Chapter 2

39 1 2
                                    

Third Person's POV

(Ang hirap kapag si Jy lang.)

Nag-stay sila Samuel at Jy sa garden. Nakahiga ang ulo ni Jy sa balikat ni Samuel. Sa isip ni Samuel.

'Sana ako na lang ang minahal mo. Hindi ka magsisisi. Pangako.'

Gaya nga ng sabi ni Samuel. Umiyak si Jy. Nakatakip ng panyo ang mata ni Jy. Hindi nila alam na nakasilip pala si Blaze sa kanila. Sinundan kasi ni Blaze si Jy dahil sa pag-aalala nito. Hindi niya kaya na may mangyaring hindi maganda sa babaeng mahal niya. At dahil dun. Nalaman niya kung bakit ganun ang ikinikilos ni Jy. Nakaramdam siya ng tuwa nun. Pero nakaramdam din siya ng selos sa nakikita niya ngayon.

"Oppa... Sa tingin mo may pag-asa pa ako na mahalin niya ako???" biglang nag-salita si Jy.

"Cyanee.. Mahal kita. Matagal na. Pasensya hindi ko man lang nasabi sa iyo. Torpe kasi ako eh. Pasensya na." sabi ni Blaze.

"Hindi ko alam Baby... Hindi ko alam." sagot ni Samuel.

"Hay sabagay.... Oppa salamat talaga... Sige na alis na ako... Baka hinihintay na ako dun. Atsaka baka pagalitan ka na. Bye Oppa!" sabay tayo ni Jy sa pagkakaupo at ipinagpag ang palda.

"Hindi ko alam kung mahal ka niya. Pero ako alam ko mahal kita Jy. Mahal kita." banggit niya habang pinapanood lang ni Samuel si Jy na naglalakad palayo.

Sinusundan pa rin ni Blaze si Jy. Nakakaramdam naman si Jy kaya lingon siya ng lingon. Pero sadya nga naman. Magaling magtago si Blaze. Nung makarating na sila sa room. Sa front door pumasok si Jy samantalang sa back door naman si Blaze.

"Bebeh Ghurl... Nakita mo ba si Blaze??? May announcement kasi kami eh." sabi ni Jy kay Mau.

"Hindi ba magkasama kayo. Pero teka ano ba yang i-aannounce niyo.. Wait... Oh Em Gee!!! Tell me that what I am thinking is true!!!" sabi ni Mau sa kaibigan. May accent pa yan pero di ko mawari kung anong accent.

"Te-teka hindi yang iniisip mo." pagtatanggi ni Jy. Alam kasi ni Jy na ang iniisip ni Mau. Ay yung sila na ni Blaze. As if naman na i-aannounce niya pa yun.

"Ahh... Sayang!!! Akala ko naman yun na." sabi ni Mau.

"Uhm... Excuse me... Jy pwede ba na makausap ka sandali." singit bigla naman ni Blaze.

"Ah.. Sige.." pag-payag ni Jy.

"Yung walang tao. Pwede ba???" sasabihin na kasi sana ni Blaze ang nararamdaman niya. Ayaw na kasi niyang makita si Jy na nasasaktan. Gusto niya na maging masaya na ito sa piling niya.

"Huwag na... Dito na lang tayo... Tutal naman yung pag-uusapan natin is about sa pag-grugrupo lang di ba. Kaya dito na lang tayo. Tsaka nahihilo pa rin ako." sabi ni Jy. Masakit ang ulo niya dahil sa pagpipigil ng luha kanina.

"Ah sige..." yun na lang ang naisagot ni Blaze. Umupo siya sa tabi ni Jy. Nagsimula na silang magdiscuss ng mga group members. Nagsama sa iisang grupo si Jy, Mau, Blaze, Vinci, Travis, Matt, Dria at Ruby. Ayaw sana ni Jy na makasama sa iisang group si Blaze. Pero pinilit pa rin ni Mau si Jy.

Sinabi na rin nila ang mga members ng bawat grupo. Mangyari naman. Habang nagkwekwentuhan si Jy at Mau. Tumugtog naman ng gitara sila Vinci, Travis at Blaze. Maganda na sana ang mood ni Jy kaso nga lang dumikit kay Blaze si Laura.

"Tss... Ayan na naman siya bebeh ghurl." sabi ni Mau sa kaibigan.

"Hayaan mo na bebeh ghurl." kahit na alam ni Jy na inis siya.

"Blaze. Turuan mo naman ako niyan." rinig na rinig ni Jy ang pagsabi nito ni Laura.

"Ah... Ano kasi... Kay Vinci ka na lang magpaturo. Mas magaling siya." sabi ni Blaze. Teka bakit ganun??? Bakit hindi niya tinuruan si Laura. Hindi ba kalat sa section namin na crush niya si Laura. And once na may hinging favor sayo ang crush mo. You can't never resist it, right?

Hindi Pwede!!! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon