ARTEMIS EMBER'S POV:
"Congratulations, Artemis Ember Gavione. You are chosen by the team captain and the team coach to play alongside the Red Ember's team. Please come to the sports gymnasium of Crawford University at exactly 7am on Saturday. There will be a practice match to test your ability and skills to choose which position will be the best to place you in. Thank you for applying. And again, congratulations and welcome to the team." mahinang pagbasa ko sa natanggap na sulat galing sa CFU na pinag-enroll-an ko.
Humikab ako at tiniklop muli ang papel. Isinilid ko yun sa envelope at nilagay sa study table at nagkibit-balikat. Alam ko naman na na matatanggap ako. Hindi na 'ko nagulat pa.
'Mas magugulat ako kung hindi ako matatanggap. Ako na 'to eh.'
Kinuha ko ang marker sa pen organizer na nasa table at sinulatan ang calendar na naka-display sa dingding. Nilagay ko dun ang pagtanggap sa'kin at pati na rin ang araw ng pagpasok namin.
I'm an organized person. I hate it when things are complicated and not in their right places. I also hate messy places and what I really hate the most are garbage that is not in the trash.
'Just like the stupid person that bumped into me when I'm peacefully walking.'
Pinilig ko ang aking ulo para alisin sa isip ang alaalang yun. Trashes shouldn't be remembered and they shouldn't be place in any parts of my brain.
Matapos ang ginagawa ay dumeretso ako sa banyo upang maligo. Mas mabuti pang mag-practice ako para sa gaganaping match sa Sabado kaysa sa tumunganga maghapon sa kwarto.
Dala ang phone ay nagpatugtog ako sa loob ng banyo para mas ma-enjoy ko ang pagsha-shower. I love it when I'm alone. Well, as a matter of fact, I have no choice either but to be alone. No one wants me. No one cares about me. No one wants to be with someone who's apathetic.
'Just like what they say.'
30 minutes had passed when I go out of the bathroom. Kaagad akong dumeretso sa labas dala ang phone at volleyball at dumeretso sa backyard ng bahay para doon maglaro.
Bago lumabas ay tumingin akong muli sa loob. Bumuntong hininga ako at napailing ng makitang walang tao.
"Maglalaro muna 'ko sa likod-bahay, ma." paalam ko. Mahina akong natawa at napailing sa ginawa.
'What's the point of telling it to your mom when she's not even here, Artemis?'
Ni-toss ko na lang sa ere ang bola habang naglalakad patungo sa likod-bahay. Sinimulan ko ang pagpa-practice ng mag-isa at nang mapagod ay muli akong naupo sa swing na nandito at doon nagpahinga.
Nilabas ko ang phone ko at ni-connect yun sa wi-fi. Binuksan ko ang fb account kong walang kalaman-laman bukod sa mga shared post kong laging tugma sa nararamdaman ko.
Kakaunti lang din ang friends ko sa fb dahil hindi naman ako mahilig mag-friend request at kaunti lang ang nagse-send ng friend request sa'kin.
Sabagay. Kagagawa ko lang naman kasi ng fb account ko. Para naman masubukan kong muli ang pakikipag-socialize sa mga tao.
'Kahit pa ilang beses akong ni-reject ng mga 'yon.'
Kumunot ang noo ko ng bumungad sa'kin ang isang friend request ng pangalang pamilyar sa'kin. Tinagilid ko ang aking ulo dahil sa pagtataka at saka pinindot ang profile picture ng babae.
'Athena Crimson'
Yun lang ang pangalan na nakalagay. Tinignan ko ang profile picture n'ya at bumungad sa'kin ang picture n'ya na may hawak na bola ng volleyball. Ang cover photo naman nito ay ang buong pamilya n'ya.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Fixing the Gay's Broken Heart
RomanceGiovanni Chance Carter is the gay manager of Red Ember's volleyball team. Even though he's gay, his insanely beautiful face can make you fall. Aside from that, he's also a loving and caring friend who's willing to do everything just for his friend. ...