Act 4b: Sneak

31 4 5
                                    

Chapter 4b: Sneak

“Man! Konti na lang makikita na natin yung itsura niya eh,” reklamo ni Rash.

 “Sabi ko na sa inyo. Hindi niya hahayaan na makita ng kahit na sino ang itsura ng kapatid niya,” wika ni Stone habang nakahiga sa kama nito at nakapatong ang ulo sa kamay nito. “It’s always like that.”

 Umupo siya paharap dito. Binabasa na naman nito ang libro nito na kumplikado para sa kanya. Sa tuwina ay libro ang kaharap nito at kung hindi lang siya sanay sa ugali nito ay malamang na napikon na siya sa hindi nito pagpapakita ng interest. Kailan kaya mahihiwalay ang mga mata nito sa libro?

“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya dito. “Sinasabi mo bang alam ni London boy na tinitiktikan natin siya?”

 “I believe so,” maikling sagot nito.

 “Alam niya na nakasilip tayo using your telescope?” pagkumpirma ni Vinson.

 Tumango ito sa kanila. Muli ay gusto na namang uminit ng ulo niya.

 “And your proof to that is?” sansala naman ni Rash.

 Umayos sa pagkakahiga si Stone. Tumagilid ito turning his back on them.

 “The girl is sitting on the opposite side of him while he is facing in our way. He holds her face when she was about to look this way and then smile sheepishly na para bang nang-aasar siya. That always happen kapag nakasilip ako sa bakuran nila.”

 “Alam mo naman palang alam na ni London boy na tinitiktikan natin siya bakit hindi mo sinabi?” Napatayo siya sa kinauupuan.

 “You didn’t ask. Malay ko bang hindi nyo mapapansin na alam na ni Caleb.”

 Napabuga ng hangin si Rash at napasuntok naman sa hangin si Vinson. Umalis ang mga ito sa tabi ng telescope at naupo sa kama.

 “You know dude, if I am just like Samir, kanina pa siguro kita nabigyan ng isa. Man, hindi mo man lang sinabi na nagsasayang lang kami ng oras sa ginagawa namin,” sabi ni Rash dito.

 “Yeah bro, hindi ko alam kung papalakpakan ba kita o maiinis ako sayo. You really got us there.”

 “I know you better than that Vins. You will just let it slide. At isa pa sinabi ko naman sa inyo na nagsasayang lang kayo ng panahon ah. Don’t blame it on me.”

 “Sinabi mo kung kelan huli na ang lahat!” paratang niya kay Stone. Nagkibit balikat lamang ito at itinuloy ang nauudlot na pagbabasa. Natahimik silang apat. All he was asking is just one peak at hindi mangyayari iyon kung hindi mawawala si Caleb sa tabi ng kapatid nito.

 “Aha!” bulalas niya. “Alam mo bang phone number nila?” direktang tanong niya kay Stone.

 “My mom might know. Close sila ng mayordoma ni Mr. Ledesma.”

 Ngumisi siya. “That’s good. Here’s what I want you to do.”

 Ipinaliwanag niya sa mga ito ang naisip niyang plano upang mapaalis si London boy sa tabi ng kapatid nito. Nang matapos siya ay tumayo si Stone upang gawin ang ipinapagawa niya dito. Nagtaka siya ng tumigil ito sa tapat ng pinto.

 “Naisip ko lang,” wika nito habang hawak ang nakabukas na pinto. “Anong gagawin mo kung sakaling makita mo nga ang itsura ng kapatid niya?”

 Natigilan siya. Ano nga bang gagawin niya? Naisip na niya ang sagot sa tanong na iyon kanina habang nasa cafeteria.

 “Anong gagawin mo kung sakaling may diperensiya nga siya? Are you going to use her para matalo si Oliver or perhaps para hindi makialam sa away ninyo si Caleb?” Napatingin siya dito. Bakit parang bigla na lamang ay nang-uuya ang tinig ni Stone? Masama ba kung gamitin niya ang batang babae laban sa kuya nito? Nakarinig siya ng malakas na tawa sa kanyang isip.

 You already know the answer to that. Bulong pa ng isip niya. Okay, masama na siya kung masama, everyboyd knows that.

 “At kayong dalawa, huwag ninyong sabihing hahayaan ninyo lang si Sam sa mga balak niya? Paano kapag naghamon na naman ng away iyan? Akala ko ba hindi natin dapat hayaan na ma-expel siya?” baling ni Stone kina Vins at Rash. Kung naiba-iba lang ng sitwasyon ay matatawa siya sa inaakto nito. Stone is supposed to be like a stone. Cold, walang pakialam sa kahit na sino at mas pinapahalagahan pa ang mga libro nito, laging close ended ang mga sinasabi. But now, he can say that he’s seeing the other side of him.

 “Back at you bro. Bakit pumayag ka na pumunta kami dito? Bakit tatawagan mo si Caleb gaya ng gusto ni Samir? Parehas lamang tayo ng katanungan para sa isa’t-isa,” balik-tanong ni Rash dito.

 “Maaring lalabas nga ako ng pintuan na ito para gawin ang sinasabi niya pero hindi kayo nakakasiguro na sasabihin ko nga ang mga bagay na gusto niyang sabihin ko.”

 “Hey mga bro chill lang. We all know why we’re here. Pare-parehas lamang tayong curious sa itsura ng kapatid ni Caleb. Samir may have another agenda regarding that but we also have our agenda regarding this whole situation. I believe we’re still doing the things we agreed upon,” saway ni Vins sa dalawa na mukhang nagkakainitan na.

 “Whatever,” lumabas na si Stone malaman upang gawin ang sinabi niya dito. Kahit may konting pagaalala siya sa sasabihin nito kay London boy ay may tiwala siya dito. Ngunit ang tanong nito sa kanya ay nanatiling nakatatak sa isip niya. For some reasons, hindi niya maalala ang naisip niyang gagawin sakaling makita niya ang itsura ng kapatid ni London boy. All that remains inside his head is London boy’s facial features haban kausap nito ang kapatid nito. Mukhang masaya naman kasi ang pinag-uusapan nito dahil nakangiti ang binata but his eyes say otherwise. That remarkable sadness is really there and damn that thing because it has the power to make him forget his plans and change his point of view regarding the man. Habang nakasilip siya sa telescope kanina ay hindi niya ito mapicture sa isip niya bilang kalaban, katunggali, or kung anoman na against sa kanya. Sa halip parang nakita niya pa ito bilang isa sa mga kaibigan niya.

 “Damn that thing.”

Adventures of Crosse BanditsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon