Part 3

10 2 0
                                    

3:00 am feb 11

Ilaw. Isang maliwanag na ilaw. Eto na babangga na ako sa kotse. Blaaaaggggg!!! Ang mamang nakacheckered na pula. "Puta namang aso toh oh ginasgasan pa ang kotse ko." Sabi ng lalake at madiin pang tinatadyakan ako. Naghihingalo na ako. Hinila nya ako sa tapat ng bahay namin. BSP _9000. Isang numero nalang ngunit nagpaharurot na naman ang kotse at di ko na nakita pa. Isang lalakeng nakaputi ang nakatalikod sa akin. "nasaan ako? At sino ka?" tanong ko sa kanya. Unti unting humarap ang lalake sa akin. Nabigla ako sa nakita ko. "alex!?" ang nasambit ko. Napuno ako ng lungkot ng Makita ko ang kanyang malungkot na mukha. Unti unti ay nagging aso si alex. "cheese" halos pabulong ko nang sabi. Lalapit sana ako upang yakapin si cheese ngunit bigla akong nagising. Pawisan ngunit nanaig sa akin ang kalungkutan at walang atubiling humagulhol ako ng iyak sa mga nangyari sa aking panaginip. Ilang araw na nyang pinapahiwatig pero napakatanga ko. Hindi inisip dahil naghahanap pa ako ng ibang nabangga sa harap ng bahay pero nakaligtaan ko si cheese. Ang pinakamamahal kong aso siya ang nagmamay-ari ng mga memoryang iyon. Pilit nyang hinihingi ang katarungan. At higit sa lahat si cheese at si alex ay iisa lang. At patuloy ang paghagulhol ko.

Kinabukasan ay nagpasya akong bumalik sa pinaglibingan namin kay cheese at duon ko napagtantong katabi nito ang bahay nina alex. Natatandaan ko na. "wag ka nang umiyak ana. Mas malulungkot ako sa kabilang buhay kapag nakita kitang umiiyak." Ang mahina nyang sabi. Alam kong ito na ang araw ng paglisan ni alex. Halos kinain na ng kanser ang malusog nyang pangangatawan ngunit maamo at gwapo parin ang kanyang mukha. Pinilit kong itahan ang aking sarili at pinahiran ang aking mga luha para din a mag-alala pa si alex. "magpahinga ka lang alex wag mo nang pilitin ang sarili mo ditto lang ako di kita iiwan." Mahina kong sabi sa kanya. Nasa labas pa ang mama at papa ni alex. "wag kang mag-alala rin ana, babalik ako at babantayan at sasamahan kita balang araw." At sa mga sinabi nyang iyon ay hinagkan ko sya at hinalikan ng marahan sa labi. Halik na puno ng pagmamahal, kalungkutan at pasasalamat sa mga ala-alang maiiwan nya sa akin nang humiwalay na ako ay ngumiti sya at pinikit ang kanyang mga mata.


Bumalik ako sa aking katinuan. Umuulan na kaya nagmadali akong bumalik ng bahay at nagsimula nang maghanap ng mga possibleng magmamayari ng plate number na nakita ko sa aking panaginip sa internet. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng biglang nagring ang phone ko. Si byrone tumatawag. "hi! Gusto ko lang sanang iparating sa kausap ko ngaun na namimis ko na sya kahit isang araw lang kaming hindi nagkita" Di ko parin maitangging lagging nasa tamang timing siya para pakiligin ako lalo na pag stress ako sa mga bagay bagay. "ah, well nais ring ipahiwatig ng kausap mo na namumula na naman sya sa mga sinasabi mo" nakangiti kong wika. "well, ilang araw nalang valentines day nah. Gusto sanang magrequest ng kausap mo ngaun kung pwede ban yang imbitahang maging kadate sa fare ang kausap nya ngaun?"mababakas ng ngiti  sa mga salita nya na lalong nagpakilig sa akin. "hmm sa tingin naman ng kausap mo ngayon aeh wala pa namang nakaschedule na date para sa kanya sa araw nayun kaya mukhang papayag naman siya" sabi kong nahihiya pero bakas din ang kilig. "yes! Yes! Oh guys wala tayong lakad sa 14 may date na kasi ako!! Ooohhhhhh" ang narinig ko nalang sa kabilang linya. Hay si mr. Yabang nagyayabang na naman. Napangiti nalang ako. "well, miss ganda itetext kita at susunduin sa araw nayun ok ba?" excited nyang sabi. "ok poh mr. Yabang. Sige na at busy pa ako." Sagot ko naman sa masayang tono. "sige poh ms. Ganda see you soon tandaan mo lagi ka nasa isip ko hehe babay". Hay kilig layuan mo ako. At yun nakalimutan ko na ang dapat gawin bagkus nagmadali akong pumunta kina tori para maghanap ng masusuot.

3:00 am feb 13

Nakaupo ako sa kalsada. Nasaan kaya ako? Tanong ko sa sarili ko. Isang lalaki ang nakaupo rin a may kaliwa ko at umiiyak tinatakpan ng kanyang mahahabang mga daliri ang kanyang mukha. "hi. Ano nangyari sayo?" mahina kong tanong. Mejo iba ang iyak nya may lungkot na may galit sa bawat hagulhol. Nagulat ako nang bigla syang lumingon. Isang lalaking duguan ang mukha at wala nang mga mata. "ibinigay ko na sayo ang lahat ng pwedeng ibigay ngunit ayaw mo paring maniwala!" paulit ulit nyang sigaw sa akin. "ayaw mong tanggapin na sya nga sya na nga kailangan mo syang pagbayarin nagako ka! Nagnako ka!" paulit ulit nyang sigaw ngayoy papalapit na sya sa akin nagdilim na ang paligid at pinikit ko ng maiigi ang aking mata ng biglang... "wag mong kalimutan ang sinumpa mo." Mahinang bulong nya sa tenga ko ngunit dinig na dinig ko ang malamig niyang boses na tila naggagaling sa ikalaliman ng lupa. Napuno ako ng takot at nanginig ang buo kong katawan.

Nagising akong nanginginig parin ang mga kamay. "patawad" ang nasambit ko nalang. "patawad alex"

Memories of the heart  My petTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon