Chapter Fifteen

23.2K 449 8
                                    

Bea

Pumunta agad kami sa ticket booth ng anchor's away. Dun daw kami unang sasakay para masanay daw ako sa mga rides.

Wala akong magawa kundi umupo sa pinaka dulo, mas exciting daw dun eh.

Hindi pa kami umaandar eh, nanginginig na ako sa takot.

Biglang hinawakan ni Violet ang kamay ko at tinitigan ako ng diretso sa mata.

"Trust me."

Two words lang nawala na agad ang takot ko. Oo, masyadong mabilis na magtiwala sa kanya pero mas komportable ako sa kanya.

Unti unting nag sway yung anchor. Nung mabagal pa hanggang bumilis na, napahigpit pa tuloy ang hawak ko sa kamay ni Violet. Napa-pikit na ako sa takot.

"Wag kang matakot Bea!" Sigaw ni Violet.

"Pero!"

"Trust me! Ako ang bahala sayo! Hindi kita pababayan!"

"Okay!" Sigaw ko at minulat na ang mata ko. Maganda ang view kaso medyo nakakaliyo dahil nga nagi-sway.

Mamaya pa eh, tumigil na ito. Bumaba na kami.

"Ano ayos ka lang baby?" Tanong nito at hinaplos ang pisngi ko.

Dug  dug

Napahawak ako sa dibdib ko, bumibilis na naman siya.

"Ayos ka lang ba baby? Naninikip ba ang dibdib mo?"

"Hindi Violet, ayos lang ako.."

Nabigla ako ng alisin nito ang pagkakahawak nito saakin. Tumingin ito ng seryoso sa mata ko.

"B-bakit?"

Inirapan lang ako nito at naglakad. Syempre sunduan ko naman siya.

Ano bang problema niya?

Nang makalapit na ako hinatak ko siya bigla.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sabi nito at inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.

Napakamot na lang ako sa batok, wala kasi akong kaalam alam dito eh. Yung mga past ko kasi parang flings lang..

Sinundan ko siya.. pumunta kami sa ferris wheel.

Napahinto ako.

"D-diyan tayo sasakay?"

Tumango lang 'to at bumili na ng tickets.

"Tara." Kahit ayokong sumakay dun eh, pero no choice talaga ako.

Naka-pasok na kami sa loob.. may aircon siya at fully covered.

Nang maramdaman ko ng unti unti ng gumagalaw yun eh, napa-hawak ako sa dress ko...

Ibaba na niyo ako please!

"Shhh.. tahan na."

"Tahan na?"

"Oo, umiiyak ka oh." Sabi nito at pinahid ang luha ko. Umiiyak na pala ako.

Niyakap pa ako nito ng matindi.

"I'm sorry sa inasal ko kanina baby. Ikaw kasi eh."

"Bakit ako?" Medyo hindi na ako natatakot dahil naka-titig na ako sa mga mata niya.

"Kasi.."

"Kasi ano?" Naghihintay na tanong ko. Huminga muna ito ng malalim.

"KASI HINDI MO AKO TINAWAG NA BABY!" Sigaw nito,at nagpout..

Nagpout si Violet?

"Pft.. hahahaha!" Tawa ko, kasi naman... haha.

"Tch!" Sabi nito at inalis ang pagkakayakap saakin. Nagtampo pa haha!

"Kainis!" Reklamo nito.

"Sorry na.." inirapan lang ako niti. Kailan pa 'to natutong magdrama? Haha.

"Sorry na Violet.." sinamaan ako nito ng tingin.

"Sorry na Ma'am." Parang papatayin na niya ako sa tingin haha!

"Sorry na baby ko." Saai ko at nagoacute pa haha.

"Good!" Sabi nito.

"Anong--" hindi ko na natuloy pa aag sasabihin ko dahil hinalikan na niya ako.

"I love you Bea." Ngumiti lang ako. Hindi ko pa kasi alam ang isasagot dun.


--

COMMENT. VOTE. FAN.

Read my girlxgirl one shot story.
Title : It's You

KryBer Fan fiction po yun :)

My Lesbian Boss ML#1 Series #watty2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon