Chapter 10 "kilig to the bone"

12.4K 143 14
                                    

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*

...

Tiktilaok!! Tiktilaok!! (Alarm clock)

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, ang bigat ng talukap ng mata ko parang ayaw ko pang tayo at matulog na lang muna katulad nung istudyante pa ako.. haiizzztt.. nagtatrabaho na pala ako ngayon kaya hindi pwede..

Nag-unat unat muna ako ng katawan bago tumayo na hindi nagmumulat ng mata, nakapikit akong kinuha ang towel at pumunta ng banyo. Dahil saulado ko na ang pasikot sikot dito ay hindi na ako nauuntog pa o nadadapa.

"Bwuuuuuuu!! Lamig!" Sigaw ko pa ng dumampi sa balat ko ang lamig ng tubig. Tuluyan akong nagising natatawa pa ako sa sarili ko dahil lagi ko talaga itong ginagawa tuwing maliligo ewan ko ang lamig kasi eh.. aminin niyo kahit kayo ganun din? Heheh

Matapos kong maligo ay ginawa ko na ang morning routine ko, wala na dito si Gerald alam kong nakapasok na ito dahil alas 6 ito umaalis ngayon ay 7 na pero heto at antok pa ako kakahiya naman kay Gerald di ba? Heheh anyways.. nakauniform na ako at ready ng pumasok sinigurado kong wala akong nakaligtaan dahil ayaw ko ng bumalik pa. I.D check, wallet check, susi check! Okay.. got to go..

"Ay palaka ka!!" Sigaw ko sa gulat ng makita si Shenron na nasa harap ng pinto ko.

"Sa gwapo kong to? Palaka? Heheh!" Napangiwi ang mukha ko sa sinabi niya anyways totoo naman na gwapo siya pero bakit parang ang hangin kasi masiyado kailangan bang ipangalandakan iyon? Tsssk.. kupal din tong isa to eh!

"Bakit ka andito? Naligaw ka ata!" Sabi ko pa habang nilalock ang pinto.

"Sinusundo ko lang ang baby ko!"

"Tsssk.. baby daw!" Parang wala sa sariling ulit ko bigla akong napatingin sa kaniya ng marealize ang sinabi niya.

" A-ano sabi mo? S-sino namang baby mo?" Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko para akong nahihiya tapos kinikilig hehehe.. parang tanga to!!

Heh! Tumigil ka nga ayan ka na naman! Ano laglag panty agad? Sigaw ng isip ko kaya bigla akong napatikhim. Naramdaman ko ang paglapit niya humarap siya sakin at bahagya pang yumuko ito para magpantay ang mukha namin dahil masiyado siyang matangkad. Para akong sisipunin, lalagnatin ng nilapit ang mukha niya sakin.

"Ikaw! Ikaw ang baby ko! Simula sa araw nato! Expect me to be here at this hour ako na ang magsusundo at maghahatid sayo araw araw okay?" Ipinatong niya pa ang kamay niya sa ulo ko at bahagya iyong ginulo.

"H-huh??" Tama bang narinig ko?

"Why are you doing this?" Iyon lang ang tangi kong nasabi dahil naguguluhan ako sa kaniya. Bakit naman kasi niya gagawin ang mga bagay na ganito?

"I told you i'll prove to you that i really like you! Yvonne.. i really do.." ngumiti pa siya dahilan para lalo akong mamula at hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

"Y-you're joking right?" Nauutal kong tanong dahil parang hindi na kakayanin ng puso ko ang kilig. Ito na marahil ang tinatawag nilang kilig to the bone.

"I'm not joking Yvonne, let's go?" Iniaro pa nito ang kaniyang kamay pero hindi ko iyon tinanggap sa halip ay nauna ng maglakad papuntang elevator. Nakita ko ang pag-iling niya pero nakangiti, pati ba siya kinikilig? My godness!!

Nakaharap lang ako sa pinto ng bigla akong mapasinghap ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, nanlaki ang mata ko at mabilis na lumingon sa kaniya na nakatingin din sakin na nakangisi ramdam ko na naman ang pag-init ng pisngi ko.

My Playboy Boss (Tagalog - English) UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon