Chapter 1: Goodbyes and Welcomes

33 4 0
                                    

GIOVANNI CHANCE'S POV:






Having a friend who's mad at your entire gender is not easy. Lahat ng lalaki sa school ay kung hindi n'ya iignorahin at susungitan, ay nilalait naman n'ya. 

"Ang pangit mo masyado. Hinding-hindi kita papatulan. Nakakadiri!" masungit at nandidiring saad ni Athena sa lalaking umamin sa kanya na crush s'ya nito.

Hindi na bago pa ang ganitong kaganapan para sa'kin. Elementary pa lang kami at kasalukuyang grade 6 na ngunit ang mga nag-confess kay Athena ay hindi na mabilang pa sa mga daliri ko sa kamay at paa.

Masungit man at bastos ang bunganga ay hindi napigilan nun ang ilan sa mga kalalakihan naming kaklase at ka-eskwela ang magkagusto kay Athena.

Sumisip ako sa zest-o na aking hawak habang nanunuod sa dalawa. Nasanay na lang ako na ganito lagi ang ganap. Araw-araw ay may umaamin kay Athena at araw-araw din ay may nire-reject s'ya at nilalait.

Hindi naman palaging ganito si Athena. Kung hindi mo s'ya lalapitan at kakausapin ay hindi ka naman n'ya aanuhin. Wala s'yang pakealam. Kaya mas mabuti pang huwag s'yang lapitan.

"Kung makapagsalita ka akala mo naman sobrang ganda mo! Eh ang itim mo nga!" pasinghal na sagot ng lalaking humarang kay Athena. Tumaas ang kaliwa kong kilay habang sumisipsip pa rin.

Suminghal si Athena at tinawanan lang ang lalaki. "Matapos mong sabihin na ang ganda-ganda ko at may gusto ka sa'kin ay bigla mo 'kong sasabihan ng ganyan?" sarkastikong sagot ng babae.

"Lumaki kasi bigla ang ulo mo! Hindi ka naman talaga maganda!" pasinghal na sagot ng lalaki.

"For your information, dumbass, maganda ako. Ano mang kulay ang meron ako, maganda ako." mariing sagot ni Athena at nag-crossed arms. "At iba ang maitim sa morena kaya isaksak mo 'yan sa kokote mo! Bago ka lumandi ng kaklase, mag-aral ka muna!" 

Umalis kami ni Athena matapos n'yang bitawan ang mga salitang yun. Ramdam ko ang pagkainis n'ya sa lalaki habang naglalakad kami palayo.

"Oh. Zest-o. Palamig ka muna." alok ko kay Athena. Kinuha n'ya ang zest-o na kanina ko pa iniinom at sumipsip dun.

"Peste. Ano bang nagustuhan mo sa Kaleb na yun?" iritang tanong ni Athena at hinawi pa ang kanyang buhok.

Nagkibit-balikat ako. "Gwapo s'ya eh." tugon ko at ngumiti habang pumipikit-pikit.

Umawang ang labi n'ya at pinakita ang pandidiri sa muka n'ya. Pinigilan ko ang pagtawa. "Gwapo na 'yon sa'yo? Jusko ang pangit kaya non! Bulag ka ba?" hindi talaga makapaniwalang aniya.

Hindi ko na napigilan ang matawa. "Totoo naman ang sinasabi ko ah? Gwapo kaya si Kaleb." sagot ko at tumingin na sa dinaraanan.

Hindi ako nagbibiro. Totoong gwapo si Kaleb. Ang apo ng may ari ng eskwelahang pinapasukan namin. Maputi ito at chinito. Matangos ang ilong at namumula-mula pa ang mga labi. Sa ganitong edad ay lumalabas na ang pagiging gwapo n'ya.

'Pa'no pa kaya pag tumuntong na kami ng highschool 'di ba?'

"Hindi ako naga-gwapuhan sa kanya." pasaring nitong saad. Bumaling ako sa kanya. Tumaas ang kilay ko ng makita ko s'yang singkit-matang nakatingin sa'kin.

"Kung tutuusin ay mas gwapo ka pa nga." sagot nito at umiling-iling. Natigilan ako sa narinig. Nanatili sa kanya ang tingin ko habang s'ya ay muling itinapat sa labi ang straw ng hawak na zest-o.

"Kaso bading ka nga pala. Sayang." dugtong nito at saka sumipsip sa straw at naglakad na paalis.

Naiwan akong nakatayo habang pino-proseso ng utak ang kanyang sinabi. Inipit ko ang aking labi ng maramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Pinigilan ko ang pag ngiti.

OPERATION: Fixing the Gay's Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon