Part 5 final part

10 2 0
                                    

11:50 pm

Biglang lumakas ang agos ng tubig at umabot na ito sa tulay. Nabigla kami ni byrone at dali daling tumayo at iniingatang wag madulas dahil basa na ang mga bakal ng tulay at tila isang maling hakbang ay mahuhulog kami sa rumaragasang ilog. Nang makatayo na ng maayos ay dumiretso si byrone sa kanyang sasakyan. Pinauna na nya ako sa kabilang dulo ng tulay. Mejo nahihirapan man akong tumakbo dahil narin sa agos ng tubig na umangat na sa tulay ay nagawa ko paring makatawid papunta sa kabila. Humarap ako pabalik sa kinaroroonan ni byrone. Nasaloob na sya ng kotse pero tila nahihirapan na syang paandarin ito. Ibinaba nya ang window ng sasakyan at simigaw sakin na humingi ng tulong. "hindi kita iiwan ditto" sigaw kong pabalik sa kanya. Pinilit ulit ni byrone na buksan ang makina ng sasakyan ngunit ayaw na nitong mabuksan dahil nataas narin ang tubig at napakalakas na ng agos. At sa isang iglap lang ay naitulak ng malakas na agos ng tubig ang sasakyan ni Byrone at huli na ang lahat dahil hindi na nagawa pang makalabas ni Byron sa kotse nya at naianod ito sa ilog ng pabaliktad. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil di ko inaasahang makakayang dalhin ng malakas na agos ng tubig ang isang kotse. Ngunit tinanaw ko lang ang unti unting paglunod ng sasakyan ni Byron kasama ng pagragasa ng tubig sa ilog.

12:00 am

At  tuluyan nang nawala sa tanaw ko ang sasakyan, gumuhit ang maliit na ngiti sa aking mukha. Akala ko ay hindi ko magagawa pero kinaya ko parin. Tinignan ko ang singsing na bigay ni Byrone. Tinanggal ko ito sa aking daliri at itinapon narin sa ilog. Matagal ko nang alam na rumaragasa ng ganon ka taas at kalakas ang ilog dahil ng minsang dalhin ako ni alex nung valentines day at matapos kaming magniig ay pinakita nya sa akin ang kakaibang pangyayari sa ilog kaya naman ito sinara dahil sa lakas ng agos nito at taas, ngunit ngayon ko lang ito nakita na tunay na lumamon ng sasakyan at kumitil ng buhay.

 "sa wakas ay naitupad ko rin ang pangako ko sayo alex, akala mo siguro ikaw lang ang marunong tumupad ng pangako, kaya ko rin yun" nakangiti kong sambit sa hangin. At biglang isang malamig na hangin ang yumakap sa akin sa likuran. Pinikit ko ang mga mata ko at dinamdam ang malamig nyang yakap sa kadiliman ng lugar. "alam ko namang tutupad ka sa sinumpaan mo, ang pangako ay pangako, hinding hindi kita iiwan akin ka lang prinsesa ko" nangiti ako sa sinambit nyang iyon. "oo sayong sayo lang ako alex prinsipe ko" nakangiti ako ng sinambit ko iyon sa hangin.

Ilang hakbang lang ay nakapasok na ako sa subdivision at nakarating narin sa bahay makalipas ang ilang minutong paglalakad. Kalmado at nakangiti na akong hihiga sa kama ko dahil nabigyan ko narin ng paghihiganti ang pagkamatay ni cheese. Oo si byrone ang sumagasa kay cheese, siya ang nakasuot ng pulang checkered polo at sa kanya ang plate number ng kotse nakabangga kay cheese, at ang kanyang leather shoes ang tuluyang kumitil sa buhay ni cheese ng pagsisipain niya ito ng malamang buhay pa ito. Alam kong high si byrone ng mga oras nayun di lang dahil sa panaginip ngunit dahil narin sa mga kwento ng mga babaeng nakakasama nya dahil totoong nagdadrugs si byrone. Ngayong natupad ko na ang sinumpaan ko matatahimik narin ako cheese o ALEX.    

Feb 15

"Ano ba tori dalian mo na malelate na tayo sa school." Mejo irita kong sambit kay tori. Masaya naman ang tulog ko wala na ang mga panaginip kaya maaga rin akong nagising. "sandali lang ana, ikaw naman atat na Makita ang jowa. Pero wait may gift ako sayo." Ang mejo excited namang sagot ni tori. Napalunok ako sa salitang jowa na binitiwan nya. "taraaaaannnn" sabay pakita ng isang puting pusa. "Siamese cat daw toh kaso kakaiba sa mga nagging kapatid nito kasi puti ang kulay kaya nakuha ko lang sa mas murang halaga, oh ayan para sayo" sabay abot ni tori sa akin ng maliit na pusa. Ngumiti lang ako. "salamat tori, the best ka talaga." Ang nasambit ko nalang.

Ang tunay na pag-ibig daw ay walang katapusan at kahit pa ang kapangyarihan ng kamatayan ay kayang  iwaksi ng tunay na pagmamahalan. Maari ngang pumanaw na ang taong minamahal natin ng lubos pero ang alal-alang kanilang naiwan ang syang mananatili sa atin magpakailanman.

Memories of the heart  My petTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon