SLD 9

13 4 0
                                    

Forgiveness & Blooming Friendship

Forgiveness & Blooming Friendship

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maia Ortiz POV

Ididischarge na ngayong araw ang anak kung si Jeremaiah,babayaran ko nalang sana ng installment ang bill ko sa ospital ngunit laking tuwa ko ng malamang wala na akong babayaran, pero ang pinagtataka ay bakit?? Libre ba?? May nagbayad?? Hindi ko alam.

Hindi na ako nagtanong pa at pinili na lang itikom ang bibig. Malaking biyaya ito ng Diyos at nagpapasalamat ako ng sobra doon.

Babalik na sana ako sa kwarto ng anak ko ng makita ko naman yung babae na kausap ni Jj noong isang buwan,sopistikada siya tignan at matangkad kesa sa akin at yayamanin kung tignan,di ko mawari kung ilang taong gulang na siya dahil na rin sa black mask,black shades at black cap na nakatakip sa mukha niya.

Naadmit si Jj dahil sa severe pneumonia niya. Una kong iniluwal si Jj sunod si Jerry na ang tawag ko naman ay Rr at panghuli si Mm o si Jeremmy. Nabuntis ako dahil sa isang one-night stand kasama ang isang british foreigner.

Sino kaya yung babae?? Siya kaya ang nagbayad ng bill namin sa ospital?? At kung oo bakit??

"Miss!!"tawag ko sa atensyon ng babae. Hindi siya lumingon at tuloy-tuloy parin sa paglalakad hindi siguro niya napansin ang presenya ko kanina o di kaya'y narinig man lang ako o kung narinig man niya ako siguro akala niya hindi siya ang tinatawag ko.


"Miss!"tawag ko ulit sa babae and sa pagkakataong ito ay humarap na siya sa direksyon ko. Nilapitan niya ako. Humalukipkip siya.

"Kayo po bang nagbayad ng bill ng anak kong si Jj"magalang kong tanong sa kaniya pagkalapit na pagkalapit niya sa akin.

"Ah Jj pala ang pangalan niya??"hindi sinagot ng babae ang tanong ko sa halip ay tinanong niya ako pabalik.

"Hindi po. Palayaw niya lang po yun"I smiled at her. She seem intimidating pero at the same time sweet. Kung ako parin yung dating ako siguro maiingit ako sa kanya pero iba na ako ngayon,siguro kapag naging ina ka na talaga ng tatlong anak, matututo ka na rin sa mga maling pagkakamali mo at magiging mature kana rin mag-isip sa pagtanda mo.

"Ah so what's the name of him and your two other boys' names??"mausisa niyang tanong. She seemed very fond of my kids. Hindi naman imposibleng mangyari yun dahil sa kacutetan ng mga baby ko.

"Ang pangalan ni Jj ay Jeremaiah, siya ang panganay ko at ang pinakamasakitin sa kanila at ang pangalawa naman ay ito,"turo ko sa kasama ko na si Rr"si Rr o si Jerrie at siya rin ang palasama sa'kin at ang bunso ay yung kasama ni Jj sa kwarto na si Mm o si Jeremmy na siyang pinakamalambing sa kanilang tatlong magkakapatid"kwento ko pa sa babae na ni hindi ko nga alam ang pangalan na parang matagal na kaming magkakilala. Yung para bang ang lapit-lapit at gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Napakakomportable ko sa kanya.

Tumango-tango lang naman siya sa mga sinasabi ko. I like this girl! Gusto ko siya maging kaibigan.

"Ano po palang pangalan ninyo??"hindi ko maiwasang maitanong sa babae.

She's Long Dead[Ongoing]Where stories live. Discover now