Act 2: Gained

39 4 4
                                    

Chapter 2: Gained

Kanina pa niya napapansin ang masamang tinging pinupukol sa kanila ng binatilyong nakaupo dalawang mesa ang layo mula sa kanila ng barkada niya. Hindi niya alam kung sino particular sa mga kaibigan niya ang may atraso dito dahil palipat-lipat ito ng tingin sa mga kasama niya. Palagi na silang magkakasama nila Erebus simula noong unang araw niya. Come to think of it ilang buwan na nga ba mula noon? Mag-iisang taon na sila ni Aiken sa Pilipinas and his little sister resumed living a normal life again. Normal, is that the right word to describe it? Well, Aiken is living an “extra” active life nowadays. Malayong-malayo sa kung paano ito nabubuhay noon but he sure wanted his sister living an extra active life rather than waking up each day eyes wide open and doing nothing at all. Masasabi niyang nakatulong ang bagong environment para sa kapatid niya, isa pa ay sobra-sobra ang attention na ibinibigay dito ng lolo nila. Naiisip pa din niya paminsan-minsan ang buhay nila sa London ngunit mas gusto na niya ang buhay nila ngayon. Buhay kung saan nagpapatuloy si Aiken mabuhay.

“Really Caleb, libangan mo ba ang mag-space out? Hindi ka na naman sumasali sa usapan.” Agaw ni Oliver sa atensyon niya.

“Sorry, ano na nga bang pinag-uusapan natin?”

“About you, taking a girlfriend.”

Napangiwi siya sa sagot ni Luke. “Not interested at the moment.”

His friends gave him a puzzled look but he doesn’t care at all. Mas gusto niyang ilaan ang bakanteng oras niya sa pag-aalaga kay Aiken kesa sa bigyan ng atensyon ang isang babae half heartedly. His mom wouldn’t like it kung sakaling malaman nito iyon. She taught him how to respect a girl and to never associate himself to a girl if he will just treat her as a past time.

“Are you serious? Alam mo ba kung gaano kadaming babae ang nagpapacute sayo at ipinangangalandakan ang sarili nila sayo? Dude you’re breaking their hearts.”

“It’s better to break someone else’s heart this way than leading them on to a half-hearted relationship.” Sagot niya kay Luke. Mukhang napaisip naman ang mga ito. Magsasalita pa sana si Luke but Orestes cut him off.

“Tanggapin mo na lang na hindi siya tulad mo Luke.”

“Right. Mas importante kay Caleb ang pag-aalaga kay Aiken kesa sa reputasyon niya sa mga babae.” Segunda ni Erebus sa kaibigan.

“Hey, you’re saying Aiken’s name as if you two are close.”

“E’ di sabihin mo din ang pangalan ni Aiken as if you two are close.”

“Tama na guys. Para kayong mga babae kung mag-away.” Saway ni Oliver kina Luke at Erebus.

“Eto kasing si Montero inggitero,” hirit pa ulit ni Erebus.

“Hindi ah’ I was just saying.”

“Teka nga bakit ba kayo nagtatalo? Pare-pareho lang naman tayong hindi close kay Aiken? Ni anino nga ng kapatid ni Caleb hindi pa natin nakikita,” si Oliver ulit.

“That’s what you call feeling of familiarity. Ikaw ba naman ang makapakinig ng kwento ni Caleb araw-araw tungkol kay Aiken. Nakakasawa na dahil paulit-ulit but it’s funny how I found myself listening to him as if he’s telling it for the first time,” ani Orestes.

Napangisi siya. Totoo kasi ang sinabi ng mga ito. Araw-araw ay may bago siyang kwento patungkol kay Aiken. Hindi na nga niya alam na minsan pala ay inuulit niya lang ang mga sinasabi niya but it’s just him wanted to share his little sister to his friends. Palagay niya kasi ay magiging magandang impluwensiya ang mga ito sa kapatid niya kahit pa maloko ang mga ito.

“Anyway, kanina ko pa napapansin iyong isang iyon na masamang nakatingin sa inyo.” Pasimple niyang tinuro ang direksyo ng binatilyo sa pangatlong lamesa mula sa kinaroroonan nila. “Sino sa inyo ang may atraso sa kanya?”

Sabay-sabay na nagtaas ng kamay ang tatlo maliban kay Orestes. Tinaasan niya ng kilay ang mga ito silently asking them what they did.

“We picked a fight. Samir fought us but in the end we didn’t gain his friendship. We actually made an enemy in him.”

“Akala ko hindi ka kasali?” tanong niya kay Orestes. “I swear you four are all a bunch of brats. Kailangan talagang makipagbugbugan muna sa inyo bago nyo’ maging kaibigan?” Umiiling-iling na sabi niya.

“We told you, we just wanted to make sure na kaya kaming sabayan ng kakaibiganin namin. Personally, I don’t want a coward for a friend,” katwiran ni Oliver.

“Making friends in a harmless way is not cowardice.”

“But it sure is girly,” sagot agad ni Luke.

Hindi niya alam kung matatawa siya sa mga ito. “Huwag mo na lang pagtuunan ng pansin si Samir. He actually is a problem child. May warning na siya dahil sa dami ng trouble na pinasukan niya. Wala siyang pinipiling…ahm bugbugin irregardless of age,” sabi sa kanya ni Erebus.

“Hindi nyo ba naisip na baka kayo ang dahilan kung bakit siya naging kung ano siya ngayon?” tanong niya sa mga ito.

“Hindi ah,” sabay-sabay ang pag-iling at pagtutol ng apat.

“Sige nga kailan siya nagsimula ng trouble?”

Napa-isip ulit ang mga ito. “Ngayong naitanong mo yan,” pagsisimula ni Erebus. “Diba madalas tayong hamunin ni Samir noong first year pa tayo? Weeks after ng unang engkwentro natin sa kanya,” pagtatapos nito sa tanong habang nakatingin kay Oliver.

“Tama at lagi ko siyang napapatumba,” pagyayabang ni Oliver na sinabayan pa nito ng pagtawa.

Lumipad ang kamay ni Orestes papunta sa ulo ni Oliver.

“Aray! Bakit mo ako binatukan? Naghahanap ka ba ng away?”

“Engot, para mo nang inamin na kasalanan mo nga ang pagiging troublemaker ni Samir.”

Tumango si Erebus at Luke. “Tama, kasalanan mo nga.” Sabi pa ni Luke.

“Kasalanan ko? Sinong lumapit sa girlfriend ni Samir at nasapak dahil nahuling nakikipaglandian sa nasabing babae? Mind you, I save your flirty ass that time,” depensa ni Oliver sa sarili. “At sinong humamon ng suntukan sa barkada ni Samir, on our first summer here in this school dahil lang nasanggi siya at nasampal ng babae dahil napagkamalang manyak?” dagdag pa nito habang nagpalit-palit ng tingin sa dalawa.

“May nakalimutan ka!” sabat agad ni Luke.

“Don’t you dare say it.” Babala ni Orestes dito.

“Thanks for reminding me,” Oliver smugly turn his eyes on Orestes.

“I think I don’t need a lot of evidences para patunayan na kasalanan nyo nga kung bakit nagkaganun si Samir.”

“Hindi siya magiging troublemaker if he got over it,” si Orestes ulit.

“Unfortunately, hindi siya yung tipong madaling makaget-over and I believe na hindi nyo siya pagbabalakan na maging kaibigan if you took him as easy as that.”

Binalikan niya ng tingin si Samir and he was not surprise to see the guy looking directly at him. Tinapunan na din siya nito ng masamang tingin kagaya ng ibinibigay nito sa mga kaibigan niya. He secretly smile to himself. It’s just how he wants it. It took him months before he found someone worthy for his future plans. Pasimple niyang sinuri si Samir and he victoriously smile ng makuntento siya sa iniisip niyang klase ng pagkatao nito. He just hope that he’s making a good impression on him.

Adventures of Crosse BanditsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon