Kabanata 41

19 0 0
                                    

Marahang umiihip ang simoy ng hangin habang ako ay nakaupo sa gilid ng bintana rito sa kwarto ko, nakapatay ang ilaw dito sa kwarto ko habang ang ilaw sa kalsada ang nagsisilbing ilaw upang makita ko ang kalsada nang mabuti. Sa gilid ng kalsada ay ang hacienda at ilang mga palay na hindi ko masyadong makita mabuti dahil madilim, walang ilaw.

Nakaupo ako sa bintana habang pinagmamasdan ang tahimik kapaligiran sa lalim ng gabi. Sa kadiliman ng kalangitan ay naroon ang nag-iisang buwan kasama ang kay raming hindi mabilang na mga bituin.

Hating-gabi na ngunit hindi ako makatulog dahil sa rami ng bumabagabag sa isipan ko. Posible bang malaman niya ang totoong dahilan kung bakit ko mas pinili kong makipaghiwalay sa kaniya kaysa ang makasama siya?

Paano kung malaman niya? No, the question is---paano kung alam na niya? He's not dumb to realized some things; what does that mean?

Nanatili akong nakatanaw sa aking bintana habang marahang sinisayaw ng hangin ang buhok kong maikli. Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng tainga ko, ang bangs ko ay hinawi ko rin sa gilid ko.

Nakailang beses ko nang tinatanong sa isipan ko kung bakit pa nagtagpo ang landas namin ngayong wala naman na kaming koneksyon sa isa't isa.

Sa gitna ng pag-iisip tungkol sa ilang mga bagay ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko kaya't napatingin ako roon nang ilang sandali bago tumayo at naglakad papunta roon.

"Liana? Apo? Gising ka pa?" Narinig ko ang boses ni Lolo Cesar na kumakatok bago ko tuluyang buksan.

Nakita ko si lolo sa harapan ko nang buksan ko ang pinto, nakasuot siya ng terno na kulay puting panjama na ang cute tingnan. Ngumiti ako kay lolo ngunit pilit na ngiti lamang iyon dahil may mga bagay na sadyang hindi pa rin maalis sa aking isipan hanggang ngayon.

"Bakit po, 'lo?" Tanong ko.

"Bakit hindi ka pa natutulog, apo? Malalim na ang gabi." Hindi sinagot ng lolo ko ang tanong ko noong makita ang pilit kong ngiti.

Bukas pa ang ilaw sa may hagdanan kaya ngayon ay maliwanag na. Ang kwarto ni Daphne ay nasa harapan ko lang habang ang kwartong katabi ng aking kwarto ay guest room hanggang ngayon, ang kwarto ni lolo ay nasa dulong bahagi na nakaharap sa pasilyo ang pintuan.

"Marami lang pong naiisip." Sambit ko sabay tawa nang bahagya upang malaman niyang ayos lang ako.

Nakita ko ang itsura ni lolo na sinusuri ang reaksyon ko bago muling magsalita, "Katulad ng pag-ibig? O trabaho?" Usisa pa niya.

Natawa ako sa pagiging mausisa ni lolo tungkol sa mga bagay na naiisip ko. Palagi namang ganiyan si lolo.

Sa aming magpipinsan, si Ate Riana ang paborito niya dahil raw siya ang pinaka-unang apo ni lolo sa magkakapatid na sina dad. Ngunit si lola naman, ang paborito niya raw ay si Andricia pati ako dahil kami ang palagi niyang binabantayan noon kasi si Ate Riana ay palaging kasama noon ni lolo sa mall para mag-bonding, kami naman ni Andricia ay tumutulong kay lola ng kung ano ang gusto niyang gawin.

"Both." Nakaramdam ako ng kirot mula sa puso ko nang sagutin ko iyon ngunit hindi ko ipinahalata sa ekspresyon ng mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit ko nasagot na pati ang pag-ibig ay iniisip ko dahil kung tutuosin ay ilang taon na ang nakalipas matapos ng mga pangyayaring iyon pero ngayong nagkita ulit kami, pakiramdam ko ay sariwa pa rin ang mga alaalang iyon.

I thought I've already moved on?

"Iyan pa rin ba ang lalaking sinasabi ng iyong ama sa akin noon, hija?" Tanong ni lolo sabay hakbang papunta sa loob ng kwarto ko, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa maupo siya sa isang silya malapit sa bintang inuupuan ko kanina.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon