking nagsalita. It's Giyu, buttoning his upper uniform one by one.

Nagtaka ako. Haven't he met the spiders? Tinaguan na kaya siya ng mga 'yon? O baka iyong mga gagamba ang natakot sa kaniya?

"After class na lang ulit." sagot ko.

"Fuck!"

I flinched when Giyu suddenly shouted. Muntik nang tumalbog ang puso ko sa lakas niyon.

"Fuck! Fuck! Fuck! What the hell is this?! Oh shit! Fuck!" Para siyang naging kiti-kiti habang kinakapa-kapa ang kaniyang damit. Nang mapagtanto niya kung ano ang gumagapang sa loob ng kaniyang uniform, bigla siyang namutla.

He struggled in his uniform. Sa sobrang taranta niya ay hindi niya na malaman kung paano niya huhubarin ang uniform.

Nakatakip ako sa aking bibig habang pinapanood siya. Kaagad akong tinawag ng aking konsensya. Sa sobrang putla niya ay halos maging kulay ube na ang kaniyang mukha.

I stood up to help him but that's the exact time he had already taken off his uniform.

Mabilis at mabigat ang kaniyang paghinga at bakas na bakas sa kaniyang mukha ang takot.

"What the fuck! What the fuck! I almost died! Fuck!" Giyu shouted habang pinapagpagan ang buo niyang katawan na parang diring-diri siya.

Maputla pa rin ang kanyang mga labi.

Awang ang aking bibig. Guiltiness spread in my chest even more as I stared at him taking back his normal breathing. He's so spooked.

"I-I'm sorry." I whispered.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko habang siya ay nagpapagpag ng damit at katawan. Nag-spray pa siya ng alcohol. The fear he has is still visible on his face.

Lalong tumubo ang guilt sa dibdib ko.

"I'm sorry..."

Saglit niya akong sinulyapan at umiling.

"No. Why are you saying sorry—Wait..." Natigilan siya sa pag-pagpag ng kaniyang damit at napatitig sa akin. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Did you really just? No. It can't be. You can't do that to me." Umiiling na sabi niya at naupo sa couch para bumawi ng hangin.

"I inserted it there. I'm sorry. I...I didn't know you'd be this dangerously scared of spiders." I apologized.

His face turned blank. Para bang hindi siya makapaniwala sa aking inamin.

Naupo ako sa tabi niya pero umurong siya palayo sa akin.

"I'm sorry..."

"What the fuck, Narra?! H-How could you do that?" He heaved a sigh. "No. I know you. You can't do this. You can't trigger my phobia."

"I'm...I'm really sorry."

"Did you really put it there?" Buntong-hininga ni Giyu. He sounded so stressed.

Always In A Pickle (San Lorenzo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon