(A very short story)
Napaka bilis ng sinasakyang kong Dyip. Ako nalang ang nag iisang pasahero, na nakaupo sa bandang dulo nito.
Kanina pa ako sa nakasakay at hawak hawak ang aking Cellphone, ni hindi ko pinapansin ang mga nakababa na o ang mga naka nakatabi ko sa Dyip na iyon.
...nang bigla kong naalala na hindi pa ako nakaka bayad ng pamasahe at hindi ko pa nasasabi kung saan ako pupunta.
Nagtataka rin ako kung bakit hindi ako tinatanong o pinagsasabihan man lang ng Drayber.
Tumingin ako sa aming dinadaan, pero hindi ko na alam kung nasaan na ako.
Patuloy lang sa pag harurot ng Dyip ang Drayber. Ni hindi ko siya kayang tingnan dahil takot na takot at nanginginig na ako.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, ang tanging nagawa ko lang ay ang magdasal.
Habang nakayuko ay nilakasan ko ang loob ko na makapag salita sa hindi ko pa nakikitang Drayber.
Itinaas ko ang aking ulo ...
"Manong! Patigilin mo na to, gusto ko nang umuwi!"
Tumigil ang napaka bilis na Dyip at tinignan ako ng Drayber mula sa kanyang inuupuan.
"Ay, sorry ate, natatakot na kasi ako kaya ako nagmamadali. Kanina pa kasi kita tinitignan, wala ka kasing ulo sa salamin."
.............