Part 2

13 2 0
                                    

3:00 am feb 9

Ilaw. Maliwanag na ilaw?.Ano to?Nasaan ako?Teka, bahay namin yan ahhh?May paparating. Kelangan kong tumakbo. Kotse! BS...9.00?plate number ba yun?..... blaaaaaggggg! Lalaking naka checkered ng pula. Bakit nya ako hinihila?Anong nangyayari?San moko dadalhin? Waaaaaggggg!!!!!

Nagising akong pawisan na naman. Di ko mawari kung ano ang ibig sabihin ng mga panaginip kong iyon. Pangalawang beses na ito ah. Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig sa may kusina. Habang ninanamnam ko ang lamig ng tubig sa aking lalamunan, tumindig ang aking balahibo. Tila may nagmamasid sa akin mula sa kadiliman ng aming sala. Isang divider lang kasi ang namamagitan sa sala naming at kusina. Dahan dahan akong lumingon. Tanging ang liwanag lang ng ref ang nagsisilbing ilaw ko sa madilim naming kusina. Sumambalot sa buo kong katawan ang takot na ngayon ko lang naramdaman, dahil di naman talaga ako takot kahit mag-isa ako sa bahay. Ngunit ng nilingon ko ay wala namang tao tanging madilim na bahagi ng sala at hagdan ang naroroon. Bigla akong binalot ng kalungkutan. Naalala kong tuwing nagigising ako ng madaling araw para uminom ng tubig ay lagging kasama ko si cheese at lagi lang syang nakatanaw sa likuran ko na tila binabantayan ang mga kilos ko kaya kahit kalian hindi ako natakot na mag-isa sa bahay dahil lagi ko syang kasama. "cheese, salamat sa patuloy na pagtupad ng mga bagay na nakasanayan ko nang ginagawa mo, pero nasa kabilang buhay kana mas maiging magpahinga kana ng matiwasay." Alam kong para akong loka loka na kinakausap ang hangin, pero alam ko rin sa sarili kong naririto parin si cheese at naririnig parin nya ako. Nang matapos kong banggitin iyon ay isang malamig na hangin ang humaplos sa aking mukha. At saglit tumulo ang aking mga luha.

Kinaumagahan sa school ay tulala ako. Di maiwaksi sa isip ko ang mga panaginip na yon. Alam kong hindi ako yung nakahandusay sa daan sa harap ng bahay naming. Tila mga ala-ala iyon ng isang yumao.Pero sino? Nagtungo ako sa library ng school para magresearch ng mga aksidenteng naganap sa harap ng mismong address ng bahay naming. Sa kasamaang palad wala ni isang aksidente ang naiulat na nangyari doon. Iniisip ko kasi nab aka isa itong senyales na kailangan ko sundin, yung tila  Isang x files na wala paring kalutasan dahil Malaya parin ang salarin at dahil ako lang naman madalas ang tao sa bahay kaya naisipan ng kaluluwa na ibahagi sa akin ang mejo malabong parte ng kanyang memory. Mejo matagal narin akong nakatunganga sa computer hinahanap ang sagot ng biglang, "hi!, miss anatomy expert! Skin blashing red as I look!" sabay labas na naman ng kayang ngiting nakakasabog ng underwear! Take note hindi lang panty pati bra ko ay sasabog na sa mga ngiting yon. Kaso ang di ko maintindihan eh kung tatawa ba ako oh maiinis ako dahil sa pinaalala na naman nya ang nangyari kahapon. Ngunit mas nanaig ang maliit na guhit ng ngiti sa aking mukha. "hindi ko alam kung sinasadya mo bang patawanin ako sa sinabi mo oh inisin ako sa pagkayabang mo" mejo patawa kong sabi sa kanya habang nililingon ko siya. Hay si mr. almost perfect tanggalin lang ang yabang. Seryoso naman nya akong tinitigan na parang nagtataka. " ah eh sabi kasi ng mga kasama ko yun daw ang English ng  hi! Miss anatomy expert na nagbablush kapang tinitignan ko". At kasabay ng pagtapos niya ng salita ay pagbulwak ng malutong kong tawa. Yun din perpekto sana kaso mayabang na mejo nagkulang pa sa sustansya ang utak. Mula sa tinging pagkalito ay ngumiti sya na nagpatigil sa aking halakhak. "ang ganda mo talaga, lalo na pagnakangiti at tumatawa" mahina nyang usal sa aking. Hay kung ganito ba naman ka boy next door look ang seryosong bibigkas ng mga salitang yun eh manunuyo talaga ang mga pretty girls like me. Nginitian ko nalang sya " mas prefer ko ang crimson as shade of red para idescribed ang pamumula ko" mahina kong sabi. Lumawak ang ngiti niya na tila nasisinagan ng pag-asa.habang pabalik ako sa computer ay kumuha naman sya ng upuan at tumabi narin sa akin. "so, miss ana expert, who's skin flushed in glorious crimson whenever my gaze meet your's, are we good now?" tanong nya na nagpagulat sa akin. Tinignan ko sya at nagpapacute parin si mokong. Tila tinamaan ata toh ng kapangyarihang pula ng aking inner venus. Ok tanggalin ang kulang na sustansya sa utak, tong utak nito sigurado akong lagging busog sa nutrisyon. "yup ok na tayo" sagot ko sa kanya na lalong nagpangisi sa mokong. " nadala mo ako sa pag-arte mo kanina eh" sagot ko na nakangiti narin. Ewan ko  ba alam ko naman mula pa kahapon, alam kong makakagaanan ko ito ng loob. At simula noon ay nabuo ang mahabang usapan ng pagpapakilala at mga masasayang biruan. Matapos ang bawat subject ay lumalabas ako at sinasama si tori para Makita si Byrone kasama naman ang bestfriend nyang si eli na feeling ko eh nagkakamabutihan na sila ni tori. At ganun lang ang set up.

Masaya ako sa mga nangyayari dahil sa kaunaunahang pagkakataon eh may isang taong nagpaparamdam sa akin ng ganitong pagkakilig. Lumabas din ang pagkagentleman ni byrone. Kung ganon lang din naman sana sya nung umpisa eh di ko kelangan magtaray. Araw-araw ay masaya akong pumapasok sa school dahil alam kong magkikita na naman kami ni byrone. Nagging maayos ang pag-aaral ko dahil sa inspirasyon kong tila nakatatak sa lahat subject kaya lagi dapat akong magpaimpress. Masaya ako sa umaga pero hindi parin ako tinatantanan ng mga panaginip ko tungkol sa isang aksidente. At sa paglalim ng pagtingin ko kay byrone ay ganoon din ang pagklaro ng mga pangyayari sa aking panaginip. 

Memories of the heart  My petTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon