Chapter 24

4.7K 82 10
                                    

Chapter 24

"Lolotenant!"

"Apooo!"

Masiglang sinalubong ni Lieutenant si Dreyse sa oras na makarating kami sa mansion matapos naming manggaling sa hospital. Bibong-bibo namang nagmano ang unico hijo ko sa kaniya.

"Adi! Slow down!" sigaw ko dahil mabato ang daan pababa.

He didn't listen to me. Instead, he rushed down the road as he reached for his lolo's hand.

Tuwang-tuwa naman si Lieutenant at agad na binuhat ang anak ko. My seven year old baby boy still loves to be treated as a baby. He wants to be spoiled by so much attention.

In order to survive life and provide my child's needs, while Giyu's still in a coma, I had already got my seafarer's book and already had my numerous job aboard. Hindi ko na rin mabilang sa kamay kung naka-ilang sampa na ako at kung anu-anong bansa na ang mga napuntahan ko. Mostly, the Caribbean.

I hired Giyu his personal caregiver habang wala ako. And then after my disembarkation, ako na ang nagbabantay at nag-aalaga muli sa kaniya.

I didn't use Giyu's savings served for his future kids. Whether we're married or not, I know I have the right to spend some for Adi, since he's his kid, pero ni piso ay hindi ko iyon binawasan. Sa halip, pinagpatuloy ko ang pinag-iipunan at pag-iipon niya.

I kept his wallet after the incident. I know how important it is to him. Ibabalik ko na lang kapag...nagising na siya.

I helped mommy prepared our lunch. Tulad ng dati, sa kabisera nakaupo si Lieutenant, sa magkabilang gilid niya ay ako at si Adi, iyong dating pwesto ni Giyu, sa tabi ko naman ay si mommy.

"Kumusta ang asawa mo, hija?" Lieutenant asked, biting on his meat.

Sinulyapan ko muna si Adi na siyang seryosong kumakagat sa hotdog bago ko siya sagutin. "Gano'n pa rin po." And then we exchanged sad smiles.

He sliced his meat again and shook his head. "Kapag iyong batang 'yon nagising ngayong taon, sagot ko na ang magarbong kasalanan niyo!" ani Lieutenant, sinusubukang pagaanin ang usapan.

Napangiti na lang ako.

"Sana nga po..."

"Anong sana! Magigising at sisigla ulit 'yon! Susundan niyo pa 'tong panganay niyo." Biro niya sabay gulo sa buhok ni Dreyse.

"Oo nga...Para hindi na maging malungkutin itong apo ko sa tuwing sumasampa ka ng barko, Evony." sambit ni mommy.

Tumawa at napanguso ako. "Gigising po talaga 'yon. Pangarap niya ang sampung anak. Isa pa lang ang nagagawa namin. Marami-rami pang kulang."

Humalakhak silang dalawa samantalang si Adi naman ay nananatiling kunot ang noo. That creased forehead is either...he didn't understand the joke, or he just didn't find it funny.

"Malapit na palang matapos ang Hunyo, paano pala sa susunod na buwan? Sasampa ka ba ulit?" tanong ni mommy.

I instantly looked at my son because I knew he heard it. And when I finally brought my eyes to his seat, nahuli kong nakatingin na rin pala siya sa akin. He's looking up to me, with furrowed brows, pleading eyes, upper lip tucked into its lower.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya, pero hinuli niya ang mga mata ko, habang nakapaskil ang napaka-amo niyang mukha.

"Mommy..." he called. His voice seemed to cry.

Parang natunaw ang puso ko.

"Come here..." I straightened my arms, inviting him to sit on my lap. Kagat ko ang aking pang-ibabang labi upang hindi ako mapangiti.

Always In A Pickle (San Lorenzo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon