Chapter 5: Changed
May silent war sa pagitan nina Samir at Stone. He appreciates the quietness of his friends pero hindi kapag alam niyang hindi magkasundo ang mga ito. Gaya ng sinabi ni Stone kahapon bago nito tawagan si Mrs. Stiles na mayordoma sa kabilang bahay, hindi nga nito ginawa ang napag-usapan. Sa halip na ipatawag nito si Caleb upang lumayo sa kapatid nito ay sinabi nito na dalhin ang telepono kung nasaan ang magkapatid. Bukod pa roon ay sinabi din nito na nakasilip sila mula sa bintana ng silid nito at hinihintay na lumingon ang kapatid ng binata upang mabistahan nila. Asar na asar si Samir kahapon pagbalik ni Stone ng silid nito habang kausap pa din si Caleb.
Ang mas nakakagulat ay magkasabay na pumasok sa paaralan sina Stone at Caleb na para bang matagal ng magkakilala ang mga ito. Binaha din ng pagtataka at pagkabigla ang mukha nina Oliver na tiyempo namang napatingin sa entrance ng school, lalo na ng magbungguan ng kamao ang dalawa bago pumunta sa kanya-kanyang grupo ang mga ito.
“So ano na’ng plano mo ngayon?” tanong niya kay Samir na naglalaro ng temple run sa tablet niya.
Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalaro. Binalingan niya si Rash ngunit busy din ito sa binabasa mula sa notebook nito. Si Stone naman ay makadikit na naman ang mga mata sa libro nito. Alam niya na hindi magpapaistorbo ang mga kaibigan niya at masasayang lamang ang laway niya sa pagsasalita kaya nanahimik na lamang siya. Pero kapag tumahimik naman siya, mapapanisan siya ng laway at magiging bad breath siya. He heave a sigh. Kinuha niya ang iPhone sa bulsa at ipinasak sa tainga niya ng mga earphones na nakakabit doon. Soundtrip nalang. Kapag nakatulog naman siya ay tiyak na gigisingin siya ng mga ito.
Pumailanlang ang intro ng masiglang kanta ng Maroon 5 at imbes na antukin siya ay lalo siyang nagising. Maya-maya pa ay pasimple ng umiindak ang katawan niya habang nakaupo. Walang tigil sa paggalaw ang mga paa at ulo niya na nagsusu-sway pakaliwa at kanan.
“Just shoot for the stars, if it feels right!” todo sa pag-awit na simula niya.
Hindi na niya napansin na tumigil sa kanya-kanyang ginagawa ang mga kaibigan niya. Kanya-kanyang hagis ng matalim na tingin ang mga ito sa kanya ngunit wala siyang pakialam.
"You wanted control so we waited. I put on a show. Now I make it, you say I'm a kid, my ego is big."
“Stop it Vins. Sintunado ka! Mahiya ka naman,” sigaw ni Rash sa kanya na pilit tinatapatan ang malakas niyang pagkanta.
Pasipol-sipol pa siya at nagkunwari hindi ito naririnig. “And it goes like this. Take me by the tongue and I’ll know you,” awit niya.
Hindi pa siya nasiyahan. Tumayo siya at at sinabayan niya ng paggiling ng kanyang balakang ang pagkanta na siyang ikinatawa ng mga kaibigan niya.
“I’ve got the mo-hu-u-hu-u-hu-huves like jagger,” awit niya sa parte kung saan mahaba ang pagbigkas sa salitang ‘moves’.
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa hanggang sa matapos ang awitin. Nang magsimula ang bridge ng kanta na kinanta ng sikat na singer na si Christina Aguilera ay walang pakialam na inawit niya iyon at pilit inabot ang matataas na key at kulot na parte ng kanta. Tumayo siya at sinabayan pa iyon ng pagsayaw.
“I don't need to try to control you. Look into my eyes and I'll own you, with the moves like Jagger, I've got the moves like Jagger, I’ve got the mo-hu-u-hu-u-hu-huves like jagger,”
Inalis niya ang earphones sa tainga at saka nag-bow sa mga audiences niya. “Thank you. Thank you,” wika niya sabay bow sa harapan ng kanyang manonood. “Gusto nyo pa ba?”
“Heh! Tumigil ka na. Kung katulad mo ang lahat ng entertainers malamang na matututong mag-ipon ang marami kesa magsayang ng pera sa panonood sayo,” pintas sa kanya ni Samir.
BINABASA MO ANG
Adventures of Crosse Bandits
PertualanganA story about egos, punches, flying kicks, black eyes, swollen nose, and bruises. The story begins when the characters are on their teenage years. Few of them knew each other since childhood while some just meet each other since their Junior High Sc...