CHAPTER 27"GOOD NEWS"

9K 96 1
                                    

Next update!!! Don't forget to FOLLOW me po para lagi kayong updated sa mga new chapters and novels ko po.. *^_^*


..

Nasa loob na ako ng opisina ko, hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong nagbabadya.

Kasi naman ee...

Nakakainis...

Naging ambisyosa ako masiyado...

Nangarap akong abutin ang langit gayong lupa lang ako!

Saklap di ba? Sakit sa puso!

Yvonne kunting iyak lang tapos tayo ulit okay? Kaya mo iyan! Darating din ang araw na magiging masaya ka! Babaliktad din ang mundo para sayo.

Tinapos ko na ang report ko, nakalimutan ko na nga ding kumain dahil sa nangyare pero okay lang kasi hindi na din naman ako nakaramdam ng gutom. 15 minutes na lang at kailangan ko ng ipasa ang report ko kaya mas binilisan ko pa dahil half pages na lang at pwede ko ng isave at isend ito sa email ni Mrs. Castro.

Tat.. tat.. tat.. tat... (Keyboard)

Done....

Nag-unat-unat muna ako at pinaputok ang mga daliri ko sa kamay bago iniikot ikot ang aking ulo ko. Pinaikot ikot ko din ang braso ko at nagputukan ang mga ito. Sarap sa pakiramdam.. tapos ko na din...

Pinikit ko saglit ang mata ko at bahagyang minasahe ang sintido ko, ng may kumatok ng 3 beses.

Kaya umayos ako ng upo..

"Ms. Yvonne punta ka daw ngayon sa reference room.. the meeting will start 15 minutes from now."

"Bakit?"

Kibit balikat lang siya bago sinara ang pinto.

Ano bang nangyayare sa mga tao ngayon?? Hay naku...

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin dahil baka mukha akong haggard na mamantika kulang na lang iprito. Nakakahiya iyon..

Nagpulbos muna ako at nagpahid ng kunting lipstick, nagsuklay at nagpisik ng pabango. Para hindi naman nakakahiya sa mga taong naroroon at hindi magmukhang kawawa. Tiningnan ko ang relo may 8 minutes pa ako kaya dali dali akong lumabas ng room.

Pagpasok ko napaawang ang bibig ko ng makitang kompleto na silang lahat at nakakahiya pa kasi andon ang mommy ni Shenron. Baka isipin niyang ang kupad ko at hindi ako makapasang manugang niya.. hahaha charr..

Asa pa more Yvonne...

Agad akong umupo sa vacant chair na nasa unahan sa kanan. Ang nasa front seat ay si Shenron, sa kaliwa niya ay si Sammy at ako naman sa kanan, katabi ko si Christian at sa mga sumunod na mga upuan ay ang head department at iba pang mga employee sa pinakadulo sa gitna tapat ni Shenron ay si Madam Shenel Hanson ang mommy ni Shenron.

"Okay, were complete already.. so... Pinatawag ko kayo ngayon to tell you the good news." Panimula ni Shenron, lahat kami ay nakatingin lang sa kaniya at tahimik na nakikinig sa susunod pang mga sasabihin niya.

Sinimulan niyang iscroll ang mouse at nakita namin ang mga pictures ng mga meeting nila sa iba't ibang lugar na naging successful ang pagpirma ng mga kontrata nito. Napasinghap ako ng biglang lumabas ang picture ng ginawa kong design na siyang pinagmemeetingan nila sa litrato.

Napakagat labi ako habang kinukutkot ang mga daliri ko sa kamay.

Ano kayang pinag-uusapan nila?

Hindi ko makakalimutan ang drawing na iyon dahil ang inspirasyon ko sa design na iyon ay si Shenron. Na kahit sa kunting panahon ay pinadama at pinakita niya sakin ang pagmamahal.

My Playboy Boss (Tagalog - English) UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon