Part 4

9 2 0
                                    

Feb 14

7pm

Nasa harap ako ng salamin. As usual wala sina mama at papa dahil kailangan mag-over time ng dalawa. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Ibang-iba sa dating ana na kilala ko ang nakatingin sa akin sa salamin. Isang babaeng nakasuot ng pulang tube gown at high heels velvet shoes. Pula rin ang nail polish at lipstick. Nag-ayos ako para sa gabing ito na matagal ko nang hinihintay. Ang gabing magkakaron ako ng tatawaging boyfriend. Matagal na rin akong nakatitig sa salamin ng biglang nagring ang door bell namin. Isang maliit na guhit ng ngiti ang puminta sa aking mukha. "hi gorgeous!" bungad agad ni byrone ngunit napahinto ito at nakangangang nakatingin sa akin. Namula naman ako sa bungad nya pero ang pinakarason ng aking pamumula ay ang kanyang itsura ngayon. Napakapormal at napakagwapo nya nka fit tux coat sya at dark maong na pinares sa leather shoes. Di ko alam kung sino nag-suggest ng sinuot nya pero bumagay ang wierd na outfit sa kanya. "tara na" nahihiya kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at kinuha ang aking mga kamay at hinalikan ito. Mainit ang kanyang mga labi na halos nagpatunaw sakin. Nakarating na nga kami sa highschool ball namin and i think proud na proud si byrone na ako ang kasama nya sa gabing ito. Matapos ang kainan at maikling program ay nagsimula na ang sayawan. Siyempre nanduon lang din si tori kadate si eli. Di ko maitatanggi na gwapo din ang date ni tori pero syempre dapat gwapo sya kasi super ganda naman talaga ng pinsan ko kahit mejo loka loka naipagmamayabang naman talaga siya eh. Nasa lahi talaga naming ang mejo kulot, matangos ang ilong at namumula na pisngi kaso si tori mas pinili nyang magpaikli ng buhok. After the loud group dance music nagsimula nang humina ang tugtog. Nagpaalam muna ako kay byrone na uupo muna kasi napagod ako sa kakasayaw at talon sa dance floor.typical lang talaga ang set up ng gym ng school namin for this romantic valentine ball. Kumuha lang ng maiinom si byrone, habang hinihintay ko sya ay nakaupo naman ako sa table namin. Iba ang feeling ko ngayon parang may kung ano sa pakiramdam ko, tila lagging may nakamasid sa mga galaw ko. Sinubukan kong ilingon ang aking ulo para pagmasdan ang buong gym ngunit wala namang kakaiba typical na red designed curtains, may mga konteng nakasabit mula sa top structures ng gym. The place is nothing but romantic, too romantic if I may say it.dumating na si byrone na dala ang isang glass ng juice. Nginitian ko lang siya at kinuha ang juice. "you are so pretty, ana, para kang dyosang nangaakit sa mga mata ko. I can't even take my eyes out of you. It seems you capture me with your glamour and beauty. You are indeed a goddess tonight." Kita sa mata ni byrone ang paghanga at sinseridad sa pagbikas ng bawat salitang yun. "ikaw talaga lakas mong mambola" ang nahihiyang sambit ko. "no i'm not kidding, I'm just too happy that you accepted me as your date today, napakasaya ko." Ngumiti siya dahandahang hinawakan ang pisngi ko at inilapat ko naman ang aking mukha sa malambot nyang mga palad at nakangiting hinagkan ko si Byrone. Habang nakayakap kay Byrone ay naidilat ko ang aking mga mata at isang nakakakilabot na imahe ni alex sa may harap ng pintuan ng cr ang aking nakita. Duguan ang mukha na tila sumisigaw pero walang boses. Bigla akong napakalas sa pagkakayakap kay byrone. "ok ka lang?" tanong nya na may pag-aalala. "ah eh oo ok lang ako, tara na alis na tayo mejo ayoko na ditto malalim narin kasi ang gabi. Kung ok lang sayo magsarili nalang tayo" sabi kong nakangiti sa kanya. Nakangiting parang gago si byrone. Alam ko ang nasa isip nya sa ngayon at ngumiti nalang din ako pabalik sa kanya.

"san mo ba gustong pumunta?" tanong nya di parin natatanggal ang kanyang mga ngiti. Hay naaalala ko tuloy si batman ni agnes kasi magkamukha sila lalo na pagtumatawa. "dun tayo sa may dating lumang tulay malapit sa subdivision namin gusto ko kasing umupo muna dun at pagmasdan ang ilog. Sabi kasi nila mahiwaga ang ilog nayun lalo na pagvalentines." Nakangiti ko ring sagot sa kanya. "huh? Eh diba sarado na ang daanan dun kasi ang dami nang naaksidente dun at nalunod malalim kasi ang ilog dun at wala pang safety rails ang gilid ng tulay."ang mejo taka nyang tanong. "ok lang yun di naman tayo magtatagal at saka talagang maaaksidente ka kapag di ka nagingat." Ang nasabi ko nalang habang binigyan siya ng malagkit na tingin. "sige, masusunod ang prinsesa ko" nakangiti nyang sabi. "wag. Wag mo akong tawaging prinsesa ayoko."mahina kong sabi habang nakaderetso lang ang tingin sa daan. "ok.." ang nasabi nalang nya na may pagtataka. Nang makarating kami sa may dulo ng daan ay agad akong bumaba para buksan ang malaking gate na nakaharang. Makikitang abandunado na ang kalsada at wala nang dumadaan ditto dahil narin sa mga babalang nakalagay na natabunan narin ng mga kumakalat na wild na mga damo. Nang mabuksan ko na ang gate ay pinaandar naman na ni byrone ang kanyang kotse at nagpark sa gitna ng tulay. Umupo ako sa may gilid nito at tumabi naman sakin si byrone. Mejo nagdadalawang isip pa ito dahil abot na ng aking paa ang tubig ng ilog. "mukhang napakataas na ng tubig ahh dati kasi parang may bato pa akong nakikita ditto siguro may mga walong metro mula sa ilalim papunta ditto sa taas, di ko alam na ganito na ito kataas ngayon abot na ng mga paa natin ang lalim ng tubig. At tila naabot din ng tubig ang tulay dahil sa mga kalawang nito na kakaiba." Ang nasambit nya habang nakahawak sa mga bakal ng tulay. "alam mo ba dati akong naglalaro ditto kami ni tori at ng mga kababata namin. Minsan nga nahulog pa yung doll ko sa tubig buti nalang at sinagip ito ni alex. Iyak ako ng iyak kasi natatakot akong mawala rin pati si alex sa tubig. Ngunit ng umahon si alex kasama ang doll ko eh di ko maiwasang humagulhol at pukpukin si alex sa ginawa nya. Pero hinayaan lang nya ako at bagkus ay niyakap nya ako at binulong nya na hindi nya ako iiwan kalianman." Mahina kong sambit. Tahimik lang na nakatingin at nakikinig si byrone sa kwento ko. "pero nung namatay siya, nagalit rin ako sa kanya kasi ang daya nya sabi nya walang iwanan pero iniwan rin nya ako."unti unti narin akong lumuluha. Kinuha ni byrone ang kamay ko at niyakap ako. Dama ko ang init ng yakap nya ang pintig ng kanyang puso at ang sinseridad na nangangako "hinding hindi ako tutulad sa kanya, pangako yan, mananatili ako sayo at sayo lang ana."mahigpit parin ang yakap nya habang hagod ang aking likod. Nanatili kaming nakaupo nakasandal sa kanyang balikat ang aking ulo. Tanaw naming ang kabilugan ng buwan mula sa kinauupuan naming. Habang tahimik lang kaming nakatanaw ay biglang may kinuha si byrone na singsing mula sa kanyang bulsa at sinuot ito sa aking daliri. "sana ay gawin nating opisyal ang ating relasyon ngayong gabi ana" ang mahina nyang sabi. Ngumiti lang ako at binalik ang pagkakatanday ng aking ulo sa kanyang balikat. Ngiti lang ang pumipinta sa aming mukha habang ninanamnam ang gabi. 

Memories of the heart  My petTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon