A Very Short Story
Alas-dose na ng gabi ng ako'y humiga. Hawak ko ang aking cellphone nang bigla akong tinawag ng aking anak mula sa kanyang kwarto.
"Daddy!"
It's 12 midnight already, bakit pa 'yun gising?
pagtataka ko.Tumayo ako sa aking kinahihigaan at mabilis na lumabas ng kwarto upang puntahan ang aking anak.
Pagpasok ko sa kanyang kwarto, siya ay nakaupo sa kanyang kama, at nakabalot sa kanyang katawan ang kanyang kumot.
"Yes Jay, Why are you still awake? What do you need?" pagaalalang tanong ko.
"Ama, mayroon pong halimaw sa ilalim ng aking higaan" seryosong pagsabi nya.
"What? Ok, l'll check it"
May halong pagtataka.Lumuhod ako at itinaas ang cover na nakalaylay sa kanyang kama upang silipin ang ilalim nito.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko muli ang aking anak. Nakahiga ito, nakayakap sa kanyang sarili, nanginginig at bumubulong sa akin.
"Daddy, there's somebody on my bed."
**********
Sa inyong palagay, Sino sa dalawa ang tunay na Jay? At bakit?