Act 3: Concede

34 4 2
                                    

Charter 3:

He’s never been tired of sending his deadly glares to them. Magiging masaya pa siya kung mamasamain iyon ng grupo nila Oliver at hahamunin siya. Come to think of it, wala pa silang official “session” para sa taong ito. Lahat ng bungguan nila ay lagi siyang natatalo ni Oliver and every time it happens he was more eager to get even. Ito at ang grupo ng mga ito ang sumira sa reputasyon niya from the start and he’s really looking forward to that day na mabawi niya iyon. There’s always been that need. The strong need to get back at them.

Natigil siya sa pag-iisip ng sipain ni Rash ang binti niya sa ilalim ng mesa. “Remember you only have one chance. Blew it and you’ll be expelled.”

“Did I ever tell you that I don’t give a damn?”

Nagkibit balikat si Rash at ibinalik na ulit ang atensyon sa gadget nito para i-test ang bagong game na ginawa ni Vins. Tama, he only got one chance, one last chance para bumawi sa grupo ni Oliver and when that happens sisiguraduhin niya na mananalo siya.  Now, he just have to wait for them to start it. Babawi siya but he will never initiate the fight this time. Hihintayin niyang ang mga ito ang magsimula.

“Napansin mo yung bagong miyembro ng grupo nila? Siya yata yung transfer student from London.” Natuon ang pansin niya sa binatilyong tinutukoy ni Vins.

“I think he’s good, unlike his friends. He’s just a little, I don’t know, weird. A little mysterious too,” komento ni Rash.

“What do you mean?” tanong niya.

“He’s so nice. Lahat ng lalapitan niya hindi pwedeng hindi siya pupuriin for being so nice. Lagi din siyang nakangiti that it makes him very accommodative. Ilang beses na din kaming nag-tie sa total score sa major exams natin. He’s smart but he never boasts about it. Imean kung titingnan mo siya you will think that he’s just a normal nice guy.”

“Dude, weird ka na ba ngayon kapag mataas ang scores mo sa exam? Baka threatened ka lang para sa academic standing mo?” nanunuyang tanong ni Vins sa kaibigan nila.

“This is not about me. Makinig ka muna kasi sa sasabihin ko bago ka magreact. Why don’t you ask Stone? Tutal sila ang neighbors. Ask for his opinion.”

Itinaas ni Vins ang dalawang kamay nito tanda ng pagsuko at saka bumaling kay Stone na noon ay abala sa pagbabasa.

Sa kanilang apat ay si Vins ang pinaka-straight forward. Actually, hindi niya alam kung paano niya naging kaibigan ang tulad nina Stone, Vins, at Rash. Someone like him is better off of them. Better say, someone like them is better off of him. Kung iisipin kasi, Stone is a role model for peace and order. Kahit pa laging blanko ng expression ang mukha nito, he learned that Stone is a good guy. His so tender and caring, something he is not. Si Vins naman ay isang computer geek. Sa murang edad nito ay kung ano-anong games at computer softwares na ang nagawa nito. Palpak ang iba sa mga iyon but he’s still learning and he thinks Vins is getting good at it. Pangarap nitong gumawa ng games na maeenjoy ng lahat. Hindi naman nalalayo si Rash kay Vins at Stone. Rash is a genius. Simula grade school ay nasa honor list na ito. Hindi lang basta sa honor list but on top of it. Kahit pa maloko ito ay sigurado naman na hindi ito mimintis sa kahit anong academic subject nila.

Alam niyang itituturing siyang masamang impluwensiya ng marami. Estudyante, teacher, parents, lahat ng nakakaalam ng mga ginagawa niya, they all treat him as trash. A douche bag or whatever in that category. They never understand him. He just fight for what he believes is right. Wala siyang pakiaalam kung sa masama or sa mabuting paraan pa niya gawin iyon. Ayaw lang niya ng naargabyado siya or kahit na sinong pinahahalagahan niya.

“Nothing is weird about him. He knows how to fight and manage to defeat Oliver and his friends. Nakita ko kung pano niya napatumba yung apat na yun, the day he transfer here. Other than that, napansin ko lang na nag-iiba ang reaksyon niya when it comes to his little sister,” wika ni Stone habang nakatuon pa din ang pansin sa binabasa nitong libro.

Adventures of Crosse BanditsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon