Chapter 4

21 1 0
                                    

Blaze's POV

Kinakabahan ako kahit alam kong okay naman daw. Pero kasi si tito. Baka ayaw niya pa na magkarelasyon si Jy.

"Mama! Andito na po ako!" sigaw niya habang papasok. Lumabas yung mama niya. Galing ata ng kitchen nila.

"Oh may kasama ka pala. Kayo lang ba dalawa?" parang kinikilig si tita.

"Gandang hapon po tita." bati ko.

"Kami lang ma." sabi naman ni Jy.

"Ohhh... Teka..." napatigil si tita at nakatingin ata siya sa kamay namin.

"Magka-holding hands kayo? So it means..." tanong ni tita na parang excited. Ang cute ng mama niya magreact.

"Opo tita..." sabi ko at tinaas ko yung kamay naming dalawa sabay ngiti ko.

Bakit ba? Eh sa proud ako na siya ang girlfriend ko!

Nagulat ako kasi inakap kami ni tita.

"I'm so happy! Finally naging kayo rin! Your papa would be so happy! Akala nga namin it will take you a lot of time para ligawan ang baby namin! Kailan ka nga pala nagpaalam sa amin na gusto mo ligawan ang baby namin?" sabi ni tita. mukha namang nagulat dun si Cyanee. Humingi na kasi ako ng permiso sa kanila nung nakaraang nakaraang linggo. Nung time na yun kasi nagpunta kami dito sa kanila for no reasons. Timing naman kasi andun sila tito at tita.

"Last last week pa po. Ngayon lang po ako nagkaroon ng courage. Sorry po kung natagalan." excuse ko at paghingi ng pasensya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Binigyan niya ako ng tingin na nagsasabing 'i-explain mo sa akin yan'. Nginitian ko na lang siya.

"Okay lang yun! Atleast naging kayo na rin!" tuwang tuwa sabi ni tita.

"O siya maupo muna kayo dun. Kukuha ako ng meryenda niyo." sabi ni tita kauya umupo naman kami sa sofa nila.

"Moon... So it means may balak ka na talaga?" tanong niya sa akin

"Oo... Kaso hindi ko naman matuloy tuloy kasi nga busy tayo kaya ayun natagalan tuloy." sagot ko naman.

"Grabe ka! Sinabi mo na pala kanila mama! Hindi ko man lang nahalata yun." amaze na amaze na sabi niya.

"Eh magaling sila tita magtago ng secret." sagot ko ng nakangiti.

"Ang galing niyo talaga!" sigaw niya. ang saya saya niya.

"Kayo na?" si kuya Vil. Vil Chlorid at Dim Chrome ang mga kuya niya. Bunso kasi si Moon ko. 3 silang magkakapatid. Nag-iisang babae siya.

"Opo kuya Vil." sagot ko kay kuya Vil. Umupo naman siya sa isa sa mga upuan.

"Malas mo naman Blaze!." sigaw ni kuya Vil. ang kulit talaga ni kuya Vil.

Jy's POV

Ang sama talaga ni kuya Vil! Kainis siya! Ito namang si Moon, ngumingiti lang!

"Ang sama mo talaga kuya!" sigaw ko sa kaniya. Si kuya Vil naman tawa lang ng tawa.

"Ano yung narinig ko? May girlfriend na si Blaze?" biglang may nagsalita.

Buti na lang dumating na si kuya Dim. Yehey! May kakampi na ako!

"Oo kuya! Mag-on na yung dalawa. Ang malas nga ni Blaze eh." sabi naman ni kuya Vil. sarap batukan ni kuya! Kuya Dim depensahan mo naman ako.

"Wag ka naman ganyan Vil. Hindi naman malas si Blaze." tumabi sa akin si kuya Dim. Thank you kuya!

"Napaka malas niyan! Magiging under ka jan." pinalo ko nga ng malakas si kuya.

"Tignan mo! Namamalo! Magiging buttered boyfriend ka." pang-aasar ni kuya. loko din tong si kuya Dim! Si Moon naman tawa lang ng tawa!

Hindi Pwede!!! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon