Part 1

40 2 0
                                    

"Ana ano ba ilibing mo na yang si cheese". Iritang sabi ni tori.  "ikaw kaya mamatayan ng alagang aso na halos limang taon mong nakasama di ka kaya mag iiyak tignan lang natin". Bulyaw ko naman sa kanya. Di mapalid ng pagkairita ni tori at ng kung ano mang itsura ko ngayon ang aking mga luha habang hawak hawak ko ang bangkay ng alaga kong si cheese. Isang pure Labrador breed si cheese. Unique si cheese kasi mala yellow na may pagka brown ang kulay ng kayang balahibo na hawig sa kulay ng keso. Nag iisa lang sya ika nga ng may-ari ng nanay ni cheese eh baka may biological defect si cheese dahil wala pa sa naresearch niya sa mga series ng pure breed Labrador ang may ganoong kulay, kaya nang sinabi nyang ibebenta nya ng mura ay sinunanggaban ko na agad si cheese. Halos limang taon kong nakasama si cheese. Di ko mawari pero parang matagal na kaming konektado sa isat-isa at dahil don ni minsan ay hindi nagging wild na aso si cheese. Sa lahat ng pinagdadaanan ko sa buhay, lagging nandyan si cheese mapamasaya man oh malungkot na bahagi ng aking buhay. Ako nga pala si ana oh ana bella abrieba Conrad. Oo sosyal na pangalan, parang pang mayaman sa tunog at haba, pero hindi nman kami talaga mayaman eh. Nakatira kami sa isang  subdivision ditto sa maynila. At ang kanina pang naiiritang babaeng kasama ko ay si tori or dianatori Conrad. Pinsan ko si tori at oo mayaman na pangalan pero totoong mayaman sina tori. Magkapatid ang tatay naming dalawa at ngayo'y third year student kaming pereho sa parehong paaralan rin. "ana, wag kanang maghagulhol dyan, may naipon akong pera mula sa mga bigay ni papa, bilihan nalang kita ng bagong tuta, matapos lang tong pagka o.a mo". Wika ni tori na hawak parin ang pala na pinagbungkal naming ng lupa kung saan ililibing si cheese. "oo sandali lang" mahina kong wika. Patuloy parin ang pag gulong ng mga luha sa aking mga mata. Daig pa ng pinagsakluban ng langit at lupa ang sakit na nararamdman ko ngayon. Kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ay mahinang kong binigkas "makikilala ko rin ang nakabangga sayo cheese at sigurado akong magbabayad siya ng malaki sinusumpa ko". Matapos kong mabigkas iyon ay biglang nangisay ang bangkay ni cheese at napalitan ng itim ang kulay ng kayang mga balahibo. Hindi ko mawari at mukhang natakot narin si tori kaya inilatag ko nalang ang bangkay ni cheese sa binungkal naming lupa at tinabunan ito.

"nakita mo ba yun ana?" ang mejo in shock pa na tanong ni tori. "oo naman ako kaya may hawak sa kanya" sagot ko naman habang pinupunasan ang mga mata ng luha at naglalakad pa-uwi.  Hindi na umimik pa si tori. Hindi ko rin maipaliwanang sa sarili ko kung ano ang nangyari kay cheese at bakit biglang nagiba ang kulay ng kanyang balahibo. Inisip ko nalang na marahil dahil sa totoong may biological defect talaga si cheese at kulay itim talaga ang kulay nya na lumabas lang ng huminto na sa pagtibok ang puso niya.

3:00 am feb 8

Ilaw. Maliwanag na ilaw ang papalapit at papalapit sa aking. Bakit ang liwanag ng ilaw?Nasaan ako?Anong nangyayari?Blaaaaagggg.Ano toh? Bat masakit ang katawan ko? Isang lalake nakacheckered na polo. Sino sya?... isang malalim na hininga ang gumising sa akin. Di ko mawari ang panaginip na yun. Parang totoo, parang nangyari na. di kaya mamamatay ako sa isang aksidente?. Hinagkan ko ang sarili at pinahiran ang mga butyl ng pawis na pumupuno sa aking nuo. Madilim pa ang kwarto ko dahil kaka-alas tres palang ng madaling araw. Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. Pilit kong winawaksi sa aking isipan ang panaginip nay un.

Kinabukasan sa school. "ana!" tawag sakin ni tori sa may pantry ng aming school. "oh ano nakaisip ka na ba kung anong tuta ang bibilhin mo? May naipon akong 50k last month sa baon ko share ko nalang yun sayo" turing ni tori sa akin. "hmmm, wala pa tori tsaka wag na ipon mo yun eh di naman sa aking yun" nahihiya kong sabi kay tori. "nako ngayon kappa nahiya at sa akin pa, alam mo naming wala din akong paggastuhan nang perang yun. Pero sige kung may naisipan kanang breed ng aso eh sabihin mo lang at susubukan nating maghanap kung may nagbebenta" wika ni tori. Tama naman sya di naman talaga nya kailangan ang pera dahil marami na sya nun. Tumango nalang ako sa kanya. "ui ana, kita mo yun" ngumuso si tori patungo sa isang gwapong lalaking tila kanina pa nakatitig sa amin. Nang nilinga ko naman ang tingin ko sa lalake eh ngumiti ito. Parang namula ang pisngi ko at  binaba ko ang tingin sa aking paanan habang nalalakad sa pila para umorder ng lunch. "si byrone yun, fourth year high school, sabi nila maangas daw at mayabang kasi may kotse at kung sino sinong mga high school student na babae ang sinasakay, at tingin ko nakuha mo ang kanyang atensyon ana." Mahabang bulong ni tori sa akin. At dahil sa mga sinabi niyang iyon at tuluyan na akong namula na parang hinog na sili. "nako tigilan mo ako tori, alam mo naman ang attitude ko patungkol sa mga mayayabang nay an." Sita ko sa kanya, pero di ko maiwasang itago ang pamumula sa kabila non. Totoong gwapo si byrone. Maliban sa mala-anghel na mukha eh varsity din sya ng basketball team kaya maipagyayabang din naman nya ang kanyang katawan. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit ako namumula habang nakatitig sya sa akin. Langya talaga tong mga ugat ko sa katawan, di ata alam ang word na discreet at proud pang ine-expose ang sarili nila. At unti unti ay papalapit na si byrone. Shit anong gagawin ko. At biglang "miss ok ka lang? baka pumutok ka na, ang pula mo kasi  eh tinitignan palang kita nyan ahh pano nalang kung hinalikan na kita." Sabay labas ng mapuputing pantay na mga ngiping sumisilab sa matamis nyang ngiti. Haaaayyyy gwapo nga, yun nga lang mayabang. "as far as my knowledge is concern, there are a lot of ways that our blood vessels reacts, it dilates due to numerous reason leaving a person tinge in redness. Mine on the other hand, mr. ggss, is far more reasonable than the thought of you staring blankly at me. Sa ngayon kasi itong pamumula ko ay tumawid na sa pagkahiya patungo sa pagkakulo ng dugo ko sayo. And attraction to you did not even cross my single sided sane mind. Thank you and if you excused me I will need to take my order for lunch." At sa hinabahaba ng litany ko at naiwang nakatanga si byrone at nakanganga naman si tori. Sa lahat ng ayaw ko ay yung pinapahiya ako sa harap ng maraming tao kaya yan ang nararapat sayo mr. ggss. Isang maliit na ngiti ang puminta sa aking muka at umorder nako at hinila si tori papunta sa aming table.  Grabeh naman yun ana, pati ako dumugo ang ilong, but, anyways gutom na ako at tila ginutom ka ni mr. hot and spicy, kaya kain na tayo" wika ni tori. Tinignan ko sya ng matalim, yung tingin na nagsasabing tigilan moko oh makakatikim Karin. Nagpeace sign naman si tori. Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula na kaming kumain. Pero di ko maiwasang mapasulyap kay byrone na ngayon ay nakaupo na kasama nang mga ilang kalalakihan. Iniripan ko siya ng mahuli kong nakatitig rin siya sa akin at ngumingiti. Hay buhay, bat ba kasi ako maganda, ang nasabi ko nalang sa sarili ko na nagpapula na naman sa akin, buti nalang busy sa pagkain si tori hehehe.

Memories of the heart  My petTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon